Binuksan ko ang pinto sa backseat at akmang sasakay na ako nang
"Sa passenger seat ka." Sabi ni Gino.Napatungo na lang ako. Ayaw nya talaga ako katabi.
Sinabi lang ni Gino kung saan ang venue sa driver at agad rin kami tumulak paalis. Naging tahimik ang biyahe.
At nang makarating sa lugar napagpasyahan namin na sabay na pumasok.
"Mina! Dito!" Tawag ni Bora sa akin sa malayo.
Kakapasok lang namin sa loob.
The venue was well organized. Bawat section ng batch ay may sariling long table. At dahil in order yung table nasa bandang dulo kami.
Madadaan namin ni Gino ang table nila. Nakilala ko agad si Stacy
"Gino." An elegant woman welcome her.
"Stacy.." Gino smiled sweetly.
Halos mapatulala ako sa ngiting 'yon. Ngiting kailanman hindi nya magawa sa akin.
Nagbeso silang dalawa. Mabuti pa si Stacy nararanasan yan. Samantalang akong asawa ay hindi ranas yan. Cold treatment lang ang atensyon na nakukuha ko kay Gino.
Napatingin sa akin si Stacy. "She must be your wife?"
"Ah oo.. si Carmina."
"Carmina?? Oww I remember now ikaw yung makulit na naghahabol kay Gino nuon! Kahit sa library naaabala mo kami. Who would've thought that you two end up married." Saad ni Stacy.
Nagtawanan ang mga nakarinig. Well saksi naman ang buong school nuon kung gaano ako kadesperada. Peri bakit parang pinapahiya nya ako?
"Bakit imposible bang ikasal sila? At oo natatandaan ka rin namin. Ikaw yung linta na laging naka aligid kay Gino nung high school diba?" Singit ni Bora.
Hinawakan ko agad sa braso si Bora, sya yung tipo ng tao na walang inuurungan.
"Excuse me? Who are you? And what did you call me? Linta?" Si Stacy na parang maiinis na.
Sasagot pa sana si Bora kaso nagsalita si Gino.
"That's enough. Wag nyo sirain yung reunion." Tumingin sa akin si Gino. "Pumunta na kayo sa mesa nyo."
Napahigpit ang pagkakahawak ko kay Bora sa sama ng tingin nya. "Bora please.. nagmamakaawa ako."
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...