CHAPTER 8

235 3 0
                                    

 --8--

Days passed after kong malaman lahat ng yun. Chinchat niya pa din ako sa facebook, di ko na siya masyado ineentertain. I mean, oo nirereplyan ko siya per Cold-Hearted nako. Wew???! I don't think that's the right term!! ERR!! >< Basta yun, nirereplyan ko pa din siya, pero minsan di ko pinapansin madalas tinatarayan ko siya, yung ganun ba.

Honestly speaking, hindi ko alam kung bakit, kahit alam ko na, na flirt siya in the first place, at narinig ko na mismo sa tropa ko na may nilalandi pa siyang iba. Hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi ko masabi sakanya na "WAG KA NG MANLIGAW, MANLOLOKO KA! MALANDI KA!!"  Wala, hindi ko talaga masabi yan. Basta hinahayaan ko na lang siya na gawin yung gusto niya. Siguro gusto ko pang mapatunayan kung totoo nga yun,

pero HELLO TRIXIE??! HIndi pa ba patunayan na nanggaling na yung mga nalaman mo sa CLOSE FRIEND mo simula FIRST YEAR KA??!  

OMO!!!! Ewan ko! Basta more proofs pa!! >< Urgh!!

First day ng intrams namin. Yung piece namin? Okay na nag ppolish na lang kami ngayon. Since ngayon yung Intrams namin, wala kaming klase puro laro lang ngayon. Sa Court namin syempre yung Basketball,sa Quadrangle naman yung badminton at sepak, at sa plaza naman yung volleyball. Yung mga classrooms ginagamit naman nila para sa mga indoor games. Ngayon andito kami sa rooftop extension ng school namin, dito kasi kami naka assign na magpraktis. Naka maong pants and Intrams tshirt kami ngayon. Syempre mahihirapan kami magpratis kung naka maong kaya nagbaon ako ng shorts. Hindi lang naman ako madami kami, nag usap usap kasi kami. Pede naman to kasi nga intrams tsaka yung mga players din naman naka shorts kaya pag sinita kami dapat pati din yung players :))

Sa third day pa naman kami magpeperform. Kami kasi yung pinaka highlights ng intrams kaya sa last day kami maglalaban, para daw mahaba haba ang preparations. Inaasikaso namin ngayon ang mga props. Yeah, may iilang props din kami, Cheerdance lang kasi yung labanan walang lifting basta sayaw at cheer lang talaga. So mas maganda kung may props kami para maaliw naman yung mga nanunuod. May something na ginugupit yung iba dun, tapos yung isa namaing choreo pinipinturahan niya yung mga ginugupit ng kamembers ko.

"Uhm, Guys!! Naubusan tayo ng pintura. Madami dami pa kong pipinturahan" Sabi ng choreo namin.

"Hala, pano yan? may budget pa ba tayo??" Tanong naman nung leader namin.

"Wala na eh, akala ko kasi sakto yung pinabili ko, kulang pa pala. Ito na lang oh, Ipambili niyo." Grabe! Ambait naman ng choreo namin, siya na sasagot ng paint. 300 pa nga yung inabot eh.

"Teka, may ginagawa din kasi ako. Sino bang pedeng bumili?" Tinanong naman kami ng leader namin. Sa totoo lang, lahat nga sila busy kami lang ni Diane ang hindi. HAHA. Ewan ko ba tinatamad kami eh, kaya ayun kami na lang yung nag volunteer na bumili.

Naglalakad kami ngayon sa Hallway, may iba na napapatingin samin, may iba naman na walang pake, yung iba na kakilala namin binabati kami,

"Hey trixie!!" Si Nikka yan. Ngayon ko na lang to ulit nakita ah.

"WOW NAMAN TRIX AT DIANE!! Antrip niyo???!" Si Paolo yan. Diba nung umpisa boring siya kausap, ngayon naman medyo nakikipagkaibigan na siya samin.

Teka nga, ano bang pinagsasasabi nila??

"Bakit? Anong meron?" Tanong naman ni DIane, tinatamad ako magsalita kaya ngumingiti na lang ako. HAHAH

"Wala lang, bago sa paningin namin, naka shorts kasi kayo. Haha" At tinawanan pa kami ni Rae

"Infairness ang ganda ng legs niyo kaya okay lang na mag ganyan kayo, wala naman dapat itago eh. HAHAHA" Si Hannah naman, Hindi malaman kung nang aasar o ano :D

The Mysterious Dota BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon