--23.2--
Dalawang oras na kong nakatingala dito sa kisame ng kwarto ko and it's already 3:45 am. Hindi ako mapakali, hindi din ako makatulog. Ano na bang nangyayari samin? Bakit umabot sa ganito? Masaya naman kami diba? Ngayon na lang din ako sumaya ng ganito, pero bakit ganun? Panandalian lang ba yun lahat? Ayoko siya mawala sakin eh, Ayoko pa. Hindi, ayoko talaga :(((
"Trixie, bumangon ka na jan. May pasok pa"
Pagdilat ko, nasilaw ako sa sinag ng araw. Shit! Umaga na pala, hindi ko man lang namalayan na nakatulog na ko, Tinignan ko kung anong oras na, and it's only 6:00 am, Shit! Sa pagkakaalam ko, mag 4am na kaninang madaling araw nung last akong tumingin ng oras and hindi ko namalayan na nakatulog ako. so meaning to say, 2hrs lang tulog ko?? SHIT THIS!
Bumangon na ko at tumingin sa salamin, well, hindi ko naman talagang ugaling tumingin sa salamin, pero kasi feeling ko may mali sakin, parang feeling ko lumiit yung mata ko. And then i remember, nakatulog pala ko habang umiiyak, kaya ayun, magang maga yung mata ko. Ayt. Pano naman ako papasok nito sa skul??!
Anyway, lumabas na ko ng kwarto, kinuha yung malinis kong uniform pinatong sa kama ko, then i grab my towel tapos dumiretso na ng banyo.
"Trix, hindi ka man lang ba kakain bago ka maligo?"
Tanong sakin ni mama, sinara ko na lang yung pinto ng banyo, ignoring her. Kunyari hindi ko siya narinig, kunyari mag isa lang ako sa bahay na to, at kunyari wala akong kakilala. Ewan ko ba, simula ng gumising ako parang ang tamlay tamlay ko kahit wala naman akong sakit. Wala din akong ganang kumain, at wala din ako sa mood magsalita. Ewan para bang ayoko ng may kausap ngayong araw na to.
Pagkatapos kong maligo, nag ayos na ko para sa pagpasok. Mamaya pa namang 9 klase ko, pero kailangan kong pumasok ng maaga kasi si Lexter 8am ang start ng klase niya. Nagsuklay lang ako, nagpolbo tapos nagpabango. Inayos ko din yung mga gamit ko. Bago ko umalis ng bahay tumingin muna ko sa salamin.
Feeling ko ang panget panget ko, super maga ng mata ko, pero wala naman akong magagawa para hindi nila mapansin yung namumugto kong mata, bawal naman magshades sa school. Ayy bahala na. Lumabas na ko ng bahay. Napansin ko din na wala na yung kotse namin, nauna ng umalis si mama. Buti naman, ayoko kasing sumabay sa kanya. Galit ako sa kanya konti, pero mas prefer kong mag isa lang ngayong araw na to.
Dumaan muna ako ng simbahan, feeling ko kasi kung may dapat akong kausapin sa ganitong sitwasyon alam kong si God yun, kasi siya lang naman makakatulong sakin diba? Siya lang yung pinaka makakaintindi sakin. Pagkatapos kong magdasal dumiretso na ko ng school, may mga nakakabangga pa nga ako sa daan, kasi naman nakatungo ako maglakad. Ayoko kasing makakita ng tao, feeling ko kakaawaan nila ko pag nakita nila yung itsura ko ngayon.
Pagdating ko sa skul narinig kong may tumawag sakin.
"Trixie!" Si Aaron pala. Umupo agad ako sa tabi niya.
"Trix, okay ka na ba? Kanina pa kita hinihintay eh"
Nagulat naman ako dun. Bakit naman niya ko hinihintay? Anyway, ngumiti na lang ako sa kanya.
"Hala, grabe super maga ng mata mo. Tsk. Nga pala. SI Lexter andun oh, naka upo, pinapahintay ka niya sakin eh. Sinamahan ko kasi siya na maghintay sayo. Alam mo kanina pa yan andito. Puntahan mo na, mag usap na kayo"
Nag thank you ako sa kanya tapos pinuntahan ko na kung asan si Lexter. Umupo agad ako sa tabi niya. Pano ko ba siya kakausapin, hindi ko alam kung ano ba dapat kong sabihin sa kanya. Ramdam kong nakatingin siya sakin ngayon, pero ako nakatungo lang ako. Ewan ko, hindi ko siya kayang tignan ngayon, alam ko kasing maiiyak lang ako pag nakita ko kung gano kalungkot yung mga mata niya at ayokong umiyak sa harap niya.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Dota Boy
Teen FictionThis is a story of a 14 yrs old girl who fell in love with a guy who loves to play dota and to flirt with other girls. i made this story so that i could give lessons to the young readers who are madly in love with someone and also for them to know t...