Damien's POV
Si Nanay ang nagbukas ng gate, nakasunod naman kami kay Alas at Santi na nauunang maglakad. Pagpasok sa loob ay sinalubong agad kami ni Yuki. Or should I say...na si Santi talag ang sinalubong niya.
"Mommy!" maligalig na sigaw niya pa at mula sa sala ay patakbo niyang sinalubong ang ina. Nang makalapit ay mabilis siyang naangat ni Santi para buhatin, tila ba kay gaan lang nito para sa kaniya.
"Excited ka ba?" kahit nakatalikod sa gawi namin ay nahimigan ko ang ngiti sa boses niya nang sabihin iyon. Pinanood kong suklayin ng daliri niya ang buhok ni Yuki. Sa kilos niya, para bang siya talaga ang ina nito.
"Opo! Kase kasama kita."
"Pa'no naman kami?" si Carter na nakikisali na naman sa usapan. Tinawanan lang naman namin ito nang hindi siya pansinin ni Yuki. Tutok na tutok ang mata ng bata kay Santi, parang ayaw pang kumurap.
"Nasaan na 'yung mga gamit mo?" si Santi, ngayon ay humarap na sa amin.
"Damien." untag ni Wyatt sa 'kin, seryoso ang mukha nito nang lingunin ko. Nakuha ko naman ang ibig nitong sabihin at agad na lumabas muna kaming saglit habang nasa loob pa 'yung iba.
"Sigurado ka na talaga rito? Baka naman mamaya sinasabayan mo na lang kami para maka-move on ka." hindi iyon sarkasmo, seryoso siya sa sinabi. Nandito kami ngayon sa may gate, madilim at wala pang tao sa kalsada.
Naikuyom ko naman ang kamao. Alam ko namang nag-aalala lang siya para kay Santi at naninigurado lang sa nararamdaman ko. "You know how much I love her, Wyatt." mariin kong anas sa kaniya, mata sa mata bilang lalaki.
"Her? Sino naman sa kanila ang tinutukoy mo?" ngayon ay nandoon na ang pang-uuyam sa boses niya. "Siguraduhin mo na hindi mo kami ginagago rito, dahil kung hindi ka pa rin makalimot sa fiance mo ilayo mo na ang sarili mo kay Santi."
"Ria will always have a part of me, Wyatt. But it doesn't mean that I don't love Santi, I love her...so damn much. Hindi naman ako sasali sa kasunduan ng relasiyon na ganito kung hindi pa ako nakakalimot kay Ria."
Napabuga naman siya ng hangin, namulsa na tumanaw sa madilim na dulong bahagi ng kalsada. "Nag-aalala lang ako." naibulong niya. "You're going to introduce your first love to our girl? What for, Damien? Baka mamaya makaapekto pa 'yan sa relasiyon namin sa kaniya."
Naipikit ko naman ang mata. Hindi niya ako maiintindihan dahil si Santi ang unang babae sa buhay niya.
Totoong minahal ko si Ria, at hindi mawawala 'yung parte ng pagkatao niya sa puso ko. Ngayon na may babaeng nakapukaw ng atensiyon ko ng higit pa sa nagawa niya noon, gusto kong makilala niya 'yung babaeng iyon. And that is Santi. Gusto kong makilala niya 'yung babaeng muling nagpatibok ng puso ko, na makilala niya si Santi bilang babaeng mamahalin ko.
That was the last thing I can do to finally set her free and move forward. Her last wish, to meet the girl that I would spend my whole life with. Hindi ko kailanman inisip na magmamahal pa 'ko ulit matapos kunin sa 'kin ang babaeng akala ko makakasama ko na hanggang sa pagtanda. And now, inaamin ko ang katotohanang mas minamahal ko pa ng husto si Santi kumpara sa pagmamahal ko noon kay Ria.
"Just, this one...please?"
"Siguraduhin mo 'yan, Damien." ang tanging sinagot niya.
Siya namang labasan rin nila. Agad din kaming nagsi-sakayan sa sasakyan. Ako pa rin ang magmamaneho, si Santi sa front seat habang naka-kandong si Yuki sa kaniya. Matagal na tinitigan ko pa siya, napapangiti habang pinanood ang mukha niyang seryosong nakikinig sa kinukwento ni Yuki.
Hanggang sa mapansin ko ang pamumula ng pisngi niya at marahang pag-angat ng tingin sa 'kin. "Titig na titig? Ako ba 'yung kalsada?" ayun na naman at nagsusungit na ulit ito. Kanina lang...
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...