Chapter 21

236 26 0
                                    

XXI

"WALA pa akong malilipatan, Hiro."

"Wag ka nalang kasi lumipat. Sayang ang mga boylets mo,"

"Umayos ka nga dyan."

"Meron namang bakante pero bedspace lang. Apat kayo sa iisang room o kaya dalawa." Hindi kasi uso ang apartment o pad dito malapit sa university.

"Ayoko ng may roommate."

"Arte mo,"

"Kailangan ko na talagang makahanap dahil kinukulit ako ni Tita Imelda na lumipat na sa kanila. Nakakahiya dun. Ayoko,"

"Gaga ka. Meron ka na palang pwedi malipatan tapos maghahanap ka pa?" Hinampas niya ang balikat ko.

"Aray naman, bakla!" Hinila ko siya para umupo sa malapit na bench. "Kasi nga, mama yun ni Sic. Sa bahay nila Sic yun!"

Eksaheradang tumili si Hiro. "Oh my gosh! Seriously?!"

"Itikom mo nga yang bunganga mo. Umaalingawngaw,"

"As in? Saan banda ang bahay nila? May kapatid ba siya na pwedi ko landiin?"

"Siraulo. Bahala ka dyan,"

"Diba crush mo yun nung freshmen pa tayo?"

"Ano naman? Past is past."

"Uuy! Chance mo na yan beh. Grab the opportunity!"

"Isa pang beh, babatukan na talaga kita."

"Oa. Basta para sa akin, go na ka dun kila Sic. Saan banda ang bahay nila?"

Sumimangot ako. "Yun nga, kapitbahay lang nung nirerentahan namin."

"Whaat?"

Inirapan ko siya. "Eksaherada,"

"Hala beh, look oh! Sino yan?" May tinuro siya sa likuran ko.

"Ano?" Paglingon ko nakita ko si Leicester. "Hindi naman siguro siya papunta dito diba?"

"Hi!" Akala ko nagbibiro lang si bakla pero nasa tapat nga namin si Hiro.

"Pwedi ba kitang makausap?" Seryosong sabi niya.

"Ako?" Para akong tanga na tinuro ang sarili ko.

Tumango naman siya. "Ipinapatanong ni Mama kung kailan ka raw lilipat. Pwedi ka namang umayaw kung hindi mo gusto. Sabihin mo lang." Bakit parang ang suplado ng awra niya ngayon? Panigurado, ayaw niya rin na dun ako lumipat sa bahay nila.

"Uhm, nandun ba si Tita sa bahay niyo?" Tanong ko sa kaniya.

"Uuwi mamayang hapon."

"Oh, sige. Pupuntahan ko siya mamaya." Pagkatapos kong sabihin yun, umalis na rin siya.

"See? Kita mo yun. Labag rin sa kalooban niya na dun ako lumipat sa bahay nila. Ako nga mismo, ayaw ko dun e."

"Paano mo naman nasabi na ayaw niya?"

"Ewan ko. Alam mo naman na nahihiya na ako sa kaniya dahil nakita niya yung pagsugod ni Lia."

"Hay, basta bahala ka na dyan. Mabuti pa pumasok na tayo sa next period. Wag ka nalang kasi lumipat."

Ugh. Ano nang gagawin ko?

* *

"Sach!" Kumaway si Eiji sa akin. Nakasuot siya ng basketball jersey.

Nakatayo kasi ako sa labas ng classroom. Hinihintay ko si Hiro dahil isasama ko siya pag-uwi sa bahay. Ibibigay ko sa kaniya ang flash drive na gagamitin namin sa presentation bukas.

Living Under The Same RoofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon