Chapter 9

283 33 0
                                    

IX

"ANONG oras pasok mo?"

"09:30" Isang oras pa naman bago magsimula ang klase pero hindi ako mapakali. Hindi ko kasi natapos ang paggawa ng powerpoint kagabi. Gago. Kahit nagkape na ako, hindi ko talaga napigilan ang antok. Kaya ngayon kinakarma.

"Kumain ka na?" Tumigil ako sa pag ttype sa keyboard at sumulyap sa kaniya. Kagigising lang pala ng damuho.

"Mamaya na siguro." Pinagpatuloy ko ang ginagawa at hinayaan ko nalang siya.

"Gusto mo ng kape?" Ugh. Kaya nga pala ako bumaba dito sa kusina para magtimpla ng kape kaso nakalimutan ko ng gawin kasi nga nagpanic na ang mga nerve cells ko dahil magrereporting pala ang grupo namin ngayon tapos sa first period pa.

"Mabuti yata gising mo ngayon,"

"Tsk." May nilapag siya sa tabi ng laptop ko. "Saksak mo sa bunganga mo."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Huh?"

"Gatas." Ininguso niya ang baso. Gatas pala yung tinimpla niya.

"Oh." Tiningnan ko ang gatas tapos binalik ko ang tingin sa kaniya. Ang weird niya yata ngayon. Nakakain kaya to ng ipis kagabi kaya nagkakaganito siya ngayon? Ewan ko lang.

"Inumin mo na." Nakatayo lang talaga siya sa tabi ko na para bang hinintay niya talaga na inumin ko yung gatas. Wierdo.

"Hindi mo naman yan nilagyan ng lason diba?"

"Edi wag mong inumin." Akala ko aalis na siya sa dining table pero umupo siya sa tabi ko. "Nag-aaksaya pa ng gatas. Di mo naman pera pinambili mo dyan."

"Hoy grabe ka naman. Eto na nga iinom na." Porket sila na ang bahala sa groceries aba, ginaganito na nila ako ngayon.

Wala naman sigurong lason to kaya kinuha ko yung baso at humigop ng gatas. Naibuga ko ng wala sa oras ang gatas. "Hoy! Ang alat!"

Napatayo ako at agad na kumuha ng tubig. "Bwesit ka, Klei. Walang hiya ka!"

"Walangya ka rin, ba't mo binuga sa mukha ko?"

"Oh? ba't mo rin nilagyan ng asin ha?!"

"Kasalanan ko ba, akala ko asukal."

"Anong asukal, may nakalagay nga na salt sa labas ng lalagyan diba?" Bwesit na tao. Wag niyang sabihin na hindi niya nabasa yung nakalagay na salt. Tangina. "Bulag ka ba?"

"Nag mamagandang loob nga lang." Naghilamos siya ng mukha sa sink.

"Ah, dapat ba akong magpasalamat sayo?" Pinandilatan ko siya ng mata. "Sige ha. Salamat sa pagtimpla mo ng gatas. Nakakatulong sa akin." Inis na bumalik ako sa pag-upo at tinapos ang ppt ko. Umalis na rin naman siya sa kusina pagkatapos maghilamos. Baliw.

Nakakainis naman. Gatas pa nga.

"Sachiko, nakita mo ba yung p.e uniform ko?" Rinig na rinig ko ang pagsigaw ni Cali mula sa kwarto niya.

"Huh? Hindi."

"Sinampay ko sa labas kahapon!"

"Oh, tapos? Ba't di mo kinuha?"

"Nakalimutan ko!"

"Oh, tapos?"

"Pwedi mo kunin?" Huh?

"Baliw ka ba? May paa at kamay ka pa naman!"

"Nakahubad ako!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Adik ka ba? Ba't di ka magbihis? Baliw ka!"

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon