Chapter 13

30K 1.6K 2.1K
                                    

𖡎

Chapter 13

#wrewp

Dumating ang araw ng performance namin. Everything went well. No one made a mistake. Even Emily's performance was flawless. Todo puri sa amin ang mga tao . . . pati sa akin. It boosted my confidence. It was a brimming validation on my end. Habang sumasayaw ako, para akong lumulutang sa alapaap. Every rythm and every flow of my body were like an offering to the deities. I made sure that I didn't step on the stage with a half-baked performance.

Kahit ang ekspresyon ng mukha ko; ang pagkagat ng labi . . . lahat iyon ay kalkulado ko.

Ang sarap lang sa pakiramdam dahil matapos ng ilang linggong pagod, sinalubong naman kami ng malakas na palakpakan. Ang ilan pa ngang estudyante mula sa iba't ibang school ay nagpa-picture. I willingly did take pictures with them even though I was dripping like raindrops.

"Ang galing niyo po!" sabi sa akin ng isang babae mula sa ibang school. Her uniform was familiar to me because I competed with their school before. Mag-isa lang siya.

I grinned at her. "Thank you."

"Puwede pong . . . magpa-picture?" nahihiyang tanong nito.

"Sure, no problem," sabi ko.

She shrieked without making any noise. Tumingin siya sa likod niya para siguro makiusap na mag-picture. Sakto, papalapit si Grant na mukhang pupuntahan si Emily. Ngumuso ako para pigilan ang tawa nang siya nga ang lapitan. He was taken aback. Sumulyap siya sa akin kaya umangat ang kilay ko. His forehead creased as he nodded his head. Alam ko na ang gano'ng ekspresyon niya. Kabisado ko na 'yan.

Bumalik sa akin ang babae. Grant went in front of us, jaw clenching. Kagat ko ang labi ko habang nakangiti. Inakbayan ko ang babae. Masama ang tingin niya sa cellphone na para bang gusto niyang basagin ito. Galit na naman siguro dahil nakita ang sayaw namin ni Eloris kanina.

Parang isang pindot lang ata ang ginawa niya dahil inabot niya na agad ang cellphone. Tumango lang siya nang magpasalamat 'yung isa.

Grumpy again, huh?

Sa mga lumipas na araw, hindi na siya nag-i-story sa account niya. Although he was always in the SPA, maybe to spread bad vibes because of his piercing stares. Minsan nga'y mas maaga pa siya roon na akala mo member siya ng grupo. Gano'n ba siya kaselos sa akin? Para bumakod nang gano'n kay Eloris? Ang tanga niya kung gano'n.

"I'll present him date ideas," sabi ko. "Mukhang gusto niya idagdag si Eloris sa collection niya."

Nanlaki ang mata ni Milca. "W-What? Si Elo?"

Tumango ako. "He likes her. Nagseselos sa akin."

Puwede ko naman kontratahin si Eloris na siya na lang ang gumawa ng trabaho ni Milca para mas madali, pero kasi may usapan na kami ni Milca. Gano'n din sila Lovey at Sayuri. Puwede ko silang kausapin. But I prefer to give honor to my deal with Milca. At isa pa, gusto siya ni Grant. Kung nawala man ang nararamdaman niya para rito, well, it could come back. Basta bigyan niya lang ng chance. But how could he give her a chance if he wanted someone else? Nakakabanas naman ito!

Kaya iyon nga ang ginawa ko. Noong nag-break, hinila ko si Grant sa library. Nagulat siya pero wala naman akong pakialam. Akala ko magrereklamo, e. Pero tahimik lang siyang nagpatianod sa akin. Doon kami pumwesto sa dulong table.

I pulled the chair and sat on it. But the fucker was just standing like a stupid crab. I glared at him and motioned the chair in front of me. Umiling siya at bumuntong hiningang umupo roon. Andaming alam uupo rin naman pala.

Where Rainbow EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon