Chapter 5

309 33 1
                                    

V

SIMULA nang lumipat silang lima sa bahay, hindi na talaga natahimik ang buhay ko.

"Pwedi ba, ang dudumi ng utak niyo. Nakita niyo naman siguro na nakasuot pa ako ng damit pagkagising ko diba?" Kanina pa ako nagpapaliwanag dito kina Trev at Cali pero ayaw talaga nilang maniwala.

"Eh, ba't dun ka natulog?" Itinapat pa ni Trevor ang hawakan ng walis sa bibig ko. "Sumagot ka, tinatanong kita."

Habang abala sila sa paglilinis sa kalat nila kagabi, abala rin sila sa pagtatanong ng kung ano-anu sa akin.

"Ilang beses ko ba kasi dapat ulitin ang sagot ko dyan ha? Nakakairita ka na." Sa kakasagot ko sa tanong niya, hindi ko namalayan na lumamig na yung kape ko. Pambihira naman.

"Gusto ko lang marinig ulit yung sagot mo. Bibigyan kita ng tatlong minuto para ipaliwanag ang nangyari. Bilis na,"

"Ano ba Trev, itigil mo na yang pagtatanong na yan. Hindi na tayo makakain kasi hindi pa nagluluto si Sachi." Isa pa 'tong si Cali. Habang nililigpit ang mga kalat nila, pa simple ring kumakain ng mga tirang chips na nagkalat sa sofa.

"Kadiri ka, bro. Bakit mo kinain ang mga yan?" Ngumiwi si Trev kay Cali. "Magkatabi lang ang mga chips at suka mo kagabi, kadiri ka."

"Eh, masarap pa naman tong chips saka sayang rin naman kasi pagkain naman to at ang pagkain ay dapat kinakain, diba Sachiko?"

"Puro ka pagkain, iiwan ko na nga kayo dyan. Siguraduhin niyong malinis na yan mamaya at matatanggal yang mga amoy. Kadiri." Iniwan ko na silang dalawa doon sa sala.

"Wag mo nang ulitin yun."

Muntik ko nang mabitiwan ang hawak na baso ng magsalita si Klei. Jusq. Para siyang kabuti na bigla nalang sumulpot sa tabi ko tapos ang baba pa ng boses niya. "Pinaglihi ka ba sa multo, ha?"

"Narinig mo ba ang sinabi ko?"

Ang seryoso niya ngayon ha. "Sinabi ko naman sayo diba, may rason ako kung bakit dun ako natulog sa kwarto mo. Ilang beses ko ba dapat ulitin, Klei?"

"Basta wag mo nang ulitin, naiintindihan mo?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit ko naman uulitin yun? Ang swerte mo naman. Ano ka, gold?" Inirapan ko siya.

"Alam mo naman na may girlfriend ako. Ayokong mag-away kami ni Xylia." Tumalikod na siya pagkatapos niyang sabihin yun saka lumabas na sa kusina.

Duh? Ano ba talagang akala niya, na gumagawa ako ng gulo para mag-away sila ni Lia? Magsama silang dalawa. Ano naman ang pake ko sa kanila?

"Bakit kasi hindi ka natulog dun sa kwarto ko?"

Muli na naman akong napairap nang lumapit sa akin si Eiji. "Ikaw! Kasalanan mo lahat ng 'to!"

"Oh? Bakit ako sinisisi mo?"

"Inom ka ng inom tapos sa kwarto ko pa kayo natulog. Bakit kasi hindi nalang kayo natulog sa sala o kaya sa labas. Wala sana akong issue akong ngayon."

Ngumisi si Eiji. "Sachi, my dear Sachiko. Sabihin mo nalang kasi na tumigil na ako sa pag-inom. Alam ko naman na concern ka lang sa akin e."

"Ew. Kahit gawin mong tubig yang alak, wala akong pakialam." Inirapan ko siya.

"Oh, kumalma ka lang. Alam mo ba na, the more you hate, the more love?" Bumungisngis siya ng tawa sa kakornihan niya.

"Adik ka ba?" Pagkatapos kong tanggalin ang plug ng rice cooker, umalis na agad ako sa kusina.

"Oo, adik sayo. Boom sabog!" Iniwan ko na talaga siya dun sa kusina. Sigurado talaga ako na adik ang isang yun.

"Oh, it's a beautiful day! It's a beautiful life!" Wow. Himala. May pakanta-kanta pang nalalaman si Cali habang naglalampaso sa sala.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon