𖡎
Chapter 25
#wrewp
Trigger Warning: Suicide
We all decided to brainstorm about our film at Grant's house when Saturday came. Tinitigan ko ang sarili ko sa lumang salamin sa kwarto ko. My brows knotted when I thought that my hair was unkempt and disheveled. Kaya kumuha ako ng suklay para ayusin iyon.
My hair was parted in the middle, cascading in gentle waves that framed my face like delicate curtains. The two-block haircut suited me so well.
Bumali ang ulo ko, mas pinagmamasdan ang sarili.
"Okay na ba 'to?" I asked myself.
I then looked at the clothes I was wearing. I only wore an oversized white shirt tucked in denim shorts with my dark sandal buckle strap. Tumalikod ako habang ang mata ay nasa salamin pa rin. Parang kumikislap ang kutis ko dahil sa sinag ng araw na pumapasok mula sa bintana ng kwarto. Pagkatapos, inulan ko ang sarili ko sa pabango.
"Okay na ba 'to . . ." bulong ko sa sarili.
Tss. Bakit naman pormang porma ako, e mag-bre-brainstorming lang naman kami at gagawa ng script?
Kinuha ko ang cellphone ko at parang tangang pumwesto sa harap ng salamin. Pinasok ko ang isang kamay sa bulsa habang ang isa ay hawak ang phone. One click from the camera button, I didn't feel satisfied. Inangat ko ang kamay ko at nilagay sa likod ng batok. Nagpanggap akong nakatingin sa sariling repleksyon habang seryoso ang mga mata.
When I checked the pictures, I found myself smiling like an idiot. Pumili ako ng isang matinong litrato tapos ay nag-story ako sa Facebook.
My eyes squinted a bit when I saw the notification.
Grant Lecasca reacted ❤️ in your story.
Wala pang isang minuto 'yon. Hindi nga lang isang heart. Tinadtad pa nga.
Papansin?
My friends also saw my story and reacted the same. Si Gabe ay nag-chat pa.
Gabe
Bads
Ako nga rin
Pili ka ritoGabe
Gabe Versoza sent photos.Matienne
Yung pangalawa preGabe
ewallpaper monaHumalakhak ako bago inilagay si Gabe sa restricted list. Aalis na sana ako sa app, e kaya lang biglang may blue na bilog sa profile ni Grant na umagaw sa atensyon ko. Kumunot ang noo ko at pinindot 'yon. It was also a picture of himself in the mirror. He was simply wearing a black hoodie and grey jogger pants. He was also carrying Spooky in his arms and the cat was also looking at the mirror. Lumobo ang pisngi ko dahil sa pusa.
Tang ina ang cute.
I found myself reacting a heart. Dahil iyon sa pusa. Pero baka naman isipin niya ay dahil sa kaniya? Kahit nga picture lang ni Spooky 'yon ay pupusuan ko pa rin.
Mga bandang hapon nang umalis na ako ng bahay. Pagkarating ko ro'n ay si Grant ang nagbukas ng gate para sa 'kin. Sumimangot ako nang makitang lubog na lubog ang dimples niya. Mukhang masaya masyado ah. Dahil ba tinanggap ni Milca ang bulaklak na binigay niya? Tss.
"Hi . . . " he greeted.
Tumango lang ako. "Sino na nandiyan?"
"Nasa sala na sila."