CHAPTER 16

209 5 7
                                    

 --16--

"GOOOOOOOOOOOD MOOOOOOORNIIIIIIIIIIIIIING PHILIPPINES!!!!!!!!!"

Syempre sa utak ko lang yan, hindi ko kayang isigaw yan no, nakakahiya sa kapitbahay. HAHAH. Pero ang saya po talaga ng gising ko, kasi naalala ko yung mga nangyari kahapon. Yeah, pang 4th day na ng panliligaw sakin ni Lexter. So far, okay naman, kasi nga lahat sumasang-ayon sakin, alam niyo yung walang nahadlang sa inyo? Diba ang saya ng ganung pakiramdam? Kasi magagawa mo lahat ng gusto mo. 

Nanliligaw pa lang siya sakin pero ganito na yung pakiramdam ko, pano pa kaya pag naging kami na talaga? Grabe! Naeexcite talaga ko, ano kayang pakiramdam ng magkaboyfriend? Sabi nila masaya daw, kasi may nagpapakilig sayo, pero ganun lang ba talaga yun? BAsta lang may nagpapakilig masaya na aga magboyfriend? 

Naranasan ko na namang kiligin sa mga crush ko eh, grabe naman yun kung di ko pa yun nararanasan, hindi naman ako abnormal no. Haha. 

Dadating din naman kami ni Lexter, hindi ko naman siya sasagutin para lang sa experience, gusto ko pag sinagot ko siya yung okay na talaga ang lahat. Yung alam ko na sa sarili ko na ready na ko, well. Gusto ko na naman talaga magkaboyfriend pero it doesn't mean na ready na nga ako. Tsaka syempre first boyfriend ko to, gusto ko naman na perfect timing pag sinagot ko siya.

Sabi nila kapag planado daw yung pagsagot mo sa guy, hindi daw magtatagal. Totoo ba yun?

Para sakin kasi, Tayo naman yung makakapagsabi kung magtatagal ba talaga tayo sa relationship or hindi, tsaka hindi naman siguro importante yung date diba? What's important is our TRUE FEELINGS.

Enough na sa mga words of wisdom ni author. :D

Dahil nga inspired ako ngayon, maaga akong pumasok, hindi naman maagang maaga, basta hindi ako nalate. Hindi na din naninibago sakin yung mga classmates ko pag di ako late, ewan ko, siguro nasasanay na din sila.

Ito pa pala isang advantage pag inlove ka, kahit tamad ang pumasok, gaganahan at gaganahan ka pa din kasi gusto mong makita yung taong mahal mo. :D 

 Galing akong CR, kasama ko si NIkka, himala nga din maaga to pumasok. Ka Tandem ko kasi to sa pagiging late eh.

After nun bumaba kami ng hagdan, gusto daw niya mag canteen. Pero dahil may gusto din siyang simuyan, ayun. Libutin daw namin yung school, baka daw mahanap niya yung crush niya.

Unfortunately, WALA! Hindi niya nakita, kaya dumiretso na kami sa canteen. Kaya naman pala hindi namin makita yung hinahanap niya andito naman pala sa canteen.

Nasabi ko na ba na si Lance yung taong mahal ni Nikka?

Hindi pa? There! I said it :) Remember Lance?? Yung knkwento ko na mortal enemy ni Lexter na tropa ko. 

Nakita namin silang nagkukumpulan ng iba ko pang tropa na lalake. Andun si Mars, Paul, Jeff, Rashid, Ram, Joseph, Nico. Para nga silang may meeting, ewan ko kung ano pinag uusapan ng mga yan. It's either Basketball or may kaaway. Pag kasi ganyan kaseryoso usapan nila alin lang sa dalawa pinag uusapan nila..

Since, tropa naman din namin sila, binati naman nila kami, nagpalibre pa nga samin sila Mars eh. Nako! Makakapal muka niyan basta sa libre. Haha.

After namin mag canteen, sumabay na samin si Jeff at Rashid. Classmate nga namin sila diba. Habang naglalakad kami ng kinausap ako ni Rashid.

"Trixie!  pwede ba? Ngayon pa lang papa alam na ko sayo" 

Err. Huh?ANo daw yun?

"Shid, nakabatak ka ba? Hahaha. Hindi ko maintindihan sinasabi mo. Papalam saan?"

The Mysterious Dota BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon