Third Person POV
Bakas ang iritasyon sa mukha ni Gino. Matangkad ito kaya kinailangan nyang bagalan ang paglalakad para lang makasunod sa kanya si Mina.
"Gino.. sandali lang.." hindi maayos ang lakad nito. Gegewang-gewang itong naglalakad.
Kanina pa sya tinatawag ni Mina ngunit hindi man lang sya nililingon ni Gino.
Bigla na lamang bumagsak si Mina sa sementadong daan. Nawalan kasi ito ng balanse. Agad syang nilapitan ni Gino, bakas ang kaba sa hitsura nito.
Hinawakan nito si Mina sa braso at isinandal sa kanya. "Carmina! Anong nangyari sa 'yo?"
"Uwi na tayo.." sabi ni Mina habang nakangiti.
Bigla nyang nabitawan si Mina dahil kakaiba ang nararamdaman nya sa ngiti nito. Hindi nya gusto iyon.
Napatayo sya at pasimple na inayos ang coat. "Tumayo kana dyan." Tinignan nya ang babae mula sa baba. Nakaupo na ito.
Sa tatlong taong kasal nila ay ngayon na lang ulit nakainom at nalasing si Mina nang ganito. Hindi sya sumasama kay Bora kapag alam nyang iinom ito ng alak. Mas pipiliin na lang nya igugol sa flower shop ang oras nya.
"Ikaw Gino.. grabe ka talaga sa akin.. ni minsan ba sa tanan buhay mo nakita mo akong babae ha!!" Pasigaw ang dulong sinabi nito.
Napatingin si Gino sa paligid. "Anong bang pinagsasabi mo dyan?! Tumayo kana nga!"
"Maganda naman ako ah?! Ako kaya ang pinapangarap ng mga kalalakihan nuon nung batch natin!!" Sigaw nito. Napangiti ito sa mga nasasabi. Matagal na nyang gustong sabihin iyon.
Napapatingin ang ibang tao sa kanila. Ang iba sa mga taong yun ay kabatchmate nila mula sa ibang section.
"Carmina don't make a scene here! Nakakahiya ka!" Naiinis na si Gino.
Payak na natawa si Mina, tila nasisiraan na ito nang bait. "Wala na akong hiya.. do you think meron pa akong kahihiyan sa sarili ko? You never failed to hurt me by your words. Hindi na talaga ako nahiya para sa sarili ko!!" Tinuro pa nito ang sarili nya.
Ito ang unang beses na sumagot-sagot si Mina kay Gino kaya natameme si Gino sa kanya. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman.
May guilt, meron ding frustration.
Galit na binuhat ni Gino si Mina at dire-diretso itong naglakad papunta sa parking lot. Halos magsalubong ang kilay nya.
Hindi pa rin natatauhan si Mina. "Galit ka?" Ipinulupot na lang ni Mina ang braso sa leeg ng asawa. Itinago nito ang ulo sa leeg. Lasing man ay sinamantala na nya ang pagkakataon para amoy-amuyin ang asawa. "Alam kong galit ka." Pinagbuksan sya ng pinto ng driver sa backseat.
Dahan-dahan nyang isinandal si Mina. Umikot sya sa kabila at sumakay na rin.
Naka pikit si Mina ngayon kaya naman duon lang nagkaroon na lakas ng loob si Gino na titigan ang asawa.
Napagisip-isip tuloy ni Gino kung ano ba ang dahilan bakit nagsstay pa rin si Mina sa kanya? Alam naman nito na hindi sya bigo na gawing impyerno ang buhay ng asawa sa kanya.
Sa tatlong taon never syang nagpaka-asawa rito. Hindi nya itrinato ito ng tama. Sinasadya nyang magsalita ng makakasakit kay Mina.
Inaantay kasi ni Gino na makipag hiwalay na ito. Nuon pa man ay ayaw na nya kay Mina dahil hindi ito marunong sumuko.
Habang nakatitig si Gino ay narealize nya na maganda pala talaga si Mina, kaya bakit ito nananatili sa lalaking katulad nya? Sa pagkakaalam nya nuon ay may gusto si Ysmael sa kanya.
Nakatulog si Mina sa biyahe kaya naman nang makarating sa bahay nila ay muli nya itong binuhat papasok sa loob. Magkatapat lang ang kwarto nito kaya naman nag abala na si Gino na ihiga ito sa higaan.
Napabaluktot agad si Mina sa kama nito nang maihiga sya ni Gino, kaso aksidenteng nahatak ni Mina yung neck tie nya kaya napaibabaw sya sa asawa. Nakatukod ang isang kamay nya sa gilid ng leeg ng asawa nya bilang suporta.
Muli na naman syang napatitig sa asawa. Para itong anghel na nakapikit. Kumikinang naman ang mga mata ni Gino.
Inalis nito ang kaunting hibla ng buhok na humaharang sa mukha nya gamit ang daliri. Nang matauhan ay tumayo na ito.
Napatingin si Gino sa mga picture frame na nasa side table ni Mina, malinaw mong makikita ang mga tao sa litrato dahil sa ilaw ng lamp.
Ang unang frame ay kuha nung elementary sila. Makikita sa picture na abala si Gino sa laruan habang si Mina naman ay madungis na nakangiti sa cam.
Naalala tuloy Gino nung mga bata pa sila. Palaging nyang itinataboy si Mina dahil ayaw nya ito kalaro. Hindi nya kasi ibig kalaro ang mga babae.
Ang ikalawang frame naman ay nung high school sila. Ito ay kuha sa library kung saan abala si Gino sa pagbabasa habang sinamantala naman ni Mina ang pagkakataon at nag peace sign sabay take ng picture sa camera. Magandang pagkakataon kasi kay Mina iyon dahil nung mga sandaling iyon ay wala si Stacy.
May naalala na naman si Gino sa picture na 'yon. Dahil kasi sa kanya ay nagkaron ng interes si Mina sa libro. Hindi kasi nito hilig ang mag aral kaya nakakapagtaka talaga kapag humawak ng libro nuon si Mina. Minsan na syang nakita ni Gino sa mga bookshelves na naghahanap ng libro.
At ang huling frame ay ang graduation picture ni Gino.
Nagtataka si Gino paano nya nakuha ang picture na yan. Inisip na lang nya na malamang Mommy nya ang nagbigay nyan.
Napangisi na lang si Gino.
Akmang lalabas na sya ng kwarto nang marinig nya itong nagsalita. "I'm sorry Gino.. sorry... Gimme some time.. Palalayain na kita.." sabi ni Mina habang tulog.
Napahinto naman si Gino sa narinig.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...