Chapter 20

235 28 0
                                    

XX

LUNES na lunes, wala akong ganang pumasok. Sumasakit ang ulo ko kahit wala naman akong ginawa buong linggo kundi matulog at kumain.

"Two timer,"
"Malandi yarn?"
"Akala mo sinong maganda."

"Hayaan mo na 'yang mga bubwitang yan. Wala naman silang alam." Magkasama kami ni bakla na pumasok. Medyo may ideya ako na hinintay niya ako para sabay kaming pumasok.

"Nakakairita."

"Mga insecure lang yan. Akalain mo yun, marami kang boys na kasama,"

"Ano naman kung alam na nila na sa iisang bahay lang kami? Hindi naman sila ang nagbayad sa renta. Bwesit,"

"Uy, beh. Kalma ka lang. Masisira ang hindi kagandahan mong mukha," Pabirong sabi ni Hiro.

"Ano naman? Sirang-sira na ang araw ko nung sabado pa." Akalain mo yun, may kumalat na video tapos hindi ko alam? Wala akong ka alam-alam na pinagp-pyestahan na pala ako? Grr.

"Gaga, bakit bindi mo binasa ang mga texts at chats ko? Hm?"

"Wala. Ayaw ko lang,"

"Ano, nakausap mo na si Adison?"

"Para saan pa?"

"Hindi man lang siya nag sorry sayo?"

Napairap ako sa gigil. "Alam mo, pwedi niyang isaksak sa bunganga niya ang sorry niya. Hindi ko talaga naisip na siya yung nagpakalat ng video na nakuha sa bahay. Of all people? Lalaki ang nagpakalat nun? Hindi talaga ako makapaniwala."

Kaya siguro hindi niya ako pinapansin nung nasa resort kami. Nakikita niya ako pero hindi niya ako kinakausap. Yun na pala yun?!

Pagpasok namin sa first period, may ibang mga kaklase ko na nakatingin sa akin. Alam ko naman na nakita na nila yung video na sinabunutan ako ni Lia dahil nilandi ko raw si Klei.

Wala naman akong narinig na mga bulungan sa classroom. Patay malisya lang ang mga kaklase ko. Hindi rin pumasok si Adi at hindi ko siya nakita kaninang umaga dahil umuwi ako sa bahay ni Mama.

Inaya ko si Hiro na kumain kami sa arcade (cafeteria) ng university namin. Ito namang si bakla, nautusan pa na magpa-xerox ng mga handouts sa susunod na subject.

"Gaga, dito ka lang. Bibili muna ako ng tubig. Nauuhaw na talaga ako."

"Bilisan mo ha,"

Iniwan niya ako sa tapat ng gate dahil nandun ang isang stool na may xerox machine. 20 copies ang pinapa-copy ko at may 6 pages yung handouts kaya natatagalan.

"Oh, Sachi! How are you?" Nginitian ako ni Carel. Nakapoker face lang ako sa kaniya.

"I saw the other video. Alam mo, dinaig pa ako nung girlfriend ng kambal ni Eiji. Nakakaawa ka naman, for today's video." Nang-aasar ang tono ng boses niya.

"Alam mo, nakakaawa ka rin." Ginaya ko ang paraan ng pagsasalita niya. "Hindi mo pa alam?"

"Ang ano?" Maarteng tanong niya.

"Sinagot na ni Alexis si Eiji. Anyway, hindi ko masisisi si Eiji. Mas maganda at matalino si Alex sayo."

"Ano?! Hindi totoo yan!"

"Oh? Bakit hindi mo tanungin si Eiji?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"You're a liar! Porket malandi ka! Nang-aagaw ng lalaking may girlfriend!"

"Alam mo, kahit sumigaw ka pa ng malakas wala akong pakialam." Ako naman ngayon ang ngumisi sa kaniya.

"Bitch! Malandi!"

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon