"Good morning maam Carmina!" Bati sa akin ni Faye pagkapasok ko ng shop.
Faye is small and petite woman. She's been with me for three years. Maayos rin sya magtrabaho at katiwala ko rin sa shop. Subok kona sya kaya naman malaki ang tiwala ko sa kanya.
I have my own flower shop. Regalo ko ito sa sarili ko. Ito ang business na tinayo ko since I fond on flowers. Gustong-gusto ko ang mga bulaklak.
The front wall is glass. Pagkapasok mo sa loob may makikita ka sa gilid na tatlong sofa kung saan ang waiting area. May glass table sa gitna nuon. Na may vase rin ng flowers sa gitna. Nakahilera ng maayos ang mga bulaklak. May mga orchids rin na nakasabit o nasa ding-ding.
"Good morning." Bati ko.
Dumiretso ako sa counter at nilapag roon ang gamit. Medyo malakas ang sale ng shop ngayong buwan. Naisipan ko mag wrap na lang muna.
Itinali ko ang buhok ko ng pusod. Nagsimula ako gumawa ng bouquet, at nung matapos chinecheck ko ang quality ng mga bulaklak. Kase kahit anong ganda ng gawa mo kung pangit na ang bulaklak wala rin. Hindi bale ng lahat ng gagamitin ay bago. Ang mahalaga yung quality.
"Hindi pa rin ba dumadating yung supplier? Wala na tayong ididisplay." Tanong ko kay Faye habang nasa bulaklak ang tingin.
My supplier is from Baguio and Tayuman. Nagsimula ang negosyo ko nung kinasal ako. Almost three years na rin pala ang business ko. So far okay naman. Nalilibang at masaya naman ako sa ginagawa ko.
"Mam madedelay raw sila, baka two or three days bago ang delivery. Tinawagan kona rin yung supplier sa dangwa pero short rin sila." Aniya.
Mukhang maraming bumibili ng bulaklak ngayon.
"Just make sure na hindi na aabot pa ng isang linggo. Humanap tayo ng ibang supplier kung wala pa rin sila."
"Okay Mam."
Naging busy ako ngayong araw. Kaya naman umuwi akong pagod. Tumulak ako sa dining room. Naririnig kong may kausap si Gino sa phone. Napabagal tuloy ang lakad ko.
"See you Stacy.."
Napahinto ako sa narinig. Stacy? Don't tell me nagbalik na sya?
Noong high medyo nakakairita ang existence nya. Madalas kasi sila magkasama ni Gino. She made me feel insecure for not having good brains like them. If I were na nakakasabay lang ako kay Gino. Maybe magbond rin kami katulad nang kanila. Madalas rin sya kasama ni Gino sa library. Panira yan sya ng moment namin.
At talagang may contact sya ni Gino ah? Kung hindi ako nagkakamali ex sya ni Gino nung college days. At ang alam kong paghihiwalayan nila e kinailangan pumunta ni Stacy ng Paris para ituloy ang pangarap nyang maging fashion designer.
Diba kapag ex na wala na dapat usap-usap? Mahal nya pa rin kaya si Stacy? O hindi nya lang talaga minahal yung tao? Dalawa lang yan dyan e.
Napapaisip tuloy ako. Sana hindi sya ang Stacy na kausap ni Gino.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...