--15--
"HAHAHAHAH. Langya :D Tapos bigla ka pang sumubsob sa ....... "
"TRIXIE! What are you doing down there??! Your supposed to sit on the chair not on the floor. And you MUST Listen to my discussion and if you won't the door is widely open for you!!"
uh-oh! Nahuli lang naman ako ng teacher ko na nakaupo sa sahig habang tawa ng tawa. Kausap ko kasi sila Diane. Pinag uusapan kasi namin yung mga bagay na kahiya hiya na mangyayari kapag kaharap mo crush mo. Haha, Eh ayun puro kalokohan naman pinagsasasabi ni NIkka, siguro napalakas yung tawa ko kaya napansin akong teacher ko na nakaupo sa sahig. Galit na galit nga eh, Mahina naman yung pagkakasabi niya pero halata mo sa boses niya yung inis at pagtataray.
Siguro kung ibang tao yung nahuli niya dito malamang makakaramdam yun ng hiya. Well, pinapahiya naman talaga ko ngayon, but in my case, hindi naman ako nakaramadam ng hiya. Infact, nagpipigil pa nga ko ng tawa habang nagsasalita yung teacher namin. HAHAHAHA. Baliw nga siguro ako.,
"Grabe Trix! Ang hyper mo na naman ngayon. Iba talaga epekto pag inlove ka no? Akalain mo yung pinahiya ka na't lahat tawa ka pa din ng tawa." Si Rae tinawanan ko na lang siya. Napaisip kasi ko sa sinabi niya eh.
Epekto pag inlove?? HAHA. Ganito ba talaga pag inlove? Super mega hyper?? Ewan ko ah, hindi pa kasi ako naiinlove, it will be the first time if ever nga na inlove ako kay Lexter. Pero kung inlove nga ako ngayon, ANG SARAP NAMAN PALA MAINLOVE! Yung parang hindi mo pinoproblema yung mga dapat problemahin dahil sa sobrang saya mo? Yun bang kahit anong mangyari isipin mo lang yung taong mahal mo nakakagaan na ng pakiramdam.
Epekto din ba to ng pagiging inlove? ang maging KORNY? Haha. Nakokornihan kasi ko sa mga naiisip ko eh. :D
Nagbell na, so ibig sabihin maglilipat na naman kami ng room. kami ni Rae yung pinaka huling lumabas ng room kasi hindi naglinis yung mga cleaners tapos iniwan pa ng teacher namin yung libro namin sa subject niya sabi ipamigay daw namin. Nakaka inis lang hindi man lang kami tinulungan sa pagbitbit Kaya no choice kami ni Rae, kami yung magbibitbit ng mga libro. Tss. Bababa pa naman kami ng hagdan tapos maglalakad ng medyo malayo. Medyo lang namin.
Late na kami sa next period namin. Err! Okay lang naman sakin malate, wala naman ako pake sa attendance ko eh, pero si Rae na isang dakilang mag-aaral? I don't think okay sa kanya na malate kaya pinagmamadali niya ko. Ako naman tong si madali ><
Habang pababa kami ng hagdan alam kong wala ng tao sa hallway. On going na lahat ng klase, pano kasi tahimik na. Hindi ko na nga naabutan na nakatambay sa may bench sila Lexter eh. LOLS! :D Pang 3rd day nga pala niya sa panliligaw sakin ngayon.Hindi ko naman binibilang, alam ko lang talaga na pangatlong araw niya ngayon haha.Hindi ko pa nga alam kung kailan ko siya sasagutin eh.
Okay medyo nahihirapan na ko sa bitbit ko ah, ang bigat kaya ng libro! Try niyong bitbitin to! Tss. Kaso nagulat naman ako kasi pag turn namin ni Rae sa right nakita ko si insan, WITH HIM.
"uyy, Insan ikaw pala yan!" Bati naman sakin ni Joshua
"Wala pa kayo klase??" Tanong ko naman. Si Lexter nga nilagpasan lang ako. Napaka gentleman na manliligaw no?
"Meron, pero hindi pa kami pumapasok" Dumiretso lang ng CR si LExter. err! Grabe lang ah? Hindi ba niya naisip na nabibigatan din ako sa bitbit ko?! Tsk. Mukang CR talaga yung kumag na yun!
"Bakit naman? Late na kayo oh." At pati din kami late na. Pero nakuha ko pang makipagkwentuhan sayo. Si Rae naman walang imik. Okay lang siguro sa kanya na makipag usap ako dito siguro kasi nakita niya si Lexter at alam niya na gusto ko yung lalakeng yun. In short, pinagbibigyan lang ako ni Rae ngayon.. Si Lexter naman biglang lumabas na ng CR
BINABASA MO ANG
The Mysterious Dota Boy
Teen FictionThis is a story of a 14 yrs old girl who fell in love with a guy who loves to play dota and to flirt with other girls. i made this story so that i could give lessons to the young readers who are madly in love with someone and also for them to know t...