Chapter 30

239 34 0
                                    

XXX

"GOOD morning,"

"Sic, anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang pagdilat ko kinabukasan, nasa loob na siya ng kwarto.

"Hinintay kang magising." Kaswal na sagot niya.

"Ano? Anong nakain mo?"

Ngumuso siya. "Epekto ng kiss."

"Lumabas ka na bago ka makita ni Tita. Baka ano pa isipin nun. Labas na," Pagtataboy ko sa kaniya.

"She's off to work."

"Kahit na! Respeto nalang sa privacy ko."

"Kiss muna," Napatanga ako nang ngumuso siya. Nananaginip ba ako? Parang ibang Sic na yata 'tong kaharap ko ngayon.

"Nananaginip ba ako?" Bumangon ako at pinalapit siya sa akin. "Halika nga dito, sampalin mo ako."

Nakatitig lang siya sa akin pero kalaunan ay lumapit rin. "Nananaginip ka nga." Pinisil niya ang dalawang pisngi ko.

"Aray! Masakit yun," Pinanggigigilan niya yung pisngi ko. Pilit kong tinatanggal ang dalawang kamay niya sa pisngi ko pero hindi pa rin siya tumitigil.

"Kakagatin ko talaga 'tong kamay mo kapag hindi ka titigil,"

Ngumisi siya. "Hindi ako masasaktan, panaginip mo lang 'to."

"Talaga lang, ah. Bigyan kaya kita ng black eye, gusto mo?"

Inaambahan ko siya ng suntok sa mukha pero mabilis na lumapat ang labi niya sa labi ko. "You're not dreaming, silly."

Hindi ako nakapagsalita sa ginawa niya. Walang hiya! Pagkatapos niyang gawin yun ay lumabas na siya sa kwarto ko.

Kinurot ko ang sarili ko at dun ko napagtanto na hindi yun panaginip. Hinalikan na naman ako ng kupal na yun! Kailangan na talaga naming mag-usap ni Sic pero naalala ko na maaga ang pasok ko ngayon kaya inayos ko muna ang sarili ko.

"Kain ka muna," Naabutan ko siyang naghahanda sa dining table. Nakabihis na rin siya ng school uniform. Habang tinitingnan ko siya, naalala ko yung sinabi ng mommy niya sa akin kagabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na pinilit niya si Tita Imelda na sa kanila ako lumipat nung nalaman niya na naghahanap ako ng malilipatan. Baka naman naawa siya sa akin? Taliwas naman kasi ang pinapakita niyang ugali sa akin noong lumipat ako dito.

Tsaka pinipilit niya rin akong umalis sa bahay nila nung nakaraang araw. Ano ba talaga ang totoo?

"Anong tinutunganga mo dyan?" Natauhan ako nang pinitik niya ang daliri niya sa harap ko.

"Kasi..."

"She probably said something to you last night?" Tumango ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. May inis, hiya, at kilig? Halata naman kasi na nilalandi niya ako.

"Totoo ba ang lahat ng yun?" Sinabi ko yun sa kaniya pero natuon ang atensyon ko sa pagkain na nasa harap ko.

"Ano sa tingin mo?"

"Tatanungin ko ba kung alam ko?"

"Manhid ka ba?"

"Hindi ako manghuhula, Sicario." Hindi na siya sumagot sa sinabi ko kaya tumayo na ako dahil baka ma late pa ako sa klase.

"Kung gusto mong bumalik kay Klei, hindi kita pipigilan."

"Pinapaalis mo na ako?"

"Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo talaga."

"Saan ako aayaw, Sic?" Tanong ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin. "May gusto ka pa ba kay Klei, Sachiko?" Tumitig siya sa mga mata ko at ganun rin ako sa kaniya.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon