Chapter 14

222 28 0
                                    

XIV

HINDI ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Nandun ang kilig, kaba, pangamba. Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng 'to.

Naging crush ko si Klei noon tapos hindi ko ini-expect na mangyayari ito sa amin. Ni minsan hindi ko nakikita ang sarili ko na sumasayaw kaming dalawa.

Kahit yung by-pair na walts sa P.E namin nung high school, hindi ko siya nakapares sa sayaw tapos heto kaming dalawa ngayon, sumasayaw habang nagp-play ang isang kanta ni Ed Sheeran na Dive.

Do you have a tendency to lead some people on?
'Cause I heard you do, mmh

Slow dance ang ginagawa namin. Ang bilis ng tibok ng puso lalo na at magkalapit ang katawan namin. Hindi ko nga alam kong nahihibang na ba ako kasi nakikiliti ako sa paraan ng paghawak niya sa beywang ko.

"Sigurado ka ba na hindi magagalit si Lia?" Marami pa namang kaibigan yung gf niya dito sa univ.

"Dim naman ang lights dito," Kaswal na sagot niya. Ah talaga lang Klei? Porket dim ang lights pwedi mo akong isayaw? Nagmumukha ba akong kabit o nag ooverthink lang ako?

So don't call me baby
Unless you mean it

"Ikaw, may magagalit ba sa akin dahil kasayaw kita?"

"W-Wala naman," Ilan taon na nga ulit akong single? Halos 4 years na.

"Si Drax ang huling ex mo?" Tumawa siya habang itinanong niya yun.

"Secret,"

Hindi niya talaga pinigilan ang pagtawa niya. "May naalala ako,"

"Wag. Wag mo nang alalahanin please," Bigla akong tinablan ng hiya.

"Akalain mo yun, sinagot mo si Drax tapos nagconfess ka sa akin." Nahampas ko ang balikat niya. Naalala niya pa talaga yun?

"Kalimutan mo na yun," Hiya-hiya na talaga ako sa kaniya.

"Ang haba pa ng confession mo nun,"

"Klei naman," Dapat bang pag-usapan yun habang sumasayaw kami?

"Dami mong sinabi nun e," Nag-iinit na talaga ang mukha ko sa hiya. Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya.

"Kalimutan mo na yun, Klei..."

"Nahiya ka na nyan?" Hindi ako sumagot sa sinabi niya.

"Ano nga pala ang nireply ko sayo nun?"

"Klei, tigil na." Tuwang-tuwa talaga siya sa panunukso niya sa akin habang hiyang-hiya na ako sa sarili ko.

"Uupo na nga tayo." Aya ko sa kaniya. Tapos na rin naman yung kanta tapos may bago na ulit.

"Oh," Binigay niya sa akin ang panyo niya.

Kinuha ko naman yun at pinunasan ang mukha ko. Buti nalang waterproof ang makeup na ginamit ni Tita Beks sa akin kundi lagot na talaga ako.

"Dyan ka lang, kukuha ako ng juice." Tumayo na siya at pumunta sa may buffet.

"Ang saya no?" Nagulat ako nang biglang sumulpot si Eiji sa tabi ko.

"K-Kabute ka ba?"

"Akala mo hindi ko kayo nakita?"

"A-Ano naman? May ginawa ba akong masama?"

"Sa tingin mo matutuwa si Lia kapag nakita niya 'to?" Nanlaki ang mga mata ko nang ipakita ni Eiji sa akin ang isang picture kung saan nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Klei.

"Ang sweet niyo tingnan dito, diba?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Binibigyan mo lang ng malisya e. Burahin mo na yan," Sinubukan kong kunin ang cellphone niya pero agad na naitago niya yun.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon