CHAPTER 7

280 3 0
                                    

 --7--

"Nako!! talaga, ikaw na bata ka!! Kung anu-ano ginagawa mo! Bat nakikipag away ka?! Ha??!!" Wew! Lola yan ni Nikka, di kasi pwede yung parents niya kaya siya na lang yung pumunta kasama yung tito niya.

Aminin ko. Kinakabahan talaga ko ngayon. KInausap na kasi kami ng adviser namin, regarding dun sa gulo na nangyari kahapon sa tapat ng skul, pati na din yung pagnanakaw sa pera ko. Actually, involve din pala si Erika sa gulo ni Anika at Nikka, isa pala siya dun sa nagsabi kay Anika na papuntahin yung tito niya para daw mapahiya si Nikka or ukng sino man samin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong problema niya at kailangan niya pang ibrainwash si Anika para lang gawin yun. DIba kung mag problema siya sabihin niya sana ng maayos hindi gagawa siya ng eskandalo at nanakawan niya pa ko!!

Nagkaron din ng konting sagutan between me and Erika, aba! Hindi din ako nakapagtimpi no, tama ba namang ideny niya yung pannnakaw niya. Pero in the end inaamin niya din naman na totoo nga daw yun, see? May pagka clepto pala talaga tong babaeng to! Dito nga pala kami ngayon sa tapat ng DIsciplinary office, Hinihintay namin si Sr. Tolentino, Siya kasi yung disciplinary namin. Kasama ko ngayon si Nikka pati yung lola at tito niya, andito nga din si Anika at Erika, syempre involve din sila dito no!!

Dumating na din yung adviser namin, at pinapasok na kami sa loob. PInaupo ako dun sa upuan at katapat ko ngayon si Erika. Uunahin daw ni Sr na isolve yung problema namin since mas madali daw tong ayusin compared dun sa away nila Nikka, may physical abuse kasi dun eh (Wow! OA. HAha) 

""Ano ba problema Trixie?" Si Sr. Tolentino tinatanong ako. Well, Medyo close ko din yan. Teacher ko kasi yan sa AP, sobrang bait niya kaya ayun, medyo naging close din namin :)

"NInakawan niya po kasi ako kahapon ng 100, siya lang naman yung malapit sa bag ko kaya halos lahat ng pinagsabihan ko siya yung pinagbintangan! Naniniwala naman ako sa kanila eh, kasi madami na din yang issue tungkol sa pagnanakaw!" Straight forward kong sabi, wala akong pake kung sino makarinig at kung mag init man ang ulo niya sa mga sinabi ko! Yun naman ang totoo eh! Halata naman na kinakabahan talaga siya, hindi niya alam kung ano palusot ang sasabihin niya. As if naman na makalusot pa siya eh umamin na nga siya kanina!!

"Porke ba malapit sa bag mo ako na agad?? Tsaka isa pa wag mong iopen yung dati kasi iba naman yun sa ngayon!" Ang lakas ng loob niyang sinabi yan!

"The point is, your the one who stole it!! Kahit ilang beses mong ideny IKAW PA DIN YUN! Diba nga umamin ka na kanina?? Bat hindi ka pa umamin ngayon? SCARED???" Di na malamn ni Sr kung pano ako papatahimikin, kaya ang ginawa ng adviser ko kinwento niya yung pag amin ni Erika, hindi naman sa may favoritism siya, gusto lang niya talaga itama yung mga maling gawain ni Erika. In the end, ako pa din yung nanalo at binigyan na lang ng referral si Erika, hindi ko na pinabalik sa kanya yung ninakaw niya, Abuloy ko na yun sa kanya. Mag ccommunity service na lang daw siya every saturday for 1 month

After masettle yung samin, sinunod naman agad yung kay Nikka, medyo mabunganga talaga yung lola niya kaya pati sila nung disciplinary namin medyo nagkakasagutan. PAno pati ba naman yung posisyon ng Disciplinary namin knkwestyon. Tama ba naman yun?

pinakwento lang sa kanila yung totoong nangyari. Walang parents na pumunta kay Anika kasi nga bigla siyang nawala kahapon at yung so called tito niya, hindi naman nagpunta kahit cinocontact na siya. 

At kaya pala hindi siya nagpupunta kahit anong contact sa kanya, kasi hindi naman pala siya talaga totoong tito niya, natatakot siya humarap dito kasi kilala pala siya. Napag alaman lang naman na DJ FERNANDEZ ang pangalan nun. Para makasiguro na hindi nga talaga siya yung tito ni Anika, inutusan naman ako na tawagin si Sr. Reyes na siyang nakakakilala dun sa DJ na yun. at nung pagbalik ko sa office kasama si Sr. Reyes ....

The Mysterious Dota BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon