CHAPTER 12

188 4 1
                                    

 --12--

Quarterly exams ngayon, kaya halos lahat ay busy mag aral. Ako? HAHA, alam niyo naman pagdating sa ganyang bagay madalas tinatamad ako, pero syempre nag-aaral naman ako. Pag alam kong mahirap ang exam at pag nasa mood ako mag aral, yun nga lang madalas, tinatamad ako.

"Trix! Dun tayo sa likod ah??" Si Nikka yan, kada exam naman sa likod talaga kami na pwesto para makapag kopyahan nga. (ooopppps, WAG GAGAYAHIN.) Nag aral talaga ko ngayon, kaya kahit di ako mangopya, makakapag sagot ako.

Nag bell na, wednesday kasi ngayon kaya may Novena kami, Catholic school kasi to kaya may ganun, dahil nga exam ngayon lahat ng year level eh parehas ng sched kaya punong-puno yung quadrangle, kami namang 3rd year dito nakapwesto sa 2nd floor. Ang saya nga dito eh, medyo maluwag kasi dito di katulad dun sa baba, pero ang nakaka inis lang, katabing section namin yung kehla Lexter. Sa dinami-dami ba naman ><

Buti na lang at tamad yun pumasok, kaya sure ako late yun. Di naman din talaga ko napasok ng maaga pag exam kaso maaga ko nagising at wala akong magawa sa bahay kaya pumasok na lang ako ng maaga.

Tahimik lahat kasi naguumpisa na yung Novena, pero kami nagbubulungan pa. Haha, di kasi namain mapigilan, lalo na ko.

"Pst, Trixie!"

Nagulat naman ako dun, si Sam lang naman yun. Lumipat pa sa section namin, pasimple lang naman kasi pag nahuli siya yari siya. Aba, napapadalas ang pagbati sakin nito ah :) Classmate ko naman yan nung 2nd year, medyo naging close ko naman kaya di awkward pag nagkakausap kami

"Uyy, Sam!! Kamusta?/ :))"

"Trix, saya mo ngayon ah? Haha" Grabe!!! Ang gwapo talaga niya ngumiti :") Sa kanya ata ko naiinlove eh :D

"Halata ba? Haha, wala lang :)) may kailangan ka ba?"

"Wala naman, tatanong ko lang kung kasama ka sa field trip??" Bakit ba parang lahat ata gustong malaman kung kasama ako?

"Ah, oo Bakit? Si insan nagtanong sakin nung araw na inanounce yan, pati din si Aaron, nakakatext ko kasi yun eh." Totoo naman, Pangatlo na siyang nagtanong.

"Ganun? Wala lang :) Muka lang kasing masaya yun kaya kita tinatanong. Ge, lipat na ko dun ah baka mahuli pa tayo, pati ikaw baka mapagalitan ka pa Bbye :))" Ang gwapo gwapo niya talaga ngumiti! Haha, nakaka ilang sabi na ba ko niyan? :D Gwapo nman kasi talaga :")

Natapos na yung Novena, at tama nga ako. Late nga siya. Samantalang, ang lapit lapit lang ng bahay niya, walking distance nga lang eh :D Ako nasakay pa.

Teka nga, ano bang pakielam ko sa kanya? Haha.Ayan natapos yung araw ng okay naman Nung recess nakita ko ulit sila Lexter, this time hindi na siya masamang tumingin, hindi nga ko tinitignan eh. wala na ding nagtanong sakin kung kasama ba ako sa fieldtrip, aba! Tatlo na silang nakausap ko tungkol jan. Ewan ko na lang. Pero binati pa din nila ko ganda pa nga ng ngiti sakin ni insan, nagpapalit din siya ng bente sakin, ako naman lumapit kahit andun si Lexter, wala akong pake! I acted as if he doesn't exist, baka kasi mamaya isipin nila affected ako sa mga nangyari kahit na ako yung nagpatigil sa kanya. TEKA NGA LANG!! Ilang linggo na ba yun naka lipas bakit ayun pa din ang iniisip ko??!

Si Cris? Di ko alam kung anong trip nun basta hindi na naman ako pinapansin, sanay na naman ako dun. Pero syempre diba parang nung isang araw lang nagkkwentuhan pa kami tungkol sa kalokohan niya tapos ngayon wala na namang pansinan. Tsss, labo din niya no?

"Trixie!!!!"

WOAH!! Naglalakad ako pauwi ngayon nung may biglang may tumawag ng name ko, nakakahiya nga eh, pano kasi ang dami dami ding naglalakad dun syempre napatingin sila sakin >< Si Carlo lang pala to.

The Mysterious Dota BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon