Chapter 2

40 4 1
                                    

"What would you say if someone will come for your boyfriend?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What would you say if someone will come for your boyfriend?"

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Danny. "Why would you even ask that? And if someone will come to his way, alam naman ni Derek kung anong gagawin niya. I've known him so well that he wouldn't cheat on me."

"Oh, I didn't say anything about cheating," biglang pagrarason ni Danny. "Ikaw lang nag-isip niyan, ha? Nagtatanong lang naman ako in general perspective, pero ikaw itong may pinunto."

Napaikot ang mata ko sa sinabi niya. "Ewan ko sa 'yo. Alam kong 'yon naman ang gusto mong sabihin."

Napahagikgik si Danny. "Ito, seryosong tanong and it needed a seryosong answer."

"Ewan ko sa 'yo," singhal ko pa. Tatayo sa sana ako sa kinauupuan ko nang bigla niyang kinuha ang kamay ko para pigilan akong umalis. Pinabalik niya ako sa pagkauupo at kahit labag sa akin ay umupo ako. Humalukipkip ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya. 

"Meron ka ba ngayon, girl? Ang sungit mo, ha?"

"Itanong mo na kung anong gusto mong itanong."

"Teka. . ." anito at may hinalungkat siya sa bag niya. Napataas ang kilay ko sa kung anong ginagawa niya hangga't sa may iabot siyang tampon sa akin. Mas lalong tumalim ang tingin ko sa kanya. "This tampon's for you na."

Hindi ko tinanggap. "Gagi ka. Bakit may tampon ka sa bag mo? Ano ka, nireregla rin?"

Nakangiti naman itong umiling sa akin. "Nope. Girlscout lang ako in case na magkaroon ka, and now, mission complete for me."

"Kaloka ka." Umikot ang mata ko sa sinabi niya. Tinabig ko naman ang kamay niya para ilayo ang tampon. "Wala ako ngayon. Itabi mo na 'yan."

"Okay, sabi mo, e," aniya. "Just ask me when you need it. I'm always here for you. . . Anyway, here's the question. . ." He grinned as if I should be ready for this intensifying question he had for me. "Do you think magtatagal kayong dalawa ni Derek? Wait, before you have any objection, I just want to make sure that you did the right thing when entering this relationship. . . You know, hindi madaling magkajowa na matalim sa mata ng ibang tao."

Hindi agad ako nagbigay ng komento, pero dahan-dahang lumuwag ang pagkakahalukipkip ng braso ko.

"Are you thinking about it?"

I shifted my head to see his face. "No."

Bumagsak naman ang mukha at balikat niya sa sinabi ko. "Ano ba 'yan! Kala ko pa naman seryoso na 'to. Kasi naman, ang dami ko na namang naririnig sa paligid."

"About what?"

"Ngek. Sino pa ba? About your jowa syemore."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Okay. . . Anong gagawin ko? Should I be bothered ba sa naririnig mo?"

"I think you should."

Tumaas ang kilay ko. "Okay. . . I'm listening."

"Now, I really got your attention," hagikgik pa nito. "But this is true. I don't think you will get over a lot of gossip around habang jowa mo si Derek. Kahapon lang, nakalimutan kong sabihin. . . Some girls were trying Derek to sign up sa isang organization."

Lovesick Wonders (A Palawan Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon