Chapter 7

291 33 0
                                    

VII

"CHING-CHING! May naghahanap sayo. Lumabas ka muna dyan sa kwarto mo, anak." Alas syete na. Nakahiga na ako sa kama ko dahil plano ko talaga na bukas nalang uuwi dun sa nirerentahan kong bahay malapit sa campus.

"Sino ba yan, Ma?" Sino naman ang maghahanap sa akin, e wala naman akong close na kaibigan dito sa lugar namin. Taga kabilang municipality kasi halos lahat ang mga kaibigan ko.

"Basta lumabas ka na dyan. Naghihintay sila sa kusina." Napabangon ako sa sinabi ni mama. Tama ba yung narinig ko? Naghintay sila sa kusina? Sa kusina talaga, di pweding maghintay sa sala ganun?

"Oh, buti lumabas ka na rin. Pinakain ko na sila ng hapunan, sige na umupo ka na dyan at kumain ka na rin. May pag-uusapan tayo pagkatapos niyong kumain."

Patay. Lagot na talaga. Nahilamos ko ang dalawang palad sa mukha nang makita ang dalawang tao na kumakain sa hapag-kainan. Base sa tono ni mama, may sinabi ang dalawang 'to.

Nang lumabas na si mama sa kusina, saka lang ako umupo. Nakakainis ang dalawang 'to! "Anong sinabi niyo kay mama, ha?"

"Hm, ang sarap naman ng luto ni tita L." Halos hindi ko na nga maipinta ang mukha ko sa inis, galit, at poot na nararamdaman ko pero nakafocus lang talaga sila sa pagkain.

"Ano ba? Bakit nandito sa bahay?" Padabog na nilapag ko ang kutsara sa lamesa. "Nakakainis kayong dalawa!"

"Sinabi ko naman sayo na sabay na tayo sa pag-uwi kaya pinuntahan kita dito." Nagpatuloy na si Klei sa pagkain niya.

"Oh, bat nandito ang isang yan." Ininguso ko ang kambal niya.

"Aba, gusto mo talagang solohin si Klei ano? Nakakasakit ka na ng damdamin, Sachiko." Umakto pa siyang napahawak sa dibdib niya.

"Kasi diba, sinabi ko naman na wag mo na akong hintayin. Saka paano mo natunton 'tong bahay namin, ha?"

"Malamang, nagtanong kami. Gamitin mo rin kasi minsan 'yang utak mo." Ang sarap talagang hagisan ng kutsara sa mukha si Eiji. Literal na sumakit talaga ang ulo ko.

"Sinabi niyo ba na magkasama tayo sa iisang bahay?" Pilit kong pinagdarasal na hindi nila sinabi yun pero...

"Oo. Nagtanong naman kasi si tita L. Anong gusto mo, magsinungaling kami?"

Inis na tumayo na ako. "Nakakainis kayo!" Hindi na ako kumain at hinanap ko agad si mama. Panigurado malilintikan ako nito ng beri slight.

"Ma," Nakita ko si mama na nagkakape sa labas ng bahay.

"Kumain ka na ba?" Umiling ako.

"Busog pa ako, Ma." Umupo ako sa tabi niya.

"Kailan mo balak sabihin sa akin na puro lalaki na pala ang mga kasama mo?"

Napahinga ako ng malalim. "Ganito kasi yun, Ma. Ngayong gabi ko talaga balak na sabihin yun sayo. Kasi naman diba, nasabi ko na sayo na graduating na sila? Gumraduate na sila tapos, hindi ko naman inaasahan na mga lalaki ang bagong magrerenta dun. Naisip ko rin kasi na binayaran na ni tita Maris ang buong renta ko para ngayong taon..."

"Pero kung gusto mo, kakausapin ko si Aling Maria para kunin yung advance payment ko para makalipat na ako ng apartment."

Diritso lang ang tingin ni mama sa harap. Ni hindi niya ako nilingon habang nagpapaliwanag. Lagot talaga ako nito.

"Ilang linggo mo na silang kasama dun? At sino-sinu sila?"

"Magd-dalawang linggo na, Ma. Medyo komportable naman ako sa kanila. Yung dalawa sina Calixto at Trevor, kilala mo naman sila diba?"

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon