/18/

14 0 0
                                    

"What now? Saan naman tayo ngayon?"

Naka light blue ito na Pro club, na may naka printed na 'BRO' sa harap. At tinernohan nya ito ng jeans. For his footwear naka Balenciaga shoes ito.

Naka fitted na black shirt naman ako na naka tuck in sa jeans ko. I wore my converse black shoes. Itinali ko lang ang buhok ng pusod.

"Sa amusement park tayo." I said.

Wala naman na sinabi at nagtungo na nga kami sa amusement park na pinaka malapit. Sa may Star Circle.

Palagi kami ni Bora tambay sa star circle nuon. Mga rides ang nagpapatanggal ng stress namin sa acads before.

Si Gino ang nagmamaneho dahil pinag one-week leave nya yung driver namin.

"Two tickets po for unlimited rides." Sabi ko sa may front desk. Nagbayad lang ako at tumulak na rin kami papasok sa loob.

"Anong gusto mong unahin Gino?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"I don't know.. I've never been here before." Pagala-gala ang tingin nito sa mga rides na nakikita.

Lihim akong napairap. Hindi man lang sya nadaan ng pagkabinata nya. Puro kasi aral e.

"How about vikings?" I suggested. It's one of my favorites.

"Ano 'yon?"

Itinuro ko yung Vikings, "Hayun oh.." napatanaw kami pareho sa mga taong nagsisigawan sa takot at saya.

Nakaramdam tuloy ako ng excitement. Matagal na rin nung huli kong sakay.

"Is it dangerous?" Tanong nito habang nasa Vikings ang tingin.

Napatingin ako sa kanya. I pity him for not having an experienced. Malawak akong napangiti sa kanya, nuon ko pa sya gusto makasama sa amusement park e. Kaso wala nga lang talaga akong chance dati.

"Hindi naman. Masaya dyan promise mageenjoy ka."

"Bakit sila sumisigaw?"

"For fun. Masaya kasi sila."

Napatango-tango ito. "Game. Let's try that."

Malawak akong napangiti. "Okay!"

Tumulak kami papunta sa Vikings at inantay na matapos ang mga nakasakay roon. Sobra akong nahahayok na makasakay. Kasama ko ang taong mahal ko e.

"Ang pogi be.." sabi ng babae sa kasama nya. Pasimple nya pang tinuro si Gino. Napataas naman ang kilay ko sa mga babae nang mapatingin sila sa akin.

Tinignan ko si Gino na tahimik lang. Hindi man lang sila nililingon ni Gino kaya naman dinedma kona lang rin sila.

Nang makababa ang mga sakay ay hindi na kami nag atubiling magdalawang isip pa. Sa dulo kami pumuwesto ni Gino.

Dito ko kasi gusto puwesto dahil mas mataas mas masaya. Walang thrill sa gitna e. Maganda yung dulo-dulo para iwan kaluluwa sa taas.

Halos puro babae ang nasa last row nitong Vikings dahil kay Gino, ang ginawa ko tuloy idinulo ko sya para wala syang makatabi bukod sa akin.

Nang mapuno ay unti-unti na itong umandar. Mahina pa nung una.

"Oh sh*t! I think this is not good idea!" Natataranta ito. Nalingon ang mga nasa harap namin.

"Behave ka lang puro babae nasa paligid mo." Bulong na paalala ko sa kanya.

Tinignan nya ako nang may bahid ng takot at pangamba. I smiled at him to assure that everything will gonna be fun. Nang makarating ang barko sa pinaka tuktok duon na nagwala si Gino! Nagulat ako sa inasal nya.

"Oh lord f*ck!! STOP!!!" Sabi ni Gino bago nag swing ang barko pababa.

Ako nahihiya para kay Gino dahil mas malakas pa ang sigaw nya sa babae. Mga babae pa naman kaming nasa paligid nya.

"I can't do this anymore!! You assh*le stop!!" Sinubukan nya pang sigawan yung kuyang naka toka sa baba. Pinagtatawanan kasi sya ng mga tao ron.

Nagpatuloy ang pagswing ng barko. Pinipigilan kong matawa. Grabe hindi na talaga itinago ni Gino yung takot niya.

Yumakap na sya nang mahigpit sa akin. "MAKE THIS STOP PLEASE!!! CARMINA MAKE THIS ST*PID THING SH*T STOP!! I CAN'T HOLD IT ANYMORE!!" Sigaw nito sa akin.

Duon na ako tumawa ng malakas. Tawa ako nang tawa. Angat baba ang dibdib ko kakatawa sa kanya. Ganon rin ang ibang babaeng katabi namin. Pagtingin ko kay Gino ay nawalan na ito nang malay. Kaya naman napayakap ako sa kanya para hindi sya mauntog.

"Hala nahimatay talaga si kuyang pogi.." sabi ng isang babae. Maraming naka aligid sa amin.

Tapos na ang rides. Hindi ako makaalis sa pwesto namin dahil wala pa ring malay si Gino. Dumarami na yung mga taong nakikichismis.

"Gino.. gising.." mahina kong tinapik ang pisngi nya. Sa kabila ng sitwasyon nakuha ko pang mapansin ang sobrang lambot at healthy ng skin nito.

--

Inabutan ko ito nang cotton candy. Peace offering. Ifeel sorry kahit na wala naman akong ginawang mali.

Malay ko bang mahihimatay sya. Sa laki ng katawan nya hindi mo talagang maiisip na mapapasigaw sya sa ganong ride lang. Ako nga casual lang e. Pakiramdam ko sa Vikings nagduduyan lang ako.

But that was really fun! Isa iyon sa mga ride na hinding-hindi ko makakalimutan.

"Sorry na.."

Preteng nakaupo ito sa bench, lukot na lukot ang mukha. Halatang hindi tanggap ang kahihiyang sinapit.

"I never been this ashamed in my entire life. Not just once." Madiin ang pagkakasabi nito. Matalim itong tumingin sa akin. "Nang dahil lang..." Binitin nito ang salita. "Sa walang kwentang ride na 'yon.. mapapahiya ako ng ganito.." halos magusok ang ilong nito.

"Hindi ka naman siguro napahiya.. masaya nga sila.."

"Seriously Mina? Pinagtawanan nyo ako?! Maybe you think that way but not to me!"

"Ang cute mo kaya! For me that's the best side of you! Who would've thought that you'll get scared like that. Sa laki ng katawan mong yan HAHAHAHA!"

Naputol ang tawa ko nang masama itong nakatingin sa akin. "Are you making fun of me? Am I joke to you? I am mad Carmina. I really am. Paano mo nakukuhang magenjoy sa ganon?!" Hinablot nito ang cotton candy sa kamay ko.

Malalaki syang kumurot duon. Nilamutak na lang nya yung cotton candy.

Mukhang hindi na kami magrarides. Sayang unlimited rides pa naman yung binili kong ticket.

Nang mahimasmasan sya duon lang ako bumuwelo para magsalita.

"Gino uwi na lang tayo kung wala kana sa mood.."  Sabi ko bago umupo sa tabi nya. Napatingin na lang ako sa harap.

"Carmina." Pagbabalewala nito sa sinabi ko.

"Hmm?"

"Pwede ba duon na lang tayo?" May tinuro ito kaya napatingin ako doon.

"Carousel?"

"Can we try that? I think it's safe." He said. Naubos na nito yung cotton candy. Shinoot nito ang stick sa trashbin.

Napangiwi ako. Sa lahat ng rides yan ang pinaka ayuko. Para lang sa mga bata yan e.

Dahil gusto nya wala na akong nagawa pa.

"Ang boring naman.." bulong ko habang sakay-sakay ng kabayo.

Abot tainga naman ang ngiti ni Gino. "This is the real fun!!" Sabi nito sa akin habang binabayo pa yung kabayo.

Medyo na grin ako sa naisip kaya naman iwinaksi ko sa iba ang isipan.

"Gino baka masira.." suway ko sa kanya.

Malaking tao si Gino kaya naman anliit tignan sa kanya ng kabayo.

Comforting ride ha?

Sa sobrang saya nya nakalimutan na nya yung kahihiyan kanina. Panay pa ang sulyap nya sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa nakikita. Paano nya naeenjoy ang ganitong kabagot na rides? Ten years old ba sya?

Love You StillWhere stories live. Discover now