Prologue

82 0 0
                                    


"You may now kiss the bride." Wika ng pari.

Kanina pa ako kinakabahan pero mas grabe ngayon ang kaba ko nang tanggalin ni Gino ang balabal na humaharang sa mukha ko.

The feeling of seeing the man that you love in front of the altar is priceless. Lahat ng effort namin sa wedding ni Gino worth it. Kahit pa sabihin nating napipilitan lang sya. Magmula sa wedding photos namin at ngayon na hahalikan na nya ako.

Nuon pa man si Gino na ang pinakagwapo sa paningin ko. Wala nang mas gagwapo pa sa kanya ngayon. Ngumiti si Gino sa akin nang tuluyan nyang matanggal ang balabal. Pero alam kong peke ang mga iyon. Ayuko isipin ngayon ang mapait naming relasyon sa likod ng mga ngiti nya. Gino try  his best para maging perfect ang kasal namin at wala silang masabi. Especially nandito ang bestfriend ko, at ang family ko.

I'm so happy kahit pa nagpapanggap lang si Gino. Masaya ako kahit na alam kong totoo na ayaw nya sa kasalang ito.

Matagal nakong umaasa sa kanya at aasa pa rin ako ngayong asawa kona sya. Hindi ko siguro alam ang salitang sumuko o ang sukuan sya. Kahit pa matagal ko ng alam na wala akong pag-asa sa kanya. Mahal ko pa rin sya.

But the hope is still in my heart, that one day everything will change. The pretentious Gino in front of me now become real. Maybe someday..

I love him since we were kids. Sa murang edad nasabi kona ang salitang pagmamahal dahil sa kanya. Almost thirty years of my existence but the feels still the same.

When our lips parted napatingin ako sa family ko. Mangiyak-ngiyak si Mom, habang alo-alo sya ni Dad. Si Bora naman ay malaki ang ngiti pero alam kong panggap lang rin yan. Buti nga napilit ko sya. Ayaw nya talaga magpunta.

For the honeymoon. We book an expensive suite. The lights was dimmed as we entered the room. Nakasunod lang ako sa kanya na para nitong buntot. Kanina pa kami tahimik simula nung pumasok kami sa sasakyan.

If ever na may mangyari ay first time ko.. sa edad na ito wala pa akong karanasan. Nakafocus lang kasi ako kay Gino kaya naman marami akong bagay na hindi naranasan pagdating sa pakikipag relasyon.

Whatever happens okay lang. May mangyari man o wala.

Nagitla ako nang mabilis nyang hinubad ang tie na suot. Binalibag nya sa kama ang coat na suot. Hudyat iyon na tapos na ang palabas.

"Stay away from me." He coldly said. Sobrang seryoso ng tono nya.

Nilaro ko ang mga daliri sa kaba. I knew it. Okay lang kahit na ganito. Pinalakas ko na lang ang loob ko. Simula pa lang ito Mina.

Tinignan ako nito na nanlilisik ang mata. Agad dinaga ang dibdib ko sa takot. Galit si Gino. Nuon pa man ay ganyan na sya makatingin sa akin kapag hindi nya nagustuhan ang ginawa ko. Bakit ba hindi ako masanay-sanay?

"You disgust me. You desperate  woman. Ang mga taong katulad mo ang kinamumuhian ko sa lahat."

I tried to make steps but my feet won't move as I saw the anger in his face. "Gino.. huwag ka namang ganyan magsalita.."

"Nuon pa man hindi mo nako tinitigilan! Hindi mo na ko tinantanan! At ngayon nakuha mo na ang gusto mo!! Are you happy?!! You're my fúcking wife now!!"

Hindi ako nakapag salita. Ramdam na ramdam ko ang galit nya. Alam kong kanina pa sya sa kasal nagpipigil. Nuong ini-entertain namin yung mga guests sa wedding venue, ramdam ko ang higpit nang pagkakakapit nya sa braso ko.

"Asawa lang kita sa papel! But believe me Carmina! Gagawin kong impyerno ang buhay mo sa akin!" Idinuro ako nito.

Tumingin na lang ako sa ibaba nang magsimula mamuo ang luha sa mga mata. Inabala kona lang ang sarili sa paglalaro ng mga daliri.

Love You StillWhere stories live. Discover now