Chapter 1

645 33 0
                                    

I

"PAANO ba yan Sachiko, graduate na kami kaya maiiwan ka dito." Anim kami na nagrerenta sa two-storey house ni Aling Maria pero graduate na sa kolehiyo ang lima kong kasama kaya maiiwan akong mag-isa sa bahay.

"Kung walang magrerent, lipat ka nalang sa kabilang bahay." Umiling ako sa sinabi ni ate Angel.

"Hindi pwedi, ate. Binayaran na ni tita ang isang taon kong renta dito. Hindi ako makakalipat." Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko.

"Paano ba yan, okay lang ba sayo na mag-isa ka dito?"

"Wag kayong mag-alala, may lilipat na dito bukas." Napalingon kaming lahat kay Aling Maria. "Isa pa, nasa kabilang bahay lang ang bahay ko at pwedi ko namang samahan si Sachiko ngayong gabi para hindi siya mag-iisa."

"Mabuti naman po kung sasamahan niyo si Sachi." Napangiti ako sa mga kasama ko dito sa bahay. Mababait talaga sila at maalalahanin. Sana lang katulad rin nila ang mga bagong lilipat dito sa bahay.

Sana lang...

Nung hapon ring yun, nagpaalam na silang lima. Puro babae kaming nagrerenta dito kaya mga babae rin panigurado ang lilipat bukas. Sana lang hindi maaarte at makalat.

Kinabukasan, napatanga ako nang makita ang mga bagong kasama ko sa bahay. Pinapasok sila ni Aling Maria sa loob ng gate. Hala, totoo ba 'tong nakikita ko?

"Kayo ang lilipat dito?!" Napatingin naman silang apat sa akin.

"Hoy pandak, ba't nandito ka?" Sinamaan ko ng tingin si Trev. Bakit nandito ang panget na 'to?

"Kayo nga tinatanong ko eh," Lumapit ako kay Aling Maria. "Sila po ba ang bagong lilipat?"

"Kakausapin nga kita tungkol dito, Sachiko. May lima kasing magrerenta dito sa bahay ko. Yun nga lang, puro lalaki. Maaari ka namang lumipat sa kabilang parentahan dahil ikaw lang ang babae dito." Napaisip naman ako sa sinabi ni Aling Maria.

Komportable na kasi dito sa bahay dahil mag d-dalawang taon na akong tumira dito mula first year college hanggang ngayon na second year college na ako.

"Kilala mo ba sila?"

Tumango ako kay Aling Maria. "Opo. Kaklase ko sila nung high school."

"Yun naman pala. Sige, pag-iisipan mo kung lilipat ka ba o hindi, dahil kakilala mo naman pala sila. Hindi sa ipinagtatabuyan kita pero negosyo ko itong bahay parentahan kaya sana maiintindihan mo ako."

"Sachiko, ikaw na ang bahala sa kanila. May importanteng lakad ako ngayon." Hindi pa nga ako um-oo, pero iniwan na agad kami ni Aling Maria.

"Anubayan, ako pa ngayon ang lilipat dahil sa inyo? Ang swerte niyo naman."

"Ikaw nga ang swerte dahil kami ang kasama mo dito," Ngumisi si Eiji at tinapik ang balikat ng kambal niyang si Klei. "Plus, nandito pa crush mo." Hinagis ko sa pagmumukha ni Eiji ang tsenilas ko. Bwesit na Eiji. Nakakainis talaga.

"Easy! Napaghahalataan ka na oh," Sumali pa sa panunukso si Cali habang tahimik lang si Klei.

"Past is past." Tumawa sila sa sinabi ko. Hiyang-hiya na talaga ako kay Klei. Naalala ko tuloy nung Grade 10 kami... nagtapat ako sa kaniya na matagal ko na siyang gusto. Nakakahiya ang katangahan ko noon.

"Hmp!" Tumalikod ako sa kanila. Hindi ko naman crush si Klei ngayon at saka may girlfriend na si Klei. May bago na rin naman akong crush.

Wala na akong nagawa kundi ituro ang mga bakanteng kwarto sa bahay. "May tatlong kwarto sa ibaba at tatlong kwarto rin sa itaas. Kwarto ko 'yang pangalawa sa itaas. Pwedi kayong mamili dyan sa limang bakante."

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon