Chapter 15

258 32 0
                                    

XV

"NASAAN ang girlfriend ko?" Umaga pa lang, alam ko na agad na masisira na ang buong araw ko.

Kailan lang nagkaroon kami ng moment ni Klei tapos biglang sisirain ni Eiji. Bakit hindi nalang magkasundo ang utak nila para masaya na kaming lahat? Bwesit talaga ang Eiji na yun.

"Seryoso talaga kayo dyan?" Tanong ni Trev

"Wtf? Bakit may magkarelasyon dito sa bahay? Ang weird!" Dagdag pa ni Cali.

"Ibig sabihin ba, magkasama na sila sa iisang kwarto?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Adi.

"Anoo?!" Magkasabay na bulalas ni Cali at Trev.

"Bakit hindi pa bumabangon ang baby ko?" Napatakip ako ng unan sa mukha ko nang marinig ang sinabi ni Eiji. SERYOSO BA SIYA?

"Baby, gumising ka na." Buti nalang nilock ko ang pinto kundi papasok talaga ang kupal na yun.

"Tigilan mo ako, Eiji! Wag mong sirain ang umaga ko!"

"Masisira talaga ang buhay mo kapag hindi mo bubuksan 'tong pinto, baby! Alam mo na," Hahabaan ko nalang siguro ang pasensya ko.

Ang mission ko talaga ay kunin ang cellphone niya para i delete ang lahat ng nandun na magagamit niya laban sa akin. Nakakairita talaga ang bwesit na yun e.

"Baby, bubuksan mo ba o hindi?"

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto. "Eiji--"

"Good morning baby!" Natigilan ako nang bigla niya akong hinalikan sa noo.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Good morning kiss," Ngumuso pa siya sa akin.

"Baliw ka ba?"

"Medyo,"

Hindi ko siya napigilan nang pumasok siya sa kwarto ko at isinara ang pinto.

"Ano ba ang gusto mo?"

"Ikaw. Gusto kong umayon ka sa lahat ng gusto ko. Ayusin mo ang pagiging girlfriend mo sa akin para naman kapani-paniwala."

"Wala naman dito sa bahay si Carel. Tsaka pwedi ko naman sabihin sa mga kupal dyan sa baba na hindi talaga tayo magjowa. Baka kung ano-anu na iniisip ng mga yun!"

"Hindi na mahalaga ang iisipin nila. Ang mahalaga, hindi aabot kay Lia ang picture niyo ni Klei diba?"

"Ginagamit mo talaga yun para susunod ako sa gusto mo?" Inis na sabi ko sa kaniya. "Tini-take advantage mo ang picture na yun na wala namang malisya! Ayoko ng gulo, Eiji."

"Tulungan mo ako para lubayan ako ni Carel tapos buburahin ko na ang picture."

"Pwedi naman na burahin mo nalang yun saka hindi mo nalang papansinin yang impaktang Carel na yan e!"

"Relax, tatlong araw lang naman ang hinihingi ko."

"Dalawang araw,"

"Tatlo,"

"Pwedi naman na isang araw lang e!"

"Tatlo, baby." Hinaplos niya ang buhok ko.

"Basta sasabihin natin sa kanila ni Trev na pretend lang ang lahat."

"Hindi pwedi."

"Bakit naman?"

"Madaldal ang mga yan baka malaman pa ni Carel na hindi pala kita girlfriend. Ang cheap pa naman ng babaeng yun."

"Ayaw mo nun, may nagkakagusto sayo?"

"Ayoko,"

"Dalawang araw. Hindi natin sasabihin sa kanila."

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon