Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Inabot ko ang gamot sa side table at mabilisan nilunok iyon. Hindi na ako nakainom ng tubig.
Ilang buwan ko ng iniinda itong sakit ng ulo ko. Habol-habol ang hininga matapos kong makainom ng gamot.
Napatingin ako sa oras at nakita kong alas quatro pa lang ng umaga. Napagdesisyonan kong kumilos. Naligo ako at nagbihis bago tumulak palabas.
Nagluto ako ng agahan. Naglinis ako ng bahay. I make myself busy. Inaral ko talaga ang mga gawaing bahay. Ayuko kasi na umasa kami ni Gino kay Manang. Malaking tulong na rin kasi ito para sa matanda.
"Mina.. papagalitan ka ni Gino kapag nalaman na naman nyang nagluto ka. Baka hindi pa yun kumain." Si Manang. Kanina nya pa ako pinipigilan. Nung naglilinis pa lang ako nakabuntot sya sa akin at inaawat ako sa ginagawa.
"Wag mong sasabihin na ako nagluto Manang, gusto ko lang syang pagsilbihan. Gusto ko lang na makita na kinakain nya yung niluto ko." Dahilan ko. Kahit totoo naman. Masaya na ako sa simpleng dahilan na 'yon.
Napabuntong hininga ito. "O'sya di kaba pupunta sa shop mo ngayon?"
"Mamaya pa po, mga alas otso."
Naisipan ko rin mag jogging dahil may libre pakong oras nang matapos sa ginagawa. Tagaktak ang pawis ko nang umuwi. Naabutan kong kumakain na si Gino nang niluto ko. Naglakad ako sa kabilang dulo ng long table. Sinabayan ko sya kumain.
Sanay nako sa ganitong atmosphere. Hindi na awkward sa 'kin o hindi na bago. Sa mga nagdaang taon ay kilalang-kilala kona sya. At isa sa mga ayaw nya e yung kakausapin sya sa umaga unless sya kakausapin nya ko.
Halos parehas lang kami ng kinakain pero mas marami syang prutas. Hindi rin sya nagrarice sa umaga.
Ayaw nya ako ka-share sa hapag. Ramdam mo iyon sa hapag. At sya rin mismo ang may gusto na kumain kami sa mahabang mesa na 'to.
Siguro dahil naiirita sya kapag malapit ako. Pero ganon pa man ay ayos lang basta sabay pa rin kami kumain.
Pagupo bigla akong nahilo.. tila wala akong marinig sa paligid. Napagod yata ako sa pagtakbo.
"Mina?"
"Mina?"
May biglang humawak sa balikat ko kaya natauhan ako. Si Manang na kunot noong nakatingin sa akin. Nag-aalala ang hitsura nya. Napatingin ako kay Gino na nakatingin lang sa akin habang kumakain ng mango.
"Okay ka lang?" Manang asked.
Tila naubusan ako ng sasabihin. Parang hindi ako makapag salita. Tipid na lang akong tumango. What's wrong with me?
"Manang ikaw po nagluto?" Pagiiba ni Gino kaya napunta sa kanya ang atensyon ni Manang.
May pait sa sarili ko sa katotohanang wala talaga syang pakialam sa akin. Ano man ang mangyari sa akin ay hindi sya mag-aalala. Hindi sya katulad ni Manang na tatanungin ako kung okay lang ako.
Tumingin pa muna sa akin si Manang. "Oo Inong.." binalik nito ang tingin kay Gino nang nakangiti. Kahit papaano may karamay ako sa bahay na ito. Nagagawa magsinungaling ni Manang dahil sa akin.
Inong tawag nya kay Gino, at sya lang ang pwedeng tumawag sa kanya non. Naalala ko nun dati nagalit sya nung tinawag ko sya sa palayaw nya. Gustong-gusto ko syang tawagin sa palayaw nya at sabihin sa kanya na mahal ko sya. Mangyayari pa kaya 'yon?
Si Manang Lita ang nag-alaga sa kanya simula pagkabata nya. Kaya naman sya na rin ang kinuha naming maid since ayaw ni Gino sa iba o maghire pa ng yaya.
"Masarap." Ngumiti ito ng pagkatamis-tamis pero agad rin naglaho iyon ng dumapo sa akin ang tingin nya. Para akong tanga na ngumiti sa kanya. Hoping nangingiti rin sya pabalik sa akin. Pakiramdam ko napahiya ako kahit hindi naman.
'Tsk.. kung alam mo lang ako nagluto nyan.' sabi ko sa isip ko.
Kung alam nya lang siguro na ako nagluto nyan malamang ay hindi nya sasabihing masarap yan. Magkamatayan na lahat-lahat hindi pa rin yan aamin. Pero kahit ganon pa man ay masaya ako na nasarapan sya. Hindi na importante na malaman nya na ako yung nagluto.
Kinindatan ako ni Manang.
Mabait naman talaga si Gino, magalang at responsable. Sa Mansyon na ito sa akin lang sya maldito. Nuon napipilitan syang sungitan yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya para lang tigilan sya ng mga ito. Hindi naman talaga masama si Gino, sadyang napipilitan lang sya dahil ayaw nya magpaasa ng tao.
Dadating pa kaya yung araw na ngingiti sya sa akin? Mga ilang taon pa ako mag aantay? Kakayanin ko pa kaya maghintay?
Sa lagay ko ngayon ay sasabog nako e. Para akong timba na punong-puno na. Matagal nakong naguumapaw. Nakakalunod na nga e. Gusto ko ng ibuhos lahat.
"Manang pa-plantsa ako ng coat, wala nakong extra e. Ito na lang ulit gagamitin ko." Inabot nya kay Manang yung coat.
Nakatingin lang ako sa kanila. Ito lang siguro ang hobby ko sa tuwing nasa paligid si Gino. Ang pagmasdan sya. Hindi naman kasi ako pwedeng magtanong kung ano mga kakailanganin nya. Kaya pinagmamasdan kona lang sya. Pero palihim lang iyon. Dahil maiinis yan kapag naaktuhan nya ako.
"Kunin ko na lang ba mga labahan mo mamaya?" Tanong ni Manang.
Ayaw kasi ni Gino, na basta may pumapasok sa kwarto nya. Kahit pa hindi nya ito nilalock ay hindi ako nangahas na sumilip ron. Asawa na nya ako pero mahigpit nyang pinagbabawal iyon.
"Opo Manang. Maliligo muna ko." Paalam nito kay Manang bago umalis nang hindi tumitingin sa akin.
Pinagmamasdan ko lang ang likod nya habang naglalakad. Tangkad ng asawa ko at ang hunk pa. Kuntento na ako kahit likod lang nya ang tanaw ko.
"Manang.."
Nilapag na ni Manang yung coat sa ironing board. Napatingin ito sa akin. "May papagawa kaba?" Tanong nito saka sinaksak ang plantsa.
"Hindi.."
"Ano 'yon?"
"Pwede bang ako na lang magplantsa nyan?"
Napatingin ito sa akin nang matagal. Hindi sya nagsalita. "Gusto ko kasi pagsilbihan asawa ko kahit alam kong ayaw nya.." dagdag ko.
Ngumiti ito nang maintindihan ang sinasabi ko. Laking pasalamat ko kay Manang. "O'sya.. napakalambing mo naman.. sana balang araw makita ni Inong yung tunay mong halaga."
"Nakikita naman nya siguro. Nahihiya lang syang sabihin.." biro ko. Ayon na siguro ang pinaka nakakatawang joke sa bahay na ito.
"Pero alam mo. Ramdam ko na may nararamdaman yan sa 'yo si Inong, hindi ko ba alam kung bakit ka nya palaging inaaway. Alam kong malayo ang loob nya sa 'yo pero hindi sapat iyon para tratuhin ka nya ng ganyan."
Nararamdaman? Baka galit yang tinutukoy ni Manang. Sama ng loob sa akin. But the idea na may iba pa itong nararamdaman bukod doon make me excite.
"Kasalan ko naman po kung bakit sya nagmumukhang masama. Mabait at marespeto po si Gino." I smiled bitterly.
"Nag-aalala ako sa 'yo. Mabait ka iha.. kinaya mong pakisamahan si Inong sa mga nagdaang taon. Nararapat lamang na mahalin kana nya."
"Pano nyo po pala nasabi na may nararamdaman sya sa akin?" Pagiiba kong tanong. Kunwari hindi na interesado.
"Kapag wala ka tinatanong nya kung nasan ka. Kung saan ka nagpunta at kung anong oras ka uuwi. At sa tuwing sinasabi ko sa kanya kung gaano mo sya kamahal ay natatahimik sya."
Napahinto ako sa ginagawa. May humaplos sa puso ko. Daig pa non ang tumugon sa pagibig ko. Hindi ko namalayan na napatigil ako sa ginagawa. Mabuti na lang nandyan si Manang.
"Mina baka masunog lagot tayo kay Inong nyan." Natatawa ito sa reaksyon ko.
"Ah sorry."
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...