Chapter 3

381 35 3
                                    

III

PARANG gusto ko manapak ng tao. Hindi ako tinitigilan ni Eiji sa ka-bwesitan niya. Kumakain kami ng hapunan nang ipinagkakalat niya ang eksena na pumasok ako sa kwarto niya nang nakahubad siya.

"Pakingshit bro, nadungisan na ni beasty ang dangal mo?" Eksaheradang bulalas ni Cali habang inuubos ang mga ulam namin sa lamesa.

"Magtira ka naman, baboy ka." Hinampas ko ang kamay niya dahil magkatabi kami ng upuan. "Saka, wala naman akong nakita sayo Eiji. Tumalikod ako kaya wag kang ma issue dyan."

"Beasty, hindi ako baboy." Inirapan ko si Cali.

Marahas naman na tumayo si Trev. "Hindi! Hindi maaaring palampasin ang pangyayaring ito. Ikaw babae," tinuro niya ako gamit ang sandok ng kanin. "Kailangan mong itaas ang dangal ng aming kaibigan. Napagdesisyonan kong ipakasal kayong dalawa ni Eiji!" Seryoso ang boses niya pero kalaunan ay nag bungis-ngisan silang dalawa ni Adison.

"Ew." Inirapan ko si Eiji na nasa tapat ko pero ngumisi ang lang ang baliw.

"Ako ang bestman!" Hinampas ko sa balikat si Cali dahil bigla siyang nagsalita ng puno ang bibig kaya may lumalabas na kanin mula sa bibig niya.

"Ang baboy mo talaga. Nakakainis ka na."

"Pre, ikaw ang pari." Tumango naman si Adison sa sinabi ni Trev. "Kailangan nating magcelebrate!"

"Timing! Mag-iinuman kami ng mga kaibigan ko, okay lang ba kung dito nalang kami sa bahay? Para sama-sama tayo, game?" Sinaaman ko ng tingin si Adison. Kasama mga kaibigan niya? Panigurado sasama si Sic, ang precious love of my life!

"Bili tayo ng beer tapos si Sachi na bahala sa pulutan, diba Sachiko?" Tinaasan ko ng kilay si Eiji.

"Kayo mag-inuman tapos ako magluluto, ano kayo sinuswerte?" Tumayo na ako at nilagay ang plato sa sink. "Hoy Adison, wag mong kakalimutan na ikaw ang maghuhugas ng pinagkainan ngayon."

Lumabas na ako sa dining area pero naramdaman ko na may sumunod sa akin, si Klei. Pansin ko rin kanina na tahimik lang ang isang 'to pero hindi naman yun bago sa aming lahat. May topak rin kasi ang lalaking ito.

"Sabi pa, kumuha lang daw ng tsinelas," Nilingon ko siya nang magsalita siya.

"Totoo naman."

"Totoo nga ba?" Nagulat ako sa tanong niyang yun. "H-Hoy!" Mangangatwiran pa sana ako pero nakaakyat na siya sa itaas at pumasok na sa kwarto niya. Problema ng may topak na yun?

Sabado naman bukas kaya pwedi akong manood ng tv. Pwedi naman na bukas nalang ako gagawa ng assignment o kaya sa linggo.

Naririnig ko pa ang halakhakan ng mga kumag sa dining area kaya nilakasan ko ang volume ng tv. Mga walanghiya, tatawagan ko nga mamaya si Aling Maria at isusumbong ko sila kung sakaling totohanin talaga nila na mag-inuman dito sa bahay. *evil laugh* Tingnan natin kung papayagan ba sila.

"Sachi, my dear Sachi." Tinaasan ko ng kilay si Eiji nang tumabi siya sa akin sa sofa. "Alam kong papayag ka na ikaw ang magluluto ng pulutan namin." Ngumisi siya.

"Paano na sabi?" Muli kong ibinalik ang atensyon sa tv. Andaming advertise, nakakairita.

"Kasi," Umusog siya sa tabi ko. "Sasabihin ko ba ng malakas o gusto mo ibubulong ko nalang?" Tumaas-baba ang kilay niya.

"Wag mo nga akong lokohin. Hindi ako magluluto, period."

"Talaga ba?"

"Talaga lang." Inilipat ko sa isang korean channel ang tv.

"Paano kung sasabihin ko sa lahat na may crush ka dun sa kapitbahay natin na tropa ni Adi, aayaw ka pa rin ba?" Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon