𖡎
Chapter 20
#wrewp
Trigger Warning: Homophobic remarks, red-tagging. and mentioning of HIV in a bad light.
Tahimik akong bumalik sa table namin nila Gabe. Hindi naman sila nagtaka dahil panay ang kwentuhan nila. Samantalang ako, hindi ko na magawang kumain nang maayos. All of Grant's words lingered inside my head like an old tape. Fuck it. Alam kong mahirap gawin ang nais kong mangyari; ang makalimot siya sa kung ano ang nararamdaman niya para sa akin. Lalo na kung sobrang lalim na talaga at hirap na makaahon. Pero mas maganda naman 'yon na may ginagawa siyang paraan para makalimot, 'di ba? Kaysa naman hayaan lang. Dahil hindi ko talaga maipapangako na kung ipagpapatuloy niya ay hindi siya masasaktan.
I've been really so bothered. Ito ang unang pagkakataon na . . . may nagkagusto sa akin na kapwa lalaki. And it wasn't just an infatuation. It was beyond that.
But Grant seemed to listen to what I wanted. Marami na ang nakakapansin na magkasama sila parati ni Milca. And I was well aware of that because Milca often update me to everything. Lahat ay sinasabi niya sa akin. Walang labis, walang kulang. Kahit nga kung anong kinain nila ay sinasabi niya rin sa akin. Gano'n kadetalyado.
"We ate ramen!" masayang sabi ni Milca. "Then after that we had a night walk. Tapos hinatid niya ako sa amin pagtapos."
Grant was doing a great job, then.
"Pumunta kami sa lawa! Ang ganda pala ro'n! Ngayon ko lang na-discover!"
Syempre, ako ang nag-insist niyan sa kaniya kaya maganda. Hindi ako pipili ng lugar na hindi maganda.
"We went to a coffee shop!"
"We went to an ice cream date!"
"We went to . . . "
He was trying. Grant was trying his best. And knowing that made me, somehow, relieved. Ginagawan niya ng paraan. At iyon ang tamang desisyon. Malapit na kami mag-college. May kaniya-kaniya na kaming gustong abutin. Kapag nagkahiwalay na kami ng landas kapag sumampa na sa kulehiyo, mas magiging madali. Mas mainam nga na kahit bago ang graduation ay tuluyan na siyang makalimot sa akin. Mahirap, e. But there was no other option.
I was certain that I wouldn't reciprocate what he felt for me. Malabo pa sa malabo.
I still kept on avoiding him. I was trying my best not to let our paths cross. At katulad ng nauna, siya na rin itong nagkukusa. Kapag tinatawag siya ni Gabe ay namamansin naman siya ngunit hindi niya ako dadapuan ng tingin. O 'di kaya naman ay kapag aayain siya umupo sa amin, panay ang tanggi niya. Kaya nagtataka na rin sila Gabe kung bakit naging madalas ang gano'n. They even asked me if we were not in good terms but I just shrugged the question off. Sinasabi ko na lang na ayos kaming dalawa kahit ang totoo niyan ay hindi naman talaga.
Pero tang ina. Ang hirap talagang iwasan ang isa't isa lalo na kung magkaklase kaming dalawa. Dahil noong nagkaroon kami ng group activity, kung minamalas ka nga naman, kagrupo ko na naman siya. Faith was pulling his strings to both of us and I didn't like it.
"Ang swerte ko talaga sa 'yo lord!" sabi ni Gabe.
Apat kami sa isang grupo. Kasama namin si Carlos. Noong sinabihan na kami na kitain ang mga kagrupo namin at bumuo ng bilog, agad akong nagtaas ng kamay.
"Ma'am, could I switch to a different group?" I inquired.
"Villaruz, bakit?" tanong ng instructor.
I heard Gabe's complaints and felt the intense stares from behind me. "I think our group is unfair to everyone. Nasa i-isang grupo po ang rank one last semester."