Chapter 25

244 28 0
                                    

XXV

NAILAGAY ko na sa sarili kong cupboard ang mga binili kong grocery. Dalawa ang refrigerator nila sa kusina kaya ginamit ko yung isa para sa mga karne at gulay na binili ko. Pagkatapos kong maayos ang lahat, naghanda na ako para umalis.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Bakit ba tanong ka ng tanong?" Kunot-noong tanong ko rin sa kaniya.

"Are you fighting?" Tanong rin ni Lester na kasalukuyang nanood ng cartoons sa tv.

"Hindi, Lester." Malumanay na sabi ko sa bata.

"Are you going out again, ate S?"

"Ate S?" Ngayon ko lang narinig na may tumawag sa akin nun. Ang cute ni Lester. "Uuwi ako sa amin, Lester."

"Uuwi ba talaga o may pupuntahan?"

"Ano ba ang pakialam mo?" Kanina pa ako nagtitimpi dito kay Sicario. "Tapatin mo nga ako. May problema ka ba sa akin?"

"Ako?" Sarkastiko siyang tumawa at tinuro ang sarili. "Wala akong problema. Ikaw may problema."

"Huh? Ano namang problema ko? Sige nga, sabihin mo." Totoo, marami akong problema pero ano namang pakialam niya dun?

"Hindi mo alam? Bakit ka pumatol kay Klei?"

"Ako?! Pumatol kay Klei? At saang lupalop ng mundo mo naman nalaman yan? Humiwalay na nga ako ng bahay para makaiwas sa gulo."

"Umiwas nga ba? Nakalimutan mo bang magkapitbahay lang kayo?"

"Alam mo rin ba na naghahanap ako ng malilipatan pero wala akong nakita at simula nung nakilala ko ang mama mo, hindi na siya tumitigil sa pagsasabi na dito nalang ako lumipat sa inyo. Tumanggi nga ako ng maayos sa kaniya e."

Hindi sumagot sa sinabi ko. Saka ko lang rin naisip na baka ayaw niya na may ibang tao dito sa bahay nila. Baka ayaw niya na nandito ako sa bahay nila.

"Ah, kaya ba ganyan ang pagtrato mo sa akin dahil ayaw mong nandito ako sa bahay niyo? Wag kang mag-alala, ipagpapatuloy ko ang paghahanap ng malilipatan."0ta Diritsahang sabi ko sa kaniya saka lumabas na sa bahay nila.

Huh. Kaya pala laging mainit ang ulo niyia sa akin dahil hindi niya gusto ang pananatili ko dito sa bahay nila. Ang tanga ko rin kasi. Bakit hindi ko agad na gets yun?

"Sachiko, hindi yun ang ibig kong sabihin." Sumunod siya sa akin sa labas ng bahay.

"Naiintindihan ko naman," Binuksan ko ang gate dahil gagamitin ko ang kotse pag-uwi. "Pwedi bang isara mo ang gate paglabas ko? Pasensya sa abala. Salamat."

Pumasok na ako sa kotse. May sinasabi pa siya pero wala na akong panahon pa na makinig.

Hindi ko talaga inakala na ganun ang ugali niya. He's rude. Pwedi niya namang sabihin sa akin ng diritsahan na ayaw niyang nandun ako sa bahay nila pero dinadaan niya ako sa masamang pananalita. Ang slow rin kasi ng utak ko. Hindi ko kaagad na gets.

Pagdating ko sa bahay, kinausap ko si Mama. "Ma, kailangan ko na namang lumipat."

"Bakit ching, may problema ba dun sa nilipatan mo?"

"Hindi naman ganoong problema, Ma. Ramdam ko kasi na hindi nagustuhan nung anak ni Tita Imelda na nandun ako sa bahay nila. Ayaw ko rin na makaabala sa ibang tao yung presensya ko." Sinabi ko na rin kasi kay Mama kung bakit nagkakilala kami ng Tita Imelda. Alam na niya yung nangyari.

"Ganun ba? Mahihirapan ka na naman sa paghahanap ng malilipatan." Nag-aalalang sabi ni Mama.

"Okay lang yun, Ma. Maghahanap ulit ako ng malilipatan kahit medyo malayo mula sa campus. May kotse naman,"

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon