🎶"Natatawa ako na marinig ko ang balitang... Meron ka ng iba... Halos kahapon lang sinabi mo sa akin na tayo ay tapos na.."🎶
Bagot na nakatulala sa akin si Gino habang ako ay bigay todo sa pagkanta. Nang matapos ako sa awitin ay iniabot ko sa kanya ang mic.
"Can you sing for me?" I handed the mic on him.
"I don't sing."
"Hindi rin naman ako. Okay lang yan kahit boses uwak ka Gino.. gwapo ka naman e.." pang-aasar ko.
Nahiya ito sa sinabi ko. Gosh!! Masaya pala asarin si Gino. He's cute.
"Kakanta na yan!! Kakanta na yan!!"
Kinuha nito ang mic sa kamay ko. "Don't put the blame on me. I sounds like a dying horse." He said before typing a song number.
My heart raced at the thought that he was going to sing just for me!! As of now ako na siguro ang pinaka masaya na babae sa buong mundo.
🎶"Maaari ba muna natin tong pagusapan... Sa dama-rami na ng ating pinagdaanan... Ngayon mo pa ba maiisipang isuko ang lahat..."🎶
The rhythm... The emotion of voice.. The diction of his words..
Tila nagyelo ang ngiti ko hindi lang dahil sa kanta. Kundi sa ganda ng boses ni Gino. I didn't know this side of him. I never heard him once singing. Ang sarap nyang panuorin!
Hindi mo alam kung nagyayabang sya kanina o nagpapakahumble e.
Halos mahinto ang paghinga ko nang tumapat sya sa akin at kinanta ang chorus.
🎶"May pag-asa pa ba??? Kung susuko kana... Larawan mo ba'y lulukutin kona... Sa hirap at ginhawa..."🎶
🎶"Tayo ay nagsama... Damdamin mo tila'y napagod na... Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko kana.."🎶
My heart raced and it pounded really hard. Sinikap kong huwag ipakita na kinikilig ako.
Hanggang sa matapos ang kanta na para nya akong hinaharana. That was an excellent performance for me!! Para akong bumalik sa pagkadalaga ko ulit.
"Ayos ba?" Mayabang nitong tanong.
"Hindi na masama."
We eat lunch after that. Ang susunod naman naming destinasyon ay ang movie cinema.
I want to rewatch Titanic, nang makita ko ito sa poster. Mas pinaganda raw ang quality ng movie.
"Talagang gamit na gamit mo ako 'no?" Reklamo ni Gino habang nakapila kami sa bilihan ng pop corn.
"Syempre. One week lang meron ako. Baka mamaya nga nyan itabi pa kita sa pagtulog ko e."
Namamangha nya akong tinuro. "Nagiging hobby mo na yan Carmina.. baka akala mo close tayo para asarin mo ako ng ganyan. Stop teasing me!"
"Wala ka talagang alam sa isang relasyon. Sometimes teasing your partner is natural. May mga tao talagang masaya kapag naaasar yung inaasar nila. Lalo na kapag gusto nila yung tao." Kumindat pa muna ako sa kanya bago sya lagpasan at bumili ng pop corn.
Naiwan ko syang tulala. Kaya naman nagsusuplado ito at mukhang ayaw akong tulungan magbuhat.
"Hold the drinks. Diko kaya lahat ibitbit." I commanded him.
"What if I don't?"
"Gino bilisan mo na. Nakakahiya sa mga nakapila oh.." ngumuso ako sa likod nya. Marami kasing waiting.
Nang makita ang sitwasyon sa likod napairap ito at labag sa loob na kinuha ang drinks.
Sa gitna kami banda pumuwesto.
Nagsimula ang movie sa big screen. Ang lahat tutok sa simula pero ako tutok sa lalaking naka cap sa tabi ko.
Hindi sya nakakasawa tignan.
Napapakain na lang talaga ako nang pop corn sa pogi ni Gino.
Nang papalubog na ang barko ay hindi kona maalis ang paningin ko sa screen. Naiinis ako kasi ang konti lang ng lifeboats sa laki ng barko.
Haist. Nasstress ako para kay Rose at Jack.
Umiyak ako nang matapos ang movie.
"Hey it's okay.. it's just a movie. Don't get being dramatic." Inabutan ako ng panyo ni Gino. Hindi ko sya pinansin.
Hanggang sa makalabas kami. Ganito talaga ako kapag nanunuod ng movie. Emosyonal lalo na kapag tragic yung ending.
"Crying over a movie ha?"
Napasinghot ako. "Nakakainis kasi.. bakit kailangan pa mategi ni Jack? Kung nagshare na lang sila ni Rose sa yelo? Pwede naman yun diba? Magyakap sila."
Muli akong suminga. Narinig ko naman na tumawa si Gino. Sumama ang tingin ko sa kanya. Masaya talaga sya kapag lumuluha ako.
Napapailing ito. "Let's go home." Anito.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...