Chapter 28

223 29 0
                                    

XXVIII

"HABULIN ka rin, ano?"

"Habulin ng kamalasan." Masama ang tingin ko sa kaniya habang nilalagyan ng cold compress ang pisngi ko. May konting kirot lang naman pero nag-insist talaga si Sic na lagyan ko pa rin. Overreacting rin kasi siya dala ng kaartehan niya sa katawan.

"Your welcome nga pala," Sarkastikong sabi niya.

Tumayo ako at kumuha ng maiinom na tubig. "Bakit mo naman sinabi yun? Hindi yun totoo at marami ang nakarinig. Baka maniwala pa ang mga yun,"

"I saved you. Gusto mong matawag na malandi? Kabit?" Masama na naman ang tingin niya sa akin.

"Wala akong pakialam. Basta alam ko sa sarili ko na wala akong nilandi at hindi ako naging kabit ng kahit na sino." Pangangatwiran ko. Bakit ang hilig nila sa maling akala? Nakakasakit na sila ng tao sa ginagawa nilang yan.

Tumayo siya sa tabi ko. "May sagot ka talaga sa lahat ng sasabihin ko, ano?"

Matapang akong humarap sa kaniya. "Pangangatwiran ang tawag dun,"

Napansin ko na tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Fine. Wala na akong sasabihin."

Nanlaki ang mga mata ko nang marahan niya akong hinila papunta sa kaniya at dumampi ang labi niya sa labi ko. "Ano? May sagot ka pa rin?"

Dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa pagkabigla.

"I see. May sagot ka pa rin,"

Napaatras ako nang dumikit ang katawan niya sa katawan ko. "Tumatanggap ako ng maraming sampal."

Bago pa ako makaangal, muling dumampi ang labi niya sa labi ko. Sinakop ng labi niya ang labi ko. His tongue found his way in. Hindi pa siya nakontento dahil naramdaman ko ang konting kirot sa ibabang labi ko nang marahan niya itong kinagat.

"May sagot ka pa rin?" Tinulak ko siya at tumakbo ako papasok sa kwarto ko. Dumudugo ang ibabang labi ko dahil sa ginawa niya.

Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ayokong mag assume nang kahit ano mula sa kaniya pero bakit niya ba ginagawa sa akin 'to? Akala ko nakakatulong siya sa akin pero dumagdag pa siya sa mga iniisip ko.

"Akala mo ba, makakatakas ka sa akin? And dami mong hindi sinabi, bruha ka! Magsalita ka ngayon din." Nakapamewang na sabi sa akin ni Hiro. Hindi ako pumasok sa campus pero pinuntahan ako ni Hiro dito sa bahay.

"Hiro,"

Tumaas ang isang kilay niya. "Wag mo akong ma tawag-tawag sa pangalan ko. C'mon, spill the sauce." Huminga ako ng malalim. Hindi niya talaga ako tatantanan.

"Ano ba ang gusto mong malaman? Sinabi ko na sayo na magkaibigan lang kami ni Klei. Magkaibigan lang kami. Gusto mo i translate ko pa in english?"

"Uh-uh?! Bakit parang mas close na kayo kumpara noong mga nakaraan?"

"Nagkausap na kami ng masinsinan. Tsaka, na realize ko rin na nawala na pala yung pagkakagusto ko sa kaniya noon. Kusa palang mawawala yun sa tamang panahon. Pero magaan na talaga ang loob ko sa kaniya. Yung tipong nag-uusap kami, in a casual manner."

Tinitigan ako ni bakla. "Gaga, hindi mo napansin yung lambing sa boses ni Klei nung nakipag-usap siya sayo? Hindi kaswal ang tawag dun,"

Napairap ako sa sinabi niya. "Ikaw lang ang nakapansin, Hiro." Minsan kasi exaggerated rin 'tong si Hiro dala na rin siguro sa kabaklaan niya.

Tumango siya pero halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Ano yan?" May tinuro siya sa mukha ko.

"Ano?"

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon