Chapter 22

221 32 0
                                    

XXII

GUSTONG-gusto nilang pigilan si Sachiko sa pag-alis sa bahay pero hindi nila nagawa yun.

Malakas na itinapon ni Eiji ang remote ng tv sa pader. "Kasalanan mo ang lahat ng 'to!" Alam nilang lahat na minsan lang magalit si Eiji kumpara sa kambal niyang si Klei.

"Desisyon niya yun." Tipid na sagot ng kambal niya.

"Hindi niya gugustuhing lumipat dito! Lumipat siya dahil sayo! Gago ka!" Hindi nakaiwas si Klei sa pagsuntok sa kaniya ni Eiji.

"Bro," Pilit na inilayo nina Cali at Trevor si Eiji.

"Wala akong alam sa sinasabi mo." Nananatili paring kalmado si Klei at hindi gumanti sa kambal.

Nagngingitngit na sa galit si Eiji dahil sa sinabi ni Klei. "Wag mong idadamay si Sachi sa away niyo ni Lia! At wag na wag ka ng lalapit kay Sachi dahil naaapektuhan siya kapag nagseselos ang girlfriend mo! Gago ka ba?!"

Nabasag ang vase nang sipain ni Eiji ang mesa sa sala. "Tama na, bro."

"Pilit ko siyang inilalayo sayo pero lapit ka naman ng lapit sa kaniya! Ano ba talagang gusto mo, ha?!"

Hindi sumagot si Klei.

Nag-iinit ang ulo ni Eiji kaya inilabas siya ni Trev sa bahay para makaiwas sa gulo.

Tahimik lang rin na pumasok sa kwarto niya si Klei.

Napakamot nalang sa ulo niya si Cali. "Sino kaya ang maglilinis dito?"

"Jack en poy?" Lumapit sa kaniya si Adi na kanina pa tahimik at nagmamasid lang.

"Babalian talaga kita ng buto kapag nag video ka na naman." Tinapik ni Cali ang balikat ni Adi.

"Wala bro. Behave ako ngayon." Gumanti siya ng tapik kay Cali. "Baka may lahi kayong aswang."

"Siraulo!"

"Biro lang. Nasaan ba ang walis dito?"

"Ewan ko lang kung saan nilagay ni Sachiko."

"Ako na maghanap sa walis. Hanapin mo ang dust pan."

Umalma si Cali sa sinabi ni Adison. "Ano? Saang lupalop ko naman hahanapin ang dust pan na yan?!"

* * *

Hindi ako makatulog. Gusto ko ng matulog pero hindi pa ako inaantok. Baka naninibago ako sa bahay. Lumabas ako sa veranda.

"Anong ginagawa mo dito?" Huli na nang itago niya ang hawak na sigarilyo. Nasa labas rin pala si Sic at mukhang magkatabi lang ang kwarto namin.

"Magpapahangin,"

"Pumasok ka na sa loob. Malamig dito,"
Dumungaw ako sa ibaba. Tahimik na ang paligid pero nakabukas pa rin ang ilaw sa kabilang bahay. Ano kaya ang ginagawa ng mga kupal na yun?

"Papasok ka ba o hindi?" Nakatago pa rin sa likod ang isang kamay niya.

"Naninigarilyo ka pala, no." Kaswal na sabi ko. Baka hindi alam ng mommy niya na naninigarilyo siya kaya tinatago niya.

"Shut up. Pumasok ka na sa loob." Buti nalang malayo kami sa isa't-isa. Bakit ba parang galit siya sa akin? Wala naman akong ginawa sa kaniya.

"Bakit ba parang galit ka sa akin?" Tanong ko.

"Sinong galit?" Nilabas na niya ang sigarilyo na hawak dahil nakita ko rin naman yun.

"Yung aso sa baba? Parang nagalit yung aso." Nag-iingay kasi ang mga aso sa kalye.

"Pilosopo."

"Hindi ko inakala na naninigarilyo ka. Sa mukha mong yan?"

"Wala kang pakialam." Inis na sabi niya.
"Mainitin pala ulo mo, ano?"

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon