/13/

11 0 0
                                    

Dumating na yung supplier kaya naman abala ako sa shop. Panay ang labas pasok ko sa shop. Minimake-sure ko kasi na maayos na nilalabas ng delivery boy ang mga bulaklak sa truck. Kung minsan sinusundan ko talaga sila hanggang sa ipasok sa loob ang bulaklak.

Yung mga hindi naman mabibigat ay ako na mismo nagbubuhat.

Nang matapos maghakot ay may pinirmahan lang ako mga ilang resibo.

"Faye i-inventory mo mamaya lahat magla-lunch lang ako."

Magkaiba ang oras ng lunch time namin ni Faye, hindi kasi kami pwede magsabay dahil mawawalan ng tao ang shop. 11 am ako at 12 pm naman sya.

I texted Bora to have lunch with me then tumulak na ako sa meeting place namin. Sa isa sa mga favorite restaurant namin. Sa The Barb, masarap kasi ang pasta dishes nila dito.

"Wala ka namang ginawang katangahan diba? You really tipsy last night!" Ani Bora.

Naalala ko na naman yung kakaibang ikinilos ni Gino.. concern ba sya sa akin? Napangiti naman ako nang maalala ang pangyayaring 'yon. First time e.

"Lah may nangyari nga! May amats kapa rin ba? Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Napangiwi si Bora.

"Kasi si Gino, Bora..."

"Ano?"

"Kasi..."

"Kasi ano nga? Nag ana kayo?"

"Baliw hindi!"

"Ano nga?"

"I think concern sya sa akin ng konti."

"Pano mo naman nasabi? Nagsabay lang kayo umuwi tingin mo concern na yan sa 'yo? Hello Mina! Mag asawa kayo natural lang 'yon!" Napairap pa ito sa ere.

"Hindi! Praning ka talaga Bora!"

Napatakip ito sa bibig. "Ohmy!! So nag ana-ana talaga kayo?" Nanlalaki ang mga mata nito.

"Hindi nga ! Ang dumi mo naman magisip! Mukha bang concern yung ganyan!" I tsked.

"Kung hindi 'yon e ano? Don't tell me out of the blue bigla na lang syang bumait? What a joke!" Napahampas ito sa ere.

Nilaro ko ang mga daliri ko. Alam ko miski si Bora mawewerduhan sa inasal nya. "Parang ganon na nga.."

Humalukipkip ito. "Sige iexplain mo pano aber?"

"He hand me a medicine for my hangover. Inabot nya talaga sa akin. Bat nya naman personally iaabot sa akin iyon diba? Pwede naman nyang iutos kay Manang Lita." Idinemo ko pa kung paano inabot sa akin ni Gino yung plastic.

Nanunuya ang tingin nito kaya inirapan ko sya. Di naman kasi talaga kapani-paniwala yung inakto ni Gino.

"Baka naman aksidente ka nyang nasaktan kagabi? Kaya nakokonsensya lolo mo."

"Ang nega mo talaga sa kanya. To inform you what happened that night. I shouted him. I said unnecessary things. Yung lang yung unang beses na sinagot-sagot ko sya! Nakakahiya."

Napailing na lang ako. Kahit pa concern sya sa akin that doesn't mean na may patingin na sya sa akin. Madidismaya lang ako.

Isa pa I'm planning to get over him. Sa mga nagdaang taon ng buhay ko ay napapadalas ang pagsakit ng puso't ulo ko.

Gusto kona ilayo ang sarili ko sa stress. Plano ko magpakalayo-layo.

"Hmmm nakakapagtaka nga.. so tingin mo mahal kana? Mahal kana nyan?"

"Concern nga lang diba. Pero alam mo Bora... I'm planning to get a divorce."

Naisip kona talaga makipag hiwalay kay Gino, I think hindi na magwowork ang relationship namin. Mas lalo lamang akong mahihirapan. Masyado na akong nagpakamartyr. Sinubukan ko naman but I think hindi talaga kaya.

If I really love him I shouldn't owned him from the start. It was so selfish of me to think what my feelings for him matters.

Napaka desperada ko kasi dati. To think that he'll develop feelings for me. But years passed still he hate me the most.

I think this enough. I need to heal my mind and heart. I fought and I didn't win him. Ayuko ng pahirapan pa ang mga sarili namin.

I really treasure my memories with him. Kahit pa halos hindi maganda  ang mga alaala iyon. I love him that's why I treasure those.

"Seryoso ka? Did something really bad happen?" Bora asked.

That night nung nag celebrate kami ng third year anniversary namin. I cried really hard. I realized a lot.

Ako mismo ang dahilan kung bakit sya naging ganon. Ako mismo ang gumawa ng ikakasakit ko.

"Wala naman. Sa mga nagdaang taon kasi ngayon ko lang talaga naisip na baka hindi talaga sya para sa akin.. yung pag-asang pinanghahawakan ko Bora tingin ko bibitawan kona."

Finally nasabi ko rin.

Maybe he's a bit concerned for me. But that doesn't count. At hanngang duon lang 'yon.

"Pero malay mo naman totoong concern sya sa 'yo."

"Kanina lang ang nega mo! Ngayon nagpapaka-think positive ka. Gusto mo ba akong umasa ha?"

Ang gulo ni Bora. Minsan support, minsan hindi. Hindi mo talaga alam kung anong gusto nya e.

"So anong plano mo?"

"I'll talk to him."

Umangat ang dalawamg kilay nya. "Makikipag hiwalay ka talaga?"

"Oum.. but before that I want to spend more time with him.."

Love You StillWhere stories live. Discover now