Chapter 27

242 30 0
                                    

XXVII

"BA'T nandito ka pa?"

Nakakaumay na rin 'tong si Sic. Akalain mo na tatlong linggo na niya akong pinapaalis sa bahay nila. Tatlong linggo akong umiiwas sa kaniya pero kahit saang sulok ng bahay ako pupunta, nandun siya.

"Di mo naman bahay 'to."

"Bahay. namin. 'to."

"Bahay ng mommy mo at hangga't buhay pa siya, hindi pa ito mapapasayo."

"Are you cursing my mom?!"

"Anong curse? Baliw ka ba?"

"Ikaw ang baliw."

"Alam mo, wala akong mapapala sayo. Kung ayaw mo na akong makita, pwes magtiis ka nalang kasi hindi papayag ang mommy mo na lilipat ako."

"Are you kidding me?"

"Mukha ba akong nag j-joke?! Bahala ka na nga dyan!"

Yes. Tama yung narinig niyo. Nagpaalam na ako kay Tita Imelda na lilipat na pero hindi siya pumayag. Sinabi ko rin na baka hindi komportable ang 'maarteng' anak niya habang nandito ako pero wala na raw magagawa si Leicester dahil pamamahay niya naman ito.

Ayaw ko rin naman na tumanggi pa dahil medyo may kalayuan sa campus yung lilipatan ko sana. Ang tangi ko lang magagawa ay umiwas sa anak niya. Per mukhang imposibleng mangyari yun.

"Sachiko!" Nilapitan ako ni Trevor nang makita niya ako sa labas ng campus. Papasok pa lang ako habng papalabas na siya.

"Ang busy mo na, ah." Pabiro kong hinampas ang balikat niya. Minsan ko nalang kasi siyang nakikita. Lagi silang naka assign sa extension campus dahil may on the job training na sila.

"Paano mo nasabi?" Pinitik niya ang noo ko.

Sumimangot ako sa kaniya. "Hindi kayo magtatagal." Mahinang sabi ko nang makita ang girlfriend niya sa labas ng gate. Ang bilis niya rin nakahanap ng girlfriend. Pero naman kasi maitatanggi na gwapo rin ang kumag na yun.

"Selos ka lang e."

Dumila lang ako sa kaniya dahil wala na akong masabi. "Dyan ka na nga."

"See you later," Kumaway pa siya sa akin.

Dumadating na rin kasi kami sa ponto kung saan busy na kami sa pag-aaral namin. Lalo na at third year college students na kami.

"Hoy bakla!" Tinawag ko si Hiro nang makita ko siyang nakaupo sa students lounge.

"Hoy gaga! Bakit hindi tayo magkapareho ng schedule? Nasa block A ako."

Umupo ako sa tabi niya. "Yun na nga! Magkasabay naman tayong nagpa enroll pero bakit ganun?" Hindi ko talaga feel ang classroom kapag wala si Hiro.

"It's parting time," Malungkot na sabi niya.

"Hoy shunga! Para namang hindi na tayo magkikita." Hinampas ko siya. "Ang overreacting mo talaga."

"Nga pala, Sachiko."

"Ano naman?"

"Kamusta boylets mo? Hindi ko na kayo nakikitang magkakasama. Nagbreak na kayong lahat?"

"Baka gusto mong i-break ko 'yang mukha mo."

"Ano ba kasing nangyari? Andami mo ng inilihim sa akin ha," May lihim pagtatampong sabi niya.

"Anong inilihim ko sayo?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Yan," Ngumuso siya sa likuran ko. "Anong meron sa inyo?" Lumingon ako sa likuran ko at tiningnan ang ininguso niya. Nakita ko si Klei na naglalakad sa hallway.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon