After mag lunch bumalik na ako sa shop ko. Pagkabukas ko pa lang ng glass door ay napahinto ako sa nakikita ko. Pamilyar sa akin ang tindig nya. Hindi ko man kailanman naramdaman ito sa iba.
Ayan ang isa sa mga bagay na hindi ko siguro makakalimutan sa kanya. Ang presensya nya.
Ang tangkad at ang lapad ni Gino, he looked like a model kahit pa naka business attire ito. Nakatalikod sya sa akin habang kausap si Faye.
"Maam.. nandito na pala kayo. Sir sa kanya na lang po kayo magpa-assist she knows really well when it comes to flowers." Aniya
Napatingin sa akin si Gino, at para namang tumalon ang puso ko. Bakit sya nandito? Anong kailangan nya? Ni walang interes sa bulaklak ang lalaking ito. He used to throw my flowers.
Kung nandito sya para bumili sino ang pagbibigyan nya? Si Stacy?
Tumulak na paalis si Faye, napatikhim naman ako sa tensyon. Ito ang unang beses na nagpunta sya dito. Ni hindi ko sure kung alam nya ba ang tungkol sa flower shop ko. Basta alam ko na alam nya na may work ako.
Pasimple nyang inilibot ang tingin.
"Bakit ka nandito Gino?" I asked calmly.
Mabagal syang naglakad papunta sa harap ko. "Am I not allowed to come here?" Masungit nitong tanong.
Sa haba ng panahon na lumipas.. ngayon ka lang nagtungo rito.. alangan na magtaka ako..
"Hindi naman... Nakakapanibago lang." Napaiwas ako ng tingin. Ramdam ko ang titig nya. Naninimbang iyon. Back to cold husband na naman sya. Akala ko pa naman itatrato na nya ako ng tama.
How fool of me. Hindi naman pwedeng sa isang pitik ay biglang bait sya.
"Hindi kaba komportableng nandito ako? Costumer ako. Hindi ikaw ang pinunta ko dito." He said.
Naglaro ang mga mata ko. "Bibili ka ng bulaklak? Ano bang gusto mo?" Pagiiba kong tanong.
"Gawan mo ako ng bouquet." He requested.
Kinalma ko muna ang sarili bago hinanda ang mga gagamitin. Mabuti na lang at fresh ang mga bulaklak ko ngayon. Pinili ko yung magaganda.
Humarap ako sa kanya. "Pwede kang maupo don. Baka mangawit ka sa pagiintay." Concern kong pagkakasabi. Itinuro ko ang sofa sa malayo. Nasa gilid ko kasi sya nakatayo sa harap ng mesa na akala mo magwawrap rin sya.
"I know Carmina, kung gusto kong umupo naupo na sana ako. Sa gusto kong makita kung pano mo gagawin. Bawal ba?" Tumaas ang isang kilay nito. Never talaga syang magiging mabait sa akin.
Bakit ba disappointed ako kahit hindi naman ako umasa?
"Ah.. pwede naman.."
Humarap na ulit ako sa mesa at hindi nako tumingin sa kanya. Sinimulan kona magfold. Habang ginagawa ang trabaho ay nararamdaman ko na nakatitig sya sa akin.
Akala ko ba titignan nya kung pano ako gumagawa ng bouquet? Kung makatitig akala mo wagas.
Hinayaan kona lang sya. Hanggang sa matapos ako sa ginagawa ko. Iyon na siguro ang pinaka matagal na 30 minutes sa buong buhay ko.
Napakamot ako sa kilay gamit ang isang daliri. "Do you like it?" Nahihiya kong tanong. Wala akong confident sa gawa ko.
Naiisip ko kasi na gagawa ako ng bouquet para kay Stacy. Hindi ko tuloy maenjoy ang ginagawa.
"Not bad. Okay na yan." Kinuha na nya yung bouquet. "Sana magustuhan ni Chairwoman. I need to go." Akmang aalis na sya nang pigilan ko ito. Napahawak ako sa coat nya.
So present pala sa chairwoman, meeting siguro.
"Gino.."
Napatingin ito sa kamay ko kaya napabitaw ako sa kanya. Nakakapaso kasi ang tingin na 'yon.
"Ano?"
Pinagmasdan ko ang hitsura nya. Umaasa ako sa huling pagkakataon kung meron bang nagbago sa kanya. Mariin kong tinitigan ang mga mata nito. Ngunit bigo ako.. ganon pa rin sya kung makatingin. Walang bago.
"Can we talk later?"
"Okay."
Napahawak ako sa dibdib ko nang makaalis na sya. Parang duon lang ako nakahinga.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...