--9--
MAHAL KO NA NGA BA SI LEXTER????!
Urgh!! Ano ba tong mga sinasabi ko?! MAHAL????!
Masyado naman atang mabilis kung Mahal ko na nga yung malanding Lexter na yun. Tsaka isa pa, wala pa siyang nagagawa para sakin, puro landi pa lang napapatunayan niya sakin, kaya imposibleng mahal ko na agad yun!
Siguro medyo napapansin ko na yung mga pagpapapansin niya, nasasanay lang siguro ako sa mga nangyayari ngayon kaya akala ko mahal ko na siya.
TEKA!!
Hindi naman ako yung nagsabi na mahal ko na siya ah? Tinanong lang ako ni Nicole!! PERO HINDI KO DIRETSONG SINABI NA OO MAHAL KO NGA SIYA!
OH GOD!! TRIXIE!! KIlabutan ka sa mga sinasabi mo ><
"HOY PANGET!!"
"AYY MAHAL KO SI LEXTER!!"
OH SHIT!!!!!!!!!! O_____O
WHAT DID I JUST SAID?????!!!
EMERGED!!!!!!!! >< !!!
BIgla kong natakpan ang mahadera kong bibig!! Pano ba naman nagsspace out ako dito sa tapat ng bintana ng bigla biglang manggugulat si Jeff! Kainis kung ano ano tuloy nasasabi ko! SANA HINDI YUN NAINTINDIHAN NI JEFF! Yari ako kapag nagkataon, iisang Lexter lang naman ang kilala nila eh!
"Ahuh!! Lexter pala ang iniisip mo ngayon? Ayan ba yung Ocampo? Yung mahilig sa dota??"
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!! T_______T
KILL ME NOW!!!!!!!!!!! ><
"Ha? Ah! hindi ah! Bat ko naman iisipin yun? Eh wala lang naman siya sakin. tsaka ano bang sinasabi mo jan? Wala naman akong binanggit na Lexter eh bakit mo naman yan biglang natanong?? Ikaw ata may gusto dun eh!"
"HAHAHAHAH! Relax lang Trix! Ang dami mo ng sinabi iisa lang naman ang tanong ko. Tsaka wala naman akong sinabi na binanggit mo yung name niya ah? Nagtatanong lang ako kung siya ba yung nagpapagulo ng isip mo. Well, sa tingin ko di ko na yun kailangan pang tanungin. Alam ko na sagot jan. Ge mag ccanteen lang ako, ibibli na din kita ng tubig baka nawalan ka ng hininga dun sa mga sinabi mo kanina. Para kang machine gun eh, ang bilis mo magsalita! HAHAHAHA"
Badtrip >< wala talaga ko ligtas jan kay Jeff, close ko kasi yan eh, kaya alam niya na mga kilos ko, at ngayon mukang hindi ko matatanggi sa kanya yung tungkol kay Lexter, kasi naman! Ang dami dami namang expression na pwede kong sabihin, pede naman yung usual kong expression na "Ayy Butiki!" Kaso bakit yun pa?? TT At nagbanggit pa talaga ko ng name! Putek >< Teka, bakit ba ko kinakabahan?? eh hindi ko naman talaga mahal yun!!!
AHHHHHHHH!! pwede bang wag ko muna isipin yan? Nakaksira ng araw eh! ><
--
Pag uwi ko ng bahay. Humilata agad ako! Grabe naman kasi patayan na talaga. 6pm na kami natapos sa praktis kasi hinintay pa naming makauwi lahat ng studyante para makapag praktis kami ng blockings namin kaya ayun! Paspasan talaga ><
Ang sarap ng pagkakahiga ko ng maalala ko na naman ang lahat ng pangyayari kanina!
AHH! Naman kasi, bakit ba kapag may kahihiyan na nangyayari sakin buong araw ko ng iisipin yun???! Kainis
Bigla akong napatayo ng may maalala ako na dapat kong gawin, nagpalit na agad ako ng damit, ayoko munang maligo, siguro mamaya na bago matulog baka mapasma ako eh. Kumaen na ko ng dinner, at nag online na ako
BUTI NA LANG ONLINE YUNG HAYOP NA YUN!!!
"oyy"
Chinat ko na si Lexter, ayoko na talaga! Naiinis na talaga ko.
"oh bakit?"
Tignan niyo yang hambog na yan, parang siya pa tong naiinis.
"Wag ka na nga manligaw sakin!!" Ayoko ng magpaligoy ligoy no!
"Ano ba yang sinasabi mo? Sinabi ko na nga na seryosohan na to eh, tapos ikaw naman tong magbabago ng isip!" Ang kapal talaga nitong hambog na to!! Akala mo kung sinong nagmamalinis!
"WOW!! Nagsalita!! Seryoso ka na niyan?? So ganyan ka pala magseryoso? May nilalanding iba habang may seryosong nililigawan!" Nababadtrip ako sa kanya!!! ><
"Ano na naman yang sinasabi mo???! yung kay Clarisse ba??!" So inamin niya na din na totoo nga. Gano kakapal ba ang pagmumuka nito??!
"Ehdi parang inamin mo na din!" Trixie? Anong parang??! INAMIN NIYA NA NGA!!!
"Ano ka ba!! Wala lang yun,nilalandi ko lang yun, di ko naman gusto yun" WOW NAMAN PRE!!! Parang ang casual pa ng pagkakasabi niya ah. NILALANDI NIYA LANG DAW YUN!!
"So gusto mo di ko gawing big deal yun?! Grabe ka naman pala! Alam mo tigilan mo na ko, in the first place, hindi naman ako pumayag na manligaw ka! Ikaw lang tong may gusto, tapos ngayon sasabihin mo na WALA LANG YUN? NA NILALANDI MO LANG YUN?? AYOS KA DIN HA!" kulang na lang mabasag tong keyboard eh!
"ehdi sige, yun yung gusto mo eh!!"
--
"ehdi sige, yun yung gusto mo eh!!"
Urgh!! Yan na yung last reply niya. After kong mabasa yan nag out na ko. Ayoko na! Ayoko na talaga magpaligaw dun.
Pero bakit nung nabasa ko yan, aminin ko, nalungkot ako. na parang gusto kong bawiin yung desisyon ko at parang gusto kong magsorry sa lahat ng sinabi ko.
SORRY???!
bat naman ako magsosorry? Siya nga tong nananakit ng babae eh!!
NANANAKIT???!
HINDI NAMAN AKO NASAKTAN AH!
Tsss, nabadtrip lang ako. pero hindi ako nasaktan!
Si Clarisse, Siya ung masasaktan dito kasi sabi ni Nicole, naiinlove na daw siya kay Lexter.
Bakit ba kasi ganun yung taong yun?? Hindi mo malaman kung ano ba talagang gusto niya Sa lahat ng lalake siya lang yung hindi ko mabasa, i mean, siya lang yung di ko maintindihan, sa kanya lang ako naguguluhan ng ganito! Bakit ba kasi napaka mysterious nung taong yun?
--
The next day, nag focus lang ako sa praktis, ayoko ng mapahiya ulit. Bukas na kasi yung laban namin kaya dapat maperfect na namin lahat. May 1 and a half hour kami para mag lunch. Hindi ko na muna sinabayan si Diane, dun ako tatambay kasama sila Nicole. Ilang araw lang akong nawala pero parang napapansin ko na close na close si Joy at Angelo.
Si Joy siya yung bestfriend ko diba? Siguro napapansin niyo na parang hindi naman kami mag bestfriend sa storyang to, well. Gabi gabi kaming nag uusap sa phone, hindi ko na nga lang nilalagay dito kasi hinid niyo din maiintindihan ang mga usapan namin, pang baliw lang yun, HAHA.
Binulungan naman ako ni Shiela na "BHEST " ang tawagan nila. "Diba ikaw ang bestfriend?"
AWDEE!!! Para naman akong sinaksak nun. Totoo naman eh, ako ang bestfriend pero BHEST ang tawagan nila.
Nakkwento naman sakin yan ni Joy, na yun nga daw lagi daw silang magkasama, magkatext. Sakin okay lang, kasi busy din naman ako sa praktis tsaka at least ako yung nakaka usap niya. pero nung narinig ko yun? Aminin ko, nasaktan ako. Pero i have to be fair, may bestfriend din akong lalake, siya wala. So siguro okay lang naman kung hahayaan ko siyang magkaroon ng lalakeng bestfirend? Okay ang yun, basta sana
BESTFRIEND NIYA PA DIN AKO
BINABASA MO ANG
The Mysterious Dota Boy
Ficção AdolescenteThis is a story of a 14 yrs old girl who fell in love with a guy who loves to play dota and to flirt with other girls. i made this story so that i could give lessons to the young readers who are madly in love with someone and also for them to know t...