/04/

23 0 0
                                    

Naubusan ako ng tablets kaya naman tumulak ako sa botika na madalas kong pagbilhan. Pagpasok ko sa loob agad akong napangiti nang makita si Amy na naka duty. Napangiti rin ito nang makita ako. Regular customer na niya ako dito.

"Gamot sa sakit ng ulo." Inunahan na ako ni Amy, pharmacist. Alam na alam na nito kung anong hinahanap ko. Wala rin naman akong ibang binibili bukod sa napkin.

Naubos na ang gamot ko kaya kailangan ko ng bumili. Masyado yata ako nasstress lately kaya parang minamartilyo ang ulo ko sa sakit. Napapadalas ang sakit nito.

"Sure ka bang headache lang talaga yan? Kung may iba kapang nararamdaman mas maigi ng magpatingin kana sa doctor." Tanong sa akin nito.

Sa ilang buwan kong pabalik-balik sa botika na 'to ay naging close kona si Amy, ang pharmacist ng botika na 'to. Nung una akala ko masungit sya pero nung nagkatagalan na realize ko na likas lang talaga na mabait sya.

May concern sya sa mga costumer lalo na kapag madalas bumibili dito. Kinakamusta nya lagi. Nagbibigay rin sya ng payo para komunsulta.

"Huwag na. Hindi naman siguro 'to ganon kalala." Wika ko. I think migraine lang 'to.

"Haist. Wala naman mawawala kung magpapacheck-up ka. Kapag sumakit pa yang ulo mo sa susunod baka sumakit na rin yang bewang mo at maging sexbomb kana ng tuluyan." Biro nito sabay abot ng gamot.

"Hahahaha!"

"Pero seryoso Mina ang ganda mo. Kasal kana diba? Gwapo siguro asawa mo." Pagiiba nito ng usapan habang naglalakad sa mga hilera ng gamot.

Ngumiti ako. "Baka pagnakita mo asawa ko agawin mo." Biro ko.

"Depende kung mas gwapo sya sa boyfriend ko." Pilya nitong sabi.

"Cheater!"

Tumawa si Amy. "Wala pa nga e."

Nagbavibrate yung phone ko kaya naman tinignan ko kung sino yung tumatawag. Akala ko si Gino, si Bora lang pala. Natawa ako sa naisip. As if namang tatawagan ako ni Gino! Baka magtalon-talon ako sa tuwa dito kung gano'n.

"Sagutin ko lang." Paalam ko kay Amy na tumango lang. Tumulak nako palabas.

["Still alive? Ano ng balita sa 'yo Mina? Ano kaya pa?"] Sunod-sunod na tanong sa akin nito. Natatawa pa ito. Sira talaga.

"Napatawag ka?" Sinipa ko ang maliit na bato sa daan. Kunwari hindi ko sya namiss.

"Ang cold mo naman sa akin! Hindi mo ba ko namiss!! Six months rin ako sa US grabe ka!!"

Isang license nurse si Bora. Nagpasya lang sya na huwag na muna magtrabaho dahil sa dinanas nya sa professor at mga senior nito. Palaban kasi si Bora napag-initan si siguro. Nagpunta sya ng US para magunwind dahil sa stress na dinulot ng trabaho nya sa kanya.

Hindi ko man nakikita ay alam kong nakanguso yan ngayon.

"I know. Sana nga hinabaan mo pa e."

Siya si Elbora Quangco ang bestfriend ko. She knows me very well. Saksi sya sa lahat ng kalokohan ko nung school days ko. Kahit pa hindi sya support kay Gino dahil binabalewala lang ako nito.

Dalawa ang heartrob sa amin noon. Si Gino at Ysmael, heart Breaker ang tawag kay Gino noong high school dahil lahat binabusted nya. Hindi yan sya magdadalawang isip. Kahit mapahiya kapa sa maraming tao. Lagi tuloy sya inaaway ni Bora nuon kapag napapahiya ako.

Si Ysmael naman ay Heart Stealer dahil kahit guro ay naghuhumaling sa kanya. Kahit saan yan sya magpunta maraming nagkakagusto sa kanya. Mabait naman sya kaso playboy.

Nagkagusto sa akin si Ysmael noon pero ni-busted ko agad. Ayuko kasi non magisip ng kung ano sa akin si Gino. Isa pa playboy si Ysmael kaya natitiyak ko na lolokohin nya lang ako. Si Gino lang ang pogi sa paningin ko.

"Grabe ka!! Tagalang hindi mo ako namiss no?!! Wala pa rin sigurong improvement yung relationship nyo ng husband mo!"

"Mind your business Bora." Napairap ako.

Hindi naman sa hindi ko sya namimiss. Si Bora kasi yung tipo ng tao sa buhay ko na ipapamukha sa akin kung gaano ako katanga sa desisyon ko sa buhay. Sasabihin nya talaga sa akin kung gaano ka-worse ang sitwasyon ko.

Which is hindi naman nakakatulong! Gusto nya yata madeppress ako.

Tutol sya sa kasal ko dahil alam nyang masasaktan lang ako. She even try before to set me up with blind dates pero wala talaga. I turned them all down. Wala nakong mahahanap na katumbas ni Gino..

I heard her chuckle. "I miss you too bestfriend!! Let's meet!! I'll text you." Then she hang up.

Love You StillWhere stories live. Discover now