CHAPTER 13

196 4 0
                                    

 --13--

Buong gabi ko inisip yung mga sinabi sakin ni Carlo. Nga pala, binanggit ko din sa lola ko yung tungkol sa pagiging magpinsan namin. And tama daw, pinsan ko nga daw siya. Ayun nga, medyo hindi ako nakatulog dahil dun sa mga sinabi niya. Bakit nga ba ganun siya kumilos everytime na magkikita kami tapos may kasama akong lalake. Sabi ni Carlo, nahihiya lang daw akong aminin sa sarili ko pero alam ko daw kung bakit siya ganun. Isa lang naman nasa isip ko eh, baka NAGSESELOS siya??  iniisip ko lang naman yan, pero malay ko ba kung totoo. Tss. Isa lang naman ang kaya kong aminin nagyon eh, 

siguro nga, GUSTO KO NA SIYA. 

Gusto pa lang naman. Wala naman siguro masama kung may gusto ako sa kanya diba? I mean, normal lang naman yun samin.

Sa totoo lang, medyo nalulungkot din ako ngayon. Kasi sa dinami-dami ng pwede kong pagsabihan ng tungkol jan, kay Carlo pa. I mean, may dalawa naman akong bestfriend na MAS pinagkakatiwalaan ko, Sa kanila ko mas kumportable na sabihin nag mga sikreto ko. Pero bakit nga ba hindi sila yung unang naka alam?? Nakakalungkot lang. Kasi nung mga nakaraang araw, wala na silang time sakin. Si Joy, laging busy sa "Bhest" niyang si Angelo lagi na silang magkasama, pinupuntahan niya pa nga sa room yun, samantalang magkaklase naman kami ni Angelo. Hindi na din kami nagkaka usap sa phone, ewan ko din kung bakit, baka may iba ng kinakausap :( SI John john naman, ewan ko din dun! Simula ung nagka girlfriend siya hindi niya na ko pinapansin, di na siya nagtetext kapag nag kakaproblema sila, sa skul, kahit simpleng hello lang hindi niya masabi sakin. Pag tinetext ko siya di siya nagrereply. :(( Ano na bang nangyayare sa kanila?? Nagkaron lang sila ng bagong nakakusap hindi na nila ko pinapansin :( Ang sakit lang kasi eh.

Pakiramdam ko nawawalan na ko ng bestfriend :(( pero BESTFRIEND ba talaga sila? Kung ganyan ginagawa nila sakin, ni hindi nga nila maramdaman na kailangan ko din ng karamay. Buti pa si Carlo, kahit wala akong sabihn alam niya kung kailan ko kailngan ng kaibigan :((

 --

October na ngayon, and today is our fieldtrip :))) Rest day namin ngayon sa pag-aaral, kaya kahit educational trip pa to, we don't care! Haha, hindi naman kasi namin ieexam yung mga matututunan namin dito, gusto lang talaga namin magenjoy and also to collect memories kaya kami sumama :) MAsaya kaya to! :D 4am pa lang andito na kami sa skul, ang alam ko kasi yung highlight ng fieldtrip na to eh sa Ocean adventure which is sa Subic. Medyo malayo yun samin kaya maaga daw ang byahe namin. May iba pa kaming pupuntahan pero di ko na alam kung saan yun. Hindi ko naman kasi kinabisado yung form na binigay nila samin kaya hindi ko alam kung san pa kami pupunta.

"Uyy, Cris!! Kasama ka pala" Grabe, di ko alam na kasama paa sya :D kasi nung last time na tinanong ko siya sabi niya hindi daw siya sigurado.

"Hindi pa ba halata? Andito na nga ako eh. Haha"

"Akala ko kasi hindi, diba sabi mo sakin nun di ka pa sigurado" Sagot ko naman.

"Ang aga aga ang daldal mo na naman trix! Kasama na nga ako eh,  wag ka na magtaka jan. HAHA" Ang aga aga naman ang saya saya mo! Haha, natutuwa talaga ko kasi kasama siya, ewan ko kung bakit :D

Pinaform na kami ng line sa may quadrangle, andiyan na daw kasi yung bus kami na lang ang hinihintay. Sila Lexter?? Ewan ko, hindi ko nakikita eh, pero ang alam ko kasama daw sila. Yeah right, hinahanap ko siya. Simula kasi nung kinausap ako ni Carlo, naisip ko din na bakit ko ba tinatanggi na gusto ko siya? Wala namang masama dun. tsaka GUSTO lang naman eh.

"Trix! Baka humaba yang leeg mo kakahanap sa kanya :) sa dami natin ngayon imposibleng makita mo agad siya, isa pa madilim pa din naman kaya mamaya mo na lang siya hanapin." Sabay gulo ni Carlo sa buhok ko. Siya pa lang naman kasi yung may alam na gusto ko siya. Wala pa din naman akong balak aminin sa lahat tungkol dun, nahihiya pa ko ><

The Mysterious Dota BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon