["Naka ayos kana."]
"Oo.."
["Di mo ba natanong si Gino kung pupunta? Kung pupunta sya sumabay kana sa kanya."]
"Wag na. I can handle."
["Iniisip mo na baka hindi sya pumayag no? Sabihin mo baka magisip yung iba sa inyo. Alam ng lahat na mag asawa na kayo tas hindi kayo sabay na pupunta malamang magiisip yan sila ng hindi maganda."]
"Eh.. Bora pano kung sermonan lang nya ako?"
["Eh para saan pa na asawa ka nya? Mina magisip ka nga! Dapat minsan ginagamit mo yang asawa thing nyo."]
"Okay.. try ko.."
["Aawayin ko yan kapag hindi ka sinabay."]
"Wag-"
Binabaan nya ako ng tawag.
Napatingin ako sa designer dress ko sa salamin. I'm all set na kaya naman tumulak nako palabas ng kwarto ko.
Sakto naman na paglabas ko ng kwarto ay kakalabas lang rin ni Gino ng silid nito.
Na red na tuxedo ito na may itim na neck tie. He look neat and clean, ang hot nya.
Napatingin sya sa akin pero hindi nagtagal iyon akmang magpapatuloy na sya sa paglalakad nang tawagin ko sya.
"Gino.."
He faced me. "Ano? Busy ako."
Nilaro ko ang mga daliri ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pabor na ito. Hindi naman kasi ako humihingi ng pabor sa kanya.
"Aattend kaba ng batch reunion?" Nahihiya kong tanong. Hindi ako makatingin sa mata nya. Alam ko kasi na madidismaya ako kapag tumanggi sya kahit pa expected kona.
"Ano ngayon?"
Nilaro ko ulit ang mga daliri ko. "Kung aattend ka pwede ba akong sumabay sa 'yo? Baka kasi magisip sila kung bakit hindi tayo sabay." Dahilan ko.
Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin hanggang sa isang metro na lang ang layo nya sa akin. Yumukod ito sa gilid ng ulo ko hanggang sa tainga ko.
"Pakialam ko sa iisipin nila?" Bulong na tanong nito.
"Ganap na ganap ka naman Carmina, akala mo naman talaga asawa ang turing ko sa 'yo." Dagdag pa nito.
Ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Kung sa mga sinasabi ni Bora ay hindi ako nasasaktan iba na ang dating kapag si Gino na mismo ang nagsalita.
I'm affected.
"Pe-Pero si Bora kasi.. aawayin ka kapag hindi mo ako sinabay."
Gumalaw ang ulo nya paharap sa akin. "Umuwi na pala ang kaibigan mong kunsitador. Kahit kailan wala talagang magandang dinudulot 'yon."
Gusto ko sana sabihin sa kanya na kahit kailan never akong kinunsinti ni Bora, tutol sya sa nararamdaman ko para sa 'yo.
Sa huli ay napapayag ko sya. Alam nya kasing eskandalosa si Bora, nuon pa nung mga high school kami.
Noong mga high school kami si Bora ang nagiging backer ko sa tuwing napapahiya o pinapahiya ako ni Gino sa maraming tao.
Inaaway nya talaga si Gino.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...