Chapter 34

322 30 0
                                    

XXXIV

ALAS onse na nang gabi. Kakaalis pa lang nila Mama pauwi sa amin. Hindi talaga sila nagpapigil sa akin na umuwi dahil may pasok rin kinabukasan ang mga kapatid ko.

"Hi,"

Naabutan ko siyang nakatayo sa labas ng bahay. Hinihintay niya ba ako? "H-Hi,"

"Happy Birthday?" Minsan lang siya ngumingiti sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa oras na ito. Masaya ako na nakita ko ulit siya. Pero may kakaibang emosyon na pinapakita ang mga mata niya. Kalungkutan? Hindi ako sigurado.

Hindi ko alam pero nakita ko nalang ang sarili ko na yumayakap sa kaniya. Hindi naman siya umiwas o kumibo. Nanatili lang siyang tahimik.

"Okay ka na?" Maya-maya pa'y tanong ko sa kaniya.

"Ikaw ang dapat kong tanungin kung okay ka na. Tatlong araw kang walang malay at hindi man lang kita nadalaw kaya pumunta ako ngayon sa birthday mo." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Oh, sinabi nila sayo. Eh, nakalimutan ko nga na birthday ko pala ngayon. Nasaan na yung gift ko?" Nilahad ko amg kamay ko sa kamay.

Napakamot pa siya ng ulo. Wala naman akong nakitang dala niya kanina pagdating niya kaya alam kong wala siyang dalang regalo. Hindi na rin yun importante sa akin. Binibiro ko lang naman siya.

"Eto oh," Hinawakan niya ang kamay ko.

"Klei..."

"Sumunod ka sa 'kin." Likas na matigas ang ulo ko pero sumunod rin naman ako sa kaniya. Dinala niya ako sa likod ng bahay.

"Anong meron?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya. Madilim ang paligid sa likod ng bahay. "Nasaan ba ang switch dito?"

Binitawan niya ang kamay ko. "Dito ka lang."

"H-Hoy Klei! Pinaprank mo ba ako? Nasaan ka ba? Tatakbo na talaga ako pabalik sa bahay. Walang hiya---" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang umilaw ang mga maliliit na lights sa paligid.

"Wow. May ganito pala sa likod ng bahay? Bakit ngayon ko lang napansin?" Napangiti ako nang may nakita akong picnic blanket sa gitna.

"Klei?" Tinawag ko siya pero hindi siya sumagot. Nasaan na ba ang lalaking yun? Lumapit ako sa gitna at naupo sa blanket. May mga pagkain pero lihim akong natawa nang mapansin na yun rin yung mga pagkain mula sa loob ng bahay.

Ano ba ang trip ng isang yun? Buti nalang at walang lamok dito sa labas. Yun nga lang nilalamig ako. "Nasaan na ba kasi ang isang yun?"

"Sach," Nakagat ko ang dila ko nang bigla siyang nagsalita sa likuran ko. "Happy Birthday," May hawak siyang bouquet ng red roses.

"Thanks, Klei." Hindi ko mapigilang mapangiti nang binigay niya sa akin yun. Ito yung unang pagkakataon na may nagbigay sa akin ng bulaklak. Hindi ko rin in-expect sa buong buhay ko na siya yung unang magbibigay sa akin. Feling ko ang ganda ko at nakakaflatter ng sobra yung gesture niya.

"Pwedi mo bang isuot 'to?" Napatingin ako sa paper bag na hawak niya.

"Ngayon?"

"Kung okay lang sayo, oo."

Kahit hindi ako sigurado ay tinanggap ko 'yon. "Okay. Hintayin mo 'ko dito."

Hindi ko alam pero kinakabahan ako bigla. Wala naman akong dapat ikabahala pero inaamin kong kinikilig ako. Awatin mo ang sarili mo, Sachiko.

Pumasok ako sa bahay mula sa backdoor pero nagtataka ako dahil wala akong naririnig na ingay sa loob. Nasaan kaya ang mga walanghiyang yun? Dumiritso ako sa dating kwarto ko dahil doon ko napagpasyahang magbibis.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon