Chapter 8

286 33 0
                                    

VIII

"CHING-CHING! Ching-ching! Chingy-chingy ching-ching!" Napairap nalang ako kay Eiji. Kahit kailan bwesit talaga siya.

"Tumigil ka nga dyan!"

"Ako pala ang crush mo? Ang taas naman pala ng standards mo sa lalaki." Sumisipol pa siya habang naghahanap ng magandang palabas sa netflix. Kung makaasta naman, parang siya ang nagbabayad ng netflix e ako lang naman ang nagbabayad o pwedi namang sabihin na pera ni Tita Maris ang ipinambayad ko nun.

"Assuming ka naman." Umupo ako malayo sa kaniya habang nag iiscroll sa twitter. Ano kaya magandang i tweet? hm.

Utang na loob. Hindi naman talaga siya ang crush ko. Si mama kasi kung ano-anu sinasabi mali naman. Hay naku. Tanga pa naman 'to si Eiji naniwala naman.

Dumaan si Trevor sa harap ko at mabilis na hinablot ang cellphone na hawak ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya ako ng dalawang kilay. "Oh? Anong kailangan mo?"

"Masakit likod ko." Hinimas-himas niya pa ang likod niya.

"Ano namang pakialam ko dyan sa likod mo? Akin na nga 'yang cellphone ko!" Hindi ko na sinubukan pang hablutin ang cellphone ko sa kaniya nang itinaas niya yun.

Parang deja vu kasi. Nung minsan na inigaw ko kay Eiji yung cellphone ko, natumba kami pareho tapos--- ah basta hindi magandang pangyayari ang naidudulot nun. Kaya di ko na uulitin.

"Makukuha mo lang 'to pagkatapos mong i massage ang likod ko. Tapos ansakit pa ng pwet ko. Tanginang Calixto na yan!" Isinigaw niya pa talaga ang huling salita para marinig talaga ni Cali na nasa kusina. Malamang kumakain na naman yun.

"Tangina mo rin, lampa!" Narinig pa namin ang pagtawa ni Cali mula sa kusina.

"Pfft, wag mong sabihing nadulas ka dyan sa harap ng pinto mo?" Humalakhak ako ng tawa. Gagi. Ngayon ko lang naalala ang pinaggagawa ni Cali sa harap ng pinto ni Trevor. Todo floorwax pa siya dun tapos nilampaso niya ng maayos bago nilagyan ng rag.

"Magkasabwat pala kayo ng gagong yun?" Nagsalubong ang kilay niya.

"Hindi ah. Paalis na ako nun nung naglampaso siya dyan sa labas ng pinto mo." Depensa ko. Anong kasabwat? Wala akong pakialam dyan sa mga kawalang-hiyaan nila.

"Kahit na." Masama pa rin ang tingin ni Trevor sa akin. "Kailangan mo akong pagsilbihan. Sumasakit ang pwet ko, oh. Look." Tumalikod pa talaga siya sa akin at talagang iginalaw galaw niya ang pwet niya sa harap ko.

"Ew. Ang sagwa mo, bwesit ka. Umalis ka nga dyan!"

"Hindi!" Hindi ako makapaniwala sa inasal niya. Nagdadabog sa harap ko? Seryoso? "Kailangan ko ng masahe."

"Hoy tanga anong masahe? Ang swerte mo naman. Akala mo naman utusan ako dito sa bahay. Mag masahe ka mag-isa mo." Napairap nalang ako dahil hindi pa rin siya umaalis sa harap ko.

Gusto ko lang naman manood ng tv tapos itong baliw na si Eiji, umaandar na naman ang pagka engot niya. "Who lives in a pinneapple under the sea?"

Eksakto namang dumaan si Cali. "Spongebob! Squarepants!"

"Spongebob! Squarepants!"
"Spongebob! Squarepants!"
"Spongebob! Squarepants!"

Kaya yun, puro spongebob squarepants nalang ang naririnig ko kaya nagpasya akong umakyat nalang at magpahinga sa kwarto ko. Sa totoo lang hindi naman yan sila ganyan kapag nasa campus o kapag may ibang tao. Kung titingnan mo puro papogi at normal na tao lang naman sila pero parang mga tanga sila kapag nandito sa bahay.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon