Chapter 7

26.4K 1.4K 1.5K
                                    

𖡎

Chapter 7

#wrewp

The disciplinary action took a while. Last day na ngayong araw. Dalawang araw na ring absent si Grant dahil sa suspension ng D.O. Syempre, masaya ako dahil may mga quizzes siyang hindi na-take. Kapag binabanggit sino ang highest, pumapalakpak ang tenga ko sa tuwa dahil ako lagi. Walang kasunod na Grantholm. Walang Lecasca. Pangalan ko lang.

Bakit kaya hindi niya subukan mag-absent ng buong taon?

Naintindihan naman ni Milca kung ilang araw muna akong hindi makakapag-training. Sinabi ko namang babawi ako. I also informed her that I was trying to push her to Grant when there were chances. Sa tingin ko naman ay kaunting pilit pa ay baka ligawan niya na si Milca. Katulad ngayon, nasa garden kami ng school. We were both wearing plastic gloves as we shove the trashes on the black trash bag.

Sa kabilang kamay ay hawak ko ang libro ko. Nagbabasa ako habang namumulot ng basura. Hitting two birds with one stone kumbaga. Ayokong masayang lang ang oras ko rito. Dapat habang ginagawa ko ang D.A, may na-re-retain ang utak ko. Para pagkauwi, mag-recall na lang ako ng mga nabasa ko para mailagay sa notes.

"Don't your eyes get hurt?"

Bumali ang leeg niya para sulyapan ako. Nanatili ang mata ko sa binabasa kong libro at hindi siya binigyan ng pansin. Ang ayoko pa naman sa lahat inaabala ako kapag nag-aaral o nagbabasa. Sumulyap ako sa mga halaman. May nakita akong balat ng chichirya kaya dinampot ko 'yon. I walked to Grant's direction because he was the one holding the trash bag.

I was about to put the trash I picked up but he moved the bag away. Kumunot ang noo ko. I darted a sharp gaze at him. Parang siraulo naman.

"Problema mo?" I hissed.

"What are the key components of an effective thesis statement?"

Napakurap ako. I closed the book I was holding. Sinagot ko siya nang hindi kumukurap.

"It should be clear, concise, and specific. It should give a central argument or claim which should be open for debate and supported by evidence. It should also provide a cohesive writing outlining the paper's main points."

He nodded his head. "What are the strategies to improve reading comprehension in academic texts?"

"Kulit mo. Para saan ba 'to?" tanong ko. "Active reading, annotating the text, identifying key vocabulary, summarizing main ideas, and asking questions."

"The moon is beryllium, gold, and titanium . . . " He poked the inside of his cheek with his tongue. "Is it true or false?"

Pumaling ang ulo ko sa kaliwa. "What the fuck are you talking about?"

Umiling siya. Humor was evident in his eyes even though he wasn't smiling. Ang weirdo nitong si Lecasca. Magtanong ba naman ng gano'n. E, ang mga una niyang tanong ay tungkol sa thesis statement at reading comprehension. Anong kinalaman ng buwan? Ang random. Parang gago.

"Of course it is false."

"You already know the gist of the lessons. Stop reading."

"Parang sinasabihan mo naman akong huwag huminga."

He shook his head. "You're too hard on yourself."

"Wala kang pakialam."

He shrugged his shoulders. Kinuha niya ang basura sa kamay ko at siya mismo ang naglagay no'n sa basurahan. Naglakad siya palayo at nagsimula na ulit mamulot ng basura. Sumunod ako sa likod niya. Naalala ko na pagkakataon na pala 'to para itulak si Milca sa kaniya. Kaya iyon nga ang gagawin ko. I sighed heavily and tried to set aside the crippling irritation towards him.

Where Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon