𖡎
Chapter 16
#wrewp
My friends mentioned it before that when it comes to signs of romantic interest or admiration, I was somewhat dense. Kahit lantaran na pinapakita sa akin kung gaano ako kagusto ng isang tao, hindi ko pa rin napapansin. Maybe because I have selective attention — I wouldn't care if it wasn't aligned with my interest. Kung hindi ko gusto, hindi ko mapapansin. Kung wala akong interes magkaroon ng karelasyon, kahit pa lantarang magpakita ng motibo, ma-o-overlook ko iyon.
Aside from this was my crippling low esteem about myself. It was a circle of up and down. Dahil nakabase ang sa tingin ko'y worth ko bilang tao sa kung paano ako mag-excel sa academics, hindi iyon palaging diretsong linya. I often fall behind the top seat, fall behind Lecasca. And if my worth was based on that, then my self-esteem wasn't consistent from the very beginning.
Baka gusto ako kasi . . . nasa itaas ako.
At baka hindi rin ako magustuhan dahil pangalawa lang ako.
Kaya madalas, mga kaibigan ko na mismo ang tumatapik sa mga balikat ko kapag may nagpapakita sa akin ng motibo na gusto nila ako. Nakakatuwa, syempre. Pero ang gusto ko, sa taong iyon mismo manggaling. Ayoko ng malabo. Ayoko mag-assume. Para mas malinaw lang at hindi ako bumase sa kung ano lang ang sinasabi sa akin.
"Parehas kayo ng bracelet ni Grant?" nagtatakang tanong ni Gabe habang hinahawakan ang bracelet sa kamay ko. Walang instructor kaya lahat ay kaniya-kaniya. In my case, I was reading my notes for the next subject.
Tumango ako. "Bigay ng kapatid ni Grant sa mga members ng dance troupe dude."
Ngumuso siya sabay lingon sa likod. "Grant! Pahingi rin ako bracelet!"
My forehead creased. Dumiin ang titig ko sa binabasa ko. I felt Gabe motioning his hands, urging the fucker to come to our seat. Nagtataka tuloy na pumunta sa pwesto namin si Lorie mula sa pakikipagdaldalan kila Isabelle.
"Anong meron? Bracelet?" si Lorie.
"Oo, 'yung bracelet na suot ni Matienne pati ni Grant. Cute, eh. Penguin!" paliwanag ng isa. "Oh, pre! Meron ka pa bang extra niyan?"
I flipped the page of my notes. I tried my best to focus on what I was reading.
"It's my sister who made the bracelets. I'm not sure if she still has a spare," rinig kong sagot ni Grant sa gilid ko.
Because the seat beside me was vacant, he sat next to it. Dahil nasa kaliwa ko si Gabe, si Grant ay nasa kanan ko. Nakaharap siya kay Gabe, ang siko naming dalawa ay nagtatama. Tumikhim ako at tuluyang binaba ang kamay para hindi makatawid iyon sa inuupuan niya. I could feel his stares on me even though I wasn't looking. Anong tinitingin tiningin mo? Tusukin ko mata mo, eh.
"Sayang! Bigyan ko sana si Gwein!" ani Gabe.
"I'll ask my sister to make another two for both of you. 'Yung parehas ang beads para bagay."
Pumalakpak si Gabe sa tuwa dahil sa narinig. Ramdam kong umusog si Gabe malapit sa akin habang nakataas ang kamay, aamba ng apir siguro. Grant moved towards me as well, answering the high-five. Dahil doon, naramdaman ko ang leeg niya na dumaplis sa ibabaw ng ulo ko, medyo naamoy ko ang pabango.
"'Yon! Kaya tropa ka namin eh!"
Ha . . . Huh?!
Agad akong napalingon kay Gabe nang marinig iyon. Malaki ang ngisi ng kaibigan ko samantalang salubong naman ang kilay ko. Narinig ko ang tawa ni Lorie. Gabe seemed not to notice my surprised face because he was still in reverie. Okay lang naman kung tropa nila pero bakit namin? Kasama ako? Hindi!