--23--
"Wow, Trixie. Anong nakain mo? Bat parang ang saya saya mo ata ngayon?" That's Jeff. Tumabi kasi siya sakin ngayon. Well. Medyo namimiss ko na to kasi naman feeling ko ang tagal tagal na naming hindi nag uusap. To think na classmate lang naman kami.
"Haha, wala lang. Sige nga, mamili ka. Anong mas gusto mo? Masaya ako? or malungkot??"
"Syempre masaya, alam mo namang ang panget mo pag malungkot ka. HAHAHA :p" And yeah, with matching belat pa yan. Ang kulit niya :D "Bat nga ba sobrang saya mo?" dagdag pa niya.
"Uhm, wala lang. Kasi mamaya daw idedate daw ako ni Lexter. Gusto niya kasi bumawi sa mga kasalanan nun sakin eh"
Yeah right guys! May date kami mamaya, hindi ko nga lang alam kung san niya ko dadalhin, basta sabi niya gusto niyang bumawi dun sa palpak naming monthsary date at dahil pinagpalit niya daw ko sa dota, kaya ayun. Gusto niyang bumawi.
"Talaga? Nag aaway pala kayo no? HAHA. Hindi kasi halata eh, pano para kasing laging ang saya saya niyong dalawa."
"Alam mo, sana nga lagi na lang masaya eh. Ayoko na kasi magkaron ng mga problema. Tsaka alam mo ba, gusto kong maging honest sayo. oo masaya ko ngayon, pero half of me is malungkot. Well, hindi nman totally malungkot, para kasing kinakabahan ako. Alam mo yung feeling na parang may mangyayaring di mo maintindihan. HAHA. Ewan ko, ang adik ko no?"
"Ayy nako, sinabi ko naman kasi sayo wag ka na magshabu, iwas-iwas sa pag aadik ha? HAHAHA" Pagjoke naman niya. GRABE! Laughtrip ako dun ah haha.
As my daily routine dito sa room, palipat lipat ako ng upuan. Pero alam niyo ba, may namimiss ako. Yung lalakeng lagi kong kaaway. Alam niyo na naman kung sino diba? Ewan ko ba, simula ng naging kami ni Lexter parang feeling ko nawawala na siya sa kwentong to. tumabi ako sa kanya. PArang dati lang, nung hindi pa kami masyado magkilala.
"Oh, may kailangan ka?" Alam ko medyo nakaka offend yung tanong niya, kasi parang sinasabi niya na lumalapit lang ako pag may kailangan ako sa kanya, pero never naman akong humingi ng tulong sa kanya. HAHA.
"Wala, bawal na ba tumabi sayo? Wala na ko maupuan eh. nakakasawa na yung mga kasama ko dun" Hindi naman talaga ko nagsasawa, hindi lang talaga ko mapakali ngayong araw na to.
"Sus, namimiss mo ko no?" THE USUAL CRIS, Mayabang talaga haha.
"ASA! Hindi no, kapal mo naman. HAHA" Pagtanggi ko naman.
"Sus, kunyari ka pa. Wala ka lang maaway dun kaya ka andito, kaya ayokong pumapasok eh, nakikita kasi kita" Then he smirk.
"Alam mo, feeling ko isang taon na tayo hindi nag uusap, pero wala ka pa din pinagbago, ang yabang mo pa din"
"Joke lang yun to naman. HAHA" Then he pinch my nose!
Err! Haven't i told you guys na ayokong may humahawak sa ilong ko! Matangos kaya to, baka mamaya mapango ako ng wala sa oras eh. HAHAHA. Joke lang. Then ayun, naghampasan na kami na parang mga bata. Pinagtatawanan na nga kami ng mga classmats ko eh. GRABE, ANG SAYA LANG. haha
"Trixie! Pinapatawag ka sa library" Natigilan kaming dalawa ni Cris sa kakatawa ng tawagin ako ni NIkka.
"AKo? Tawag sa LIbrary? Nino?" Nakakagulat lang kasi, first time yata ako pinatawag.
"Basta tawag ka, punta ka na lang dun"
Pumunta naman ako dun, pagpasok ko sa library nagulat ako kasi nakita ko dun si Mr. Reyes nakatayo sa harap ng long table na kung saan nakaupo yung mga, TEKA! Muses and escorts to ng batch namin ah? ANo namang ginagawa nila dito?? Ayy mali, anong ginagawa ko dito eh meeting nila to??HAHA
BINABASA MO ANG
The Mysterious Dota Boy
Teen FictionThis is a story of a 14 yrs old girl who fell in love with a guy who loves to play dota and to flirt with other girls. i made this story so that i could give lessons to the young readers who are madly in love with someone and also for them to know t...