𖡎
Chapter 24
#wrewp
"Falling in love, falling in love . . ."
Marami ang sumasabay sa kanta at halos lahat ay tutok sa mismong stage. Nilingon ko si Grant. Ang hawak niya sa palad ko ay marahan. Para 'yong babasaging bagay na kailangan niyang ingatan. My stares lingered on his face and his soft hazel eyes. Kalaunan ay bumakas ang panic sa mga mata niya.
"I'm sorry," he uttered. "You might be uncomfortable."
Uncomfortable. Napapansin kong madalas niyang nababanggit 'yan sa akin. Kung hindi ba raw ako kumportable. Lumagari ang utak ko noong nag-camping kami. At iyon din ang araw na umamin siya sa akin ng nararamdaman niya. Even though time had passed since that happened, it was still vivid to me what I said that night. It was something I couldn't forget easily. I told him that he was making me uncomfortable. Iyon ba 'yon? Kaya palagi niya akong tinatanong?
I tried to put myself in his shoes. If I admire someone so deeply, and someone tells me that too, I might get hurt. Naisip ko rin na baka ganito rin ang nararanasan ni Kuya. Na kapag nagkakagusto siya sa isang tao ay nilalayuan siya dahil hindi sila kumportable sa pagmamahal niya. And that pained me unbearably.
Pero hindi rin ako masisisi kung iyon ang nasabi ko at ang naging reaksyon ko ng mga oras na 'yon.
Muli akong tumanaw sa stage at pinanood si Eloris. Inignora ko ang sinabi ni Grant at hinigpitan na lang ang kapit ng kamay ko sa kaniya.
"Humawak ka lang kung gusto mo," bulong ko.
I felt him stiffened. Nagsalubong ang kilay ko. Hindi naman ito big deal ah. Hawak lang naman ng kamay. Kahit nga sila Lorie ay hinahawakan ko ang kamay. Pero huwag lang siyang masanay masyado. Pinagbibigyan ko lang siya ngayon.
Kalaunan ay nakabawi rin siya. His grasp on my hand tightened, too. Pansin ko ang titig niyang hindi mawala sa 'kin. Napabuntong hininga ako bago siya muling binalingan ng tingin. But I was wrong. He wasn't looking at me.
He was looking intently into our hands like he was admiring it.
Somehow, there was some paradigm shift. Something melted, something foreign was striking my core. Pinanood ko kung paano niya laruin ang daliri naming dalawa. Sa lalim pa lang ng dimples niya, mukhang natutuwa siya na magka-holding hands kami.
"Nag-e-enjoy ka na ata?" sabi ko kalagitnaan.
Umangat ang mga mata niya. His lips pursed, trying to supress his smile.
"Sobra," he said weakly. "It feels like I am holding the world in my palm."
Tang ina! Dahil sa sinabi niya ay parang nag-init ang leeg at tenga ko. Hindi ko rin makuhang makapagsalita. Suplado akong bumaling sa stage at pilit pinanood sila Eloris. Pero naagaw din ang atensyon ko nang muling umilaw ang cellphone niya sa lamesa. It was another message from Milca and I immediately saw what was in it.
There was an emergency. Kaya hindi makakapuntal si Milca sa lakad nilang dalawa.
We were in that position the whole gig. Hanggang sa matapos na lahat-lahat ay magkahawak pa rin kami ng kamay, hindi niya binibitawan. Pero nang lumabas na kami para hintayin si Eloris sa parking lot ay hindi na kami maghawak. Although his smile was hard not to notice. His dimples kept on showing up like a default.
Tss. Akala niya ba cute 'yang dimples niya? Ayoko ng dimples niya!
"Huwag ka ngang ngumiti."
Kinagat niya ang labi niya at sumandal sa itim niyang jeepney wrangler. "Matienne, you can't blame me."