Chapter 18

242 32 0
                                    

XVIII

"CHING-CHING! Lumabas ka nga dyan! Nandito si Trevor. Hinahanap ka." Sigaw ni mama mula sa ibaba.

Niyakap ko ang unan ko. Ayoko pang bumangon at mas lalong ayokong makita ang kahit na sino. Umuwi nga ako sa bahay para hindi ko sila makakausap tapos pumunta pa talaga si Trevor sa bahay?

"Natutulog ako, Ma!"

"Walang tulog na nagsasalita, Sachiko." May kumatok sa labas ng pinto ko.

"Matutulog pa ako."

"Tanghali na, Sachi. Bumangon ka na dyan." Sabi niya.

"Ayoko. Bahay namin to kaya matutulog ako hangga't gusto ko."

"Okay. Buksan mo nalang ang pinto. Mag-uusap tayo,"

"Wag ngayon, Trevor."

"Oh sige. Bakit ka umabsent kahapon at ngayon?"

Agad akong napatayo at binuksan ang pinto. "Hindi. Ako. Umabsent." Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Hindi ka pumasok at hindi ka umuwi ng bahay. Nag-alala na kami sayo," Tinakpan ko ang bunganga niya.

"Ano naman? Minsan lang ako umaabsent." Mahinang sabi ko dahil baka marinig ako ni Mama. Sinabi ko pa naman na wala kaming pasok kaya hindi na muna ako pumunta sa university.

"Alam ba ni Tita?" Ininguso niya si Mama na nagwawalis sa sala.

"Malamang hindi at wag na wag mong sabihin sa kaniya." Banta ko sa kaniya.

"Simple lang naman, hindi ko sasabihin basta umuwi ka na sa atin."Ngumiwi ako sa sinabi niya. Anong atin? Ang laswa pakinggan.

"Ayusin mo nga 'yang mga salitang ginagamit mo. Baliw ka," Tumawa lang siya kahit na kinurot ko ang tagiliran niya.

"Babalik siguro ako dun sa linggo o sa lunes. Kaya nga ako umuwi kasi nakakaimbyerna na ang mga mukha niyo. Nakakasawa na tapos pumunta ka pa dito sa bahay, wala namang pasok sa sabado. Siraulo ka,"

"Hindi ka naman nagrereply sa mga text ko."

"Wala akong load."

"Sinungaling,"

"Whatever."

Pumasok siya sa kwarto ko. "Hindi mo man lang na appreciate ang pagpunta ko dito sa bahay niyo." Nagtatampong sabi niya.

"Hindi naman kita inutusang pumunta dito."

"Nag-alala ako sayo," Aniya. "Kaya dapat samahan mo ako. May pupuntahan tayo,"

"Saan ka naman pupunta? Wala ako sa mood gumala ngayon,"

"Okay. Sasabihin ko nalang kay Tita na umabsent ka ng dalawang araw." Nakangising sabi niya.

"Tigilan mo nga ako, Trevor."

"Hindi ako nagbibiro, Sachiko. Nasaan na ba yun si Tita," Dahil nakabukas lang ang pinto, dumungaw siya sa sala at tinawag si Mama.

"Tita--"

"Oo na, sasama na ako sayo. Saan ka ba pupunta at bakit kailangang kasama ako?"

"Wag ka ng magtanong. Tara na," Hinila niya ako palabas."

"Hindi pa ako naliligo!"

"Wag ka ng maligo. Pwedi na yan,"

Tinulak ko siya palabas ng kwarto. "Hintayin mo ako sa baba kung gusto mong sumama ako sayo. Maliligo pa ako. Wag na wag kang magsasabi ng kung ano-anu kay Mama. Hindi na talaga kita kakausapin," Banta ko sa kaniya bago ko siya pinagsarhan ng pinto.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon