Chapter 16

236 29 0
                                    

XVI

"Gaga, pakopya ako sa quiz ha." Siniko ako ni Hiro.

"Wag mo akong lokohin. Alam kong nag-aral ka kagabi." Inaamin kong may pagkamalandi at baliw si Hiro pero alam ko talaga na matalino siya.

"Two is better than one." Nagtawanan kaming dalawa. Limang taon na kaming magkaklase ni Hiro kaya kilala na namin ang isa't-isa.

"Teamwork," Bulong ko dahil nagsimula na ang professor sa pagbibigay ng test questions.

Binigyan lang kami ng dalawampung minuto para sagutan ang quiz. Nakakalahati palang ako nang biglang sumakit ang tyan ko. Nanayo ang balahibo ko at pinapawisan ako ng husto. Sobrang sakit talaga ng tyan ko.

Ano bang nakain ko kanina? Hindi ko matandaan!

"Hindi ako sigurado sa true or false," Mahinang sabi ni Hiro. "Anong nangyari sayo?"

"Sumasakit ang tyan ko." Nakakairita naman! Mabuti naman ang pakiramdam ko kanina pero bigla nalang sumakit ang tyan ko. Pambihira naman!

"Tapusin mo muna ang quiz saka ka tumae." Tinawanan niya ako.

"Gago," Pinagpatuloy ko ang pagsagot kahit na gusto ko nang tumakbo papunta sa cr. Bwesit. Ni minsan hindi pa ako tumae sa cr dahil nakakahiya yun pero hindi ko na talaga kaya.

Pagkatapos kong sagutan ang quiz at ipakita ang mga sagot ko kay bakla, ipinasa ko na agad yun.

"Ang pangit ng hitsura mo!" Tumatawa si Hiro. "Taeng tae ka na?"

"Walanghiya ka,"

"Kapag tatalikod si ma'am, lumayas ka na. Wag kang tumae dito sa loob,"

Inis na hinampas ko si Hiro. Gaya ng sinabi niya, tumakas ako mula sa backdoor ng classroom. Dalawang taon na ako dito sa university pero ngayon lang sumakit ang tyan ko ng ganito. Nakakainis talaga!

Tatlo lang ang cubicle ng cr sa Mesc Building. Nasira ang lock ng isang pinto, kaya dalawa nalang talaga ang pweding magamit pa. Buti nalang umalis na ang isa pang gumagamit ng cr kaya pumasok na agad ako.

Naririnig ko na may babaeng pumasok sa cr. Nakakahiya talaga tumae sa campus pero wala na akong magawa.

"The nerve of that bitch!"

"Balak pa yata niyang pagsabayin ang kambal, huh!"

Kahit ayokong makinig sa usapan ng iba, hindi ko maiiwasang marinig ang pinag-uusapan ng mga nasa labas.

"Sinabi ni Keijeigh kahapon na gf niya yun tapos makikita nalang natin na nakaangkas ang malanding babae sa motor ng kambal niya? Two timer!"

"Pero may girlfriend naman daw yung kambal ni Eiji."

"Yun na nga diba! Na b-bwesit talaga ako sa pagmumukha ng babaeng yun."

Hindi ko alam na ganito pala ang feeling kapag naririnig mo mismo na pinag-uusapan ka ng ibang tao. Girlfriend ni Eiji? Nakaangkas sa kambal? Ako yun!

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"Hello? May tao ba sa loob? Ihing-ihi na ako oh!"

Gumanti ako ng katok sa pinto para malaman nila na may tao pa sa loob. Lalabas na sana ako pero dahil naiinis ako sa kanila, paghihintayin ko sila ng matagal.

"My Gosh! Makakaihi na rin sa wakas." May pumasok sa kabilang cubicle kaya lumabas na ako. Dalawa silang naririnig kong nag-uusap at dahil pumasok sa isang cubicle ang isa, naabutan ko ang kasama niya sa labas.

Titig na titig siya sa mukha ko. Naririnig ko pa na tinatawag niya ang kasama niya nung palabas na ako sa cr.

"Gaga! Bakit ang tagal mo!" Naabutan ko si Hiro sa labas ng classroom.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon