Damien's POV
"Tangina 'asan na naman 'yung boxer ko?!" umagang-umaga ay nakasigaw na bungad agad ni Kazuo ang nagpaingay sa maliit naming dorm.
I flipped the pages of the book I am reading and let him stomped his foot as he walk towards my direction. "Nasa kitchen." I said immediately, knowing that he would look for Carter.
Kalmado naman akong nakaupo rito sa sofa habang nagbabasa ng libro para sa nalalapit na namang pasukan.
"Tangina, sinuot mo na naman boxer ko 'no?!" hanggang dito sa sala ay naririnig ko ang sigaw ni Kazuo.
"Morning peeps!" nabaling ang atensiyon ko kay Alas nang umupo ito sa katapat kong couch. "Aga-aga libro agad hawak mo." aburido nitong asik na tumayo rin agad pagkakita sa 'kin.
Natawa na lang ako at sinara na ang hawak na libro, pagkatapos ay sumunod sa kaniya sa kusina. Naabutan naman namin ang dalawa na nagpapatintero dahil sa suot ni Carter na boxer.
"Susuotin mo pa 'to e, nasuot ko na?" tila nang-aasar pa na anas ni Carter, mahigpit ang hawak nito sa waistband ng suot na boxer para hindi mahubaran.
"Fuck! Ang yaman-yaman mo 'di ka bumili ng sa 'yo." I knew Kazuo very well and at this moment, alam kong galit na talaga siya. Short-tempered ang isang 'to kaso gago lang talaga itong si Carter at trip laging asarin si Kazuo.
"Chill! I told you, bibilhan kita ng bago. Isang dosena pa, promise na talaga 'to!"
"Tsk." asik na lang ni Kazuo at umalis na ng kusina. Seryoso ko namang binalingan si Carter na kakamot-kamot na lang ng sentido dahil unang beses na hindi na nagpumilit si Kazuo sa kaniya.
"Bumili kana ng sa 'yo, and please lang. Kahit ngayon lang Carter, act like your age. You're not a kid anymore. Mas mature pa nga ata si Yuki kaysa sa 'yo." suway ko sa kaniya, tila naman bata itong napayuko na lang habang pinagagalitan ko.
Yuki is our son; not biologically. Kami lang ang tumatayong magulang niya kaya para na rin namin siyang anak kung ituring.
"Fine, last na 'to." anito pa na ngumuso.
Napapailing na lang ako, binalingan ko naman si Alas na natatawa lang sa kaniya.
MAGTATANGHALI na nang makaalis kami ng dorm, pupuntahan namin ngayon si Yuki para ipasyal siya habang wala pang klase. Maaliwalas ang panahon at hindi mainit kaya naglakad na lang kami. Hindi rin naman kalayuan sa University na pinapasukan namin ang tinutuluyan ni Yuki.
Napahinto ako sa paglalakad at alam kong ganon din ang tatlo sa likod ko. Mula sa kinatatayuan namin ay tanaw ang babaeng nakita namin sa 711 nung nakaraang gabi, inaalalayan nitong makatawid ang matandang babae sa kabilang bahagi ng kalsada.
"That girl." I heard Alas utter. Hindi man niya tapusin ang sinasabi ay nakuha ko agad ang punto nito.
We've been looking and waiting for the right girl na para sa amin, and it was the first time after that night happen na makakaramdam kami ng iisang emosiyon. Unlike before na isa sa amin ang may tumatanggi kapag ang ilan ay may natipuhan ng babae.
"We should talk to her." suhestiyon pa ni Kazuo. Bukod kay Wyatt na hindi namin kasama ngayon, isa rin si Kazuo sa mga dahilan kung bakit hirap kaming mahanap ang babaeng para sa 'min dahil napaka-selan nito.
"Parang ang creepy naman kung basta na lang natin siyang lalapitan." si Carter.
"She already knew us, sa 711. 'Di ba?" paalala naman ni Alas.
"Ano 'yun lalapitan na lang natin siya tapos tatanungin if she's up, to have a relationship with us?"
"Bobo mo talaga." inis na ginulo ni Alas ang sariling buhok at hindi na nakipagtalo pa kay Carter.
YOU ARE READING
He's a She
RomanceSanti Valerina Zurichi. Kung titingnan siya ng iba ay wala namang espesyal sa kaniya, a typical nerd with her glasses. Isang graduating student na sa bahay, school, at library lang umiikot ang mundo. But that's what others think about her, behind he...