Chapter 6

34 5 1
                                    

Pakshet

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pakshet.

Naloloka pa rin ako sa pangyayari, pero sinusubukan ko namang iisangtabi dahil trabaho nga lang ito at hindi ko kailangang gawing big deal. I wouldn't also like to make it a big deal, but somehow my jealousy kept striking knowing that my boyfriend was almost naked in front of these people and having intimate poses with a bottled-shape body woman— who was far more gorgeous than me.

"Hindi ko na kinakaya, girl," halos pabulong na usal ni Danny sa akin. "Nakita mo rin ba iyong ibang lalaking model? Grabe, ang ha-hot."

"Kalma ka lang," aniko. Pasimple ko rin siyang hinampas sa hita niya. "'Wag kang maingay. Mamaya palabasin na naman tayo, e. Kalasanan mo talaga 'yong kanina."

"Ay, grabe siya," aniya, feeling offended. "Why are you so mean to me, huh?"

Kinurot niya ako sa tagiliran ko at muntik na akong mapasigaw, pero mabuti na lang ay napigilan ko. I shoved his hand away from me and sent death glares straight to his face, but I only got a giggling response from him. He thought I was joking around. I didn't mind whatever he would say next. I just watched intently what they were doing in front—doing what the director told them to do. It's actually infuriating, but I kept it chill.

"Derek," pagtawag ng direktor sa boyfriend ko. "I want you to get closer to Delta, and put your hand around her waist making it look like you were pushing her closer to you. Do you get what I mean?"

Tumango nama si Derek. "Yes. . ." Ginawa naman ni Derek ang inuutos nito sa kanya, but it seemed like he wasn't satisfied at all. Tumayo siya sa kinauupuan niya at siya mismo ang lumapit kay Derek at Delta at pinaglapit pa lalo.

Iba ang kabog ng dibdib ko habang pinapanood ko sila. Derek and I never did that kind of intimacy before. Like almost hubo't hubad? Hindi pa nangyayari sa aming dalawa 'yon, and I'm watching do it first with someone who's prettier than me. Ang sakit.

Nang pabalik ang direktor sa pwesto niya kanina ay tumapon pa ang tingin nito sa akin sabay iling ng ulo. I was alarmed by that kind of reaction. He went back to his spot and continued directing the shoot. Naramdaman ko ang hawak ni Danny sa braso ko kaya nang lingunin ko siya ay nakita niya rin kung ano iyong pag-iling na ginawa ng direktor.

"Upakan na ba natin?" Danny mouthed. 

Hindi ako nagbigay ng komento dahil nagtataka ako bakit may gano'n siyang reaksyon no'ng tumingin sa akin? Am I unwanted here? Nakakaabala ba ako sa ginagawa nila? I really think I did.

"What if we take all of your clothes?" pasigaw na suhestiyon ng direktor.

Napatingin si Derek sa direksyon ko nang sabihin niya iyon. At that time, I knew my presence wasn't welcomed anymore kaya tumayo ako at mabilis na lumabas ng studio. I didn't tell Danny I would storm out of the premises. I was pissed, but it was just my way of saying that I didn't like what they were doing.

Lovesick Wonders (A Palawan Prequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon