Chapter 19

233 28 0
                                    

XIX

"OKAY na ako." Binaba ako ni Klei. "Hindi mo dapat sinuntok si Trevor.

"Tsk. Sana hinayaan nalang kitang malunod." Mahinang sabi niya.

"Ano?"

"Sabi ko, wala man lang thank you?" Inis na sabi niya na hindi nakatingin sa akin.

"Oh, salamat."

Naupo siya sa buhangin. Binuhat niya kasi ako mula sa pool patungo sa cottage pero maraming bisita si Trevor kaya naupo nalang ako sa buhanginan.

"Tch,"

"Ano ba ang problema mo?" Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Wala naman siyang balak na sagutin ang tanong ko kaya tumayo na ako.

Bakit nga ba ako sa kaniya? Baka mamaya may makakita tapos baka kung ano na naman ang isipin.

"Sorry." Natigilan ako nang sabihin niya yun. Luminga ako sa paligid. Wala naman akong nakitang ibang malapit sa kaniya kundi ako lang.

"Para sa akin ba yun?" Tinuro ko ang sarili ko.

"Sorry dahil sinugod ka ni Lia. Nagkaaway kami dahil sa picture natin na nakita niya nung acquaintance party. Marami siyang kaibigan sa campus at may nagsabi sa kaniya. Okay ka lang ba? Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw?" Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Okay lang ako pero sana naman sabihin mo sa kaniya na hindi kita nilandi dahil ni minsan hindi ko naman ginawa yun sayo. Ikaw yung nag volunteer na samahan ako sa acquaintance, diba?" Pwedi naman na si Cali o Trevor yun pero hinila niya ako at hindi naman ako pumalag.

"Pinagselosan ka ni Lia tapos nabasa niya yung message mo 3 years ago."

"Ano?!" Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya. "Seriously? Hindi mo binura yun?!"

"Hindi."

Tumalikod ako sa kaniya. Uminit ang buong mukha ko. "Wala na yun. Matagal na yun."

Yung sakin binura ko na. Isa yun sa mga pinaka-cringe na nangyari sa buhay ko. Wala e. Immature pa ako nun at HINDI KO ALAM KUNG BAKIT KO GINAWA YUN.

"Sinabi ko naman sa kaniya na hindi kita gusto at siya ang mahal ko." Sabi pa niya.

Buti nalang nakatalikod ako sa kaniya. "Alam ko yun." Pilit akong ngumiti. Alam ko yun simula pa nung una. Tanggap ko naman e.

Okay na ako kasi matagal na rin naman yun. Kaso parang bumalik nung mga panahon na magkasama kami sa iisang bahay. Parang may isang parte sa akin na umasa kahit alam kong hindi ako. Siguro na-romanticize ko yung mga normal na nangyayari habang nakikita, nakakausap at nakakasama ko siya.

Siguro nga mali yung desisyon ko na tumira sa iisang bahay kasama siya--sila.

Umalis na ako. Ang tanga ko rin kasi inaamin kong kinikilig ako sa mga maliliit na interaksyon na nangyari sa amin. Para akong tanga na tinatawanan ang sarili. Ang hopeless romantic ko talaga.

Ilang taon ba akong single? Kailan ba ako nagkajowa? Ha-ha.

Naglakad-lakad lang ako sa tabing-dagat. Nakakarelax pala ang ganito. Kukuha sana ako ng picture kaso naiwan ko ang cellphone sa cottage. Ang malas ko talaga.

"Sachiko!"

Akala ko makakarelax ako pero nakasalubong ko si Eiji. Nakita ko rin si Adi na may kausap na babae. May girlfriend pala ang payat na lalaking yun?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Nakikita mo naman siguro na naglalakad ako. Hindi halata, Eiji?"

"Sach, galit ka pa rin?" Lumapit siya sa akin.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon