Carmina
Three years later...
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang nilalagay ko sa vase ang dinala kong bulaklak galing sa aking shop. Red roses are my favorites ever since. Ang hilig ko talaga sa bulaklak bata pa lang ako.
"Ayan.. ang ganda.." bulong ko sa sarili. Nagpasya akong maghanda. Nagluto ako at nag set-up ng ganito. Palagi kasi kami sa long table kumakain. Naisip ko kahit ngayong araw lang sana. Sa round table na ito magsalo kami nang hindi nya ako inaaway.
Tonight was our third year anniversary. Ginawa ko na lang special ang lahat sa table since ayaw ni Gino na kumakain kami sa labas. Pakiramdam nya kasi e naa-under ko sya. Besides he didn't really want to eat with me.
Kumakain naman kami ng sabay kaso nasa magkabilang dulo kami ng mesa. At hindi kami masyadong naguusap. Palagi kasi syang galit. Pero ganon pa man gumagawa pa rin ako ng way para makausap sya. Kahit mahirap sya pakisamahan.
Ito lang yung gabi na kakain kami na hindi malayo sa isa't isa. Masyado kasing mahaba ang long table kaya nagpatulong ako kay Manang na ilabas ito sa storage room. It was a wooden sculptured table. Pinatungan ko na lang nang puting tela. Too add drama.
Pinagluto ko sya ngayon which is bagay na ayaw nya. Hindi nya gustong nagluluto ako o hindi nya gusto ang luto ko. Ayaw nyang nag eefort ako sa kanya but I insisted. He's my husband after all.
Whatever's the reason it's natural that I cooked for him. Ganoon naman yung ibang asawa diba?
Sakto kadadating lang nya nang sindihan ko ang scented candle. The lights was dimmed so I can't see his reaction clearly. Only the candles gives us bright light.
Umaasa ako na sana kalmado at mabait sya ngayon. But on the other side I expected him to be rude.
"Ano na namang pakulo 'to Carmina?" Maldito nitong tanong.
Salubong ang makakapal nitong kilay nang maanigan ko ang mukha nya sa ilaw ng kandila. Nasa kanang braso nya ang coat nya kaya naka long sleeve polo lang ito na white. Hapit iyon sa katawan nya.
How I wish to be hugged by him. If only I could do that. Aaraw-arawin ko talaga. Never ko pa syang nayakap. Kahit pa makita ako ni Gino umiyak ay hindi nya magagawa sa akin ang bagay na yan.
"I prepare our dinner.. ikaw talaga Gino nakalimutan mo na naman.. Wedding anniversary natin. hehe.." I said softly. Nahiya ako nang hindi nagbago ang reaksyon nya. Awkward akong ngumiti.
"Nagluto ka? Diba sinabi kona sayo na huwag kang magluluto? Baka sabihin ng Daddy mo pinapagod kita dito." Anito.
"Ngayon na lang naman ulit." Ipinaghila ko sya ng upuan. Umupo naman ito nang hindi ako nililingon.
Naupo naman ako sa kabilang dulo. Lihim akong napangiti. Hindi na masama. Ang importante pa rin naman e ang makakain kami.
When I look at him nakita ko itong nakangisi. It was an insult. Hindi naman bago sa paningin ko iyan.
"You don't have to prepare as romantic as this. Trying hard? Pwede naman tayong kumain ng simple lang pinapahirapan mo pa ang sarili mo."
"Espesyal kasi ang araw na 'to Gino.." I gulped.
"Special? Dahil ito ang araw na kinasal tayo? Don't make me laugh Carmina. Ikinasal lang tayo dahil pinilit mo ang Daddy mo na ikasal ka sa 'kin." Napatiim bagang ito.
Hindi ko naman talaga pinilit. Nagwhat if lang ako sa harap ni Dad, then tinanong nya yung Daddy ni Gino since magkasosyo sila sa negosyo. Wala naman naging pagtutol kaya tingin ko walang pilitan na naganap.
Ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Napalunok na lang ako sa bugso ng damdamin ko. Gusto ko sumabog pero ayuko sirain ang gabing ito.
Kailanman hindi ako nakipag sagutan sa kanya. Ayuko kasi galitin pa sya lalo. Kaya kahit masakit titiisin kona lang.
Sa tatlong taon naming pagsasama ay sanay nako sa ugali nya. Sinabi kona lang sa sarili ko na ngayon lang ito masakit mamaya rin ay magiging okay rin ako.
Malaki ang galit nya sa akin. Dahil ako ang dahilan kung bakit natatali sya sa kasal na ito.
Magkaibigan talaga ang mga magulang namin. Kaya nung hiniling ko kay Daddy na ikasal ako kay Gino ay hindi naging mahirap iyon.
Maliliit pa lang kami ay ayaw na sa akin ni Gino, hindi naman nya ko binubully pero ayaw nya makipag laro sa akin dahil babae raw ako.
Nung high school naman kami ay hindi pa rin ako sumusuko sa kanya. Palagi ko syang sinusulatan sa locker nya. Nagtry naman ako ibigay sa kanya personally kaya lang napapahiya lang ako at inaaway sya ni Bora kaya naman hindi na ako nag aabot ng letter sa kanya ng personal. Isa pa itinatapon lang rin naman nya. Walang palya rin ang pagpapadala ko ng pulang rosas sa kanya. Kahit pa sa basurahan ang diretso non.
Nuon pa man umaasa na ako sa kanya. Na magbabago ang ikot ng mundo. Na matututunan nya rin akong mahalin.
Hanggang ngayon... Umaasa pa rin ako sa kanya..
"Ah.. sabi pala ni Daddy pumunta raw tayo sa birthday nya-"
"Tell him I'm busy. Pumunta ka magisa." Putol nito sa sasabihin ko. Ni hindi man lang nya ako pinatapos. Sinubukan ko pa rin syang i-invite kahit na alam kong tatanggi sya.
"Dalawang beses kona nagamit yang excuse na yan.. baka magtaka si Daddy.."
"That's not my problem. You can tell him that I really don't want to come. Lalo't na pamilya mo sila. I hate everything about you Carmina.." Diretso nitong sabi.
I faked my smile. "Sabihin ko na lang may business trip ka."
"You know what Mina, you always make me look bad. You pathetic woman. I don't really want to do this to you but you really pushing me. Hindi kaba nagsasawa?" He looked at me straight to my eye. Nakakalula iyon.
I avoid his gaze. "Pagod ka yata sa trabaho.. hehe.." nanginig ang kamay ko. Huminga ako ng malalim para kumalma.
"Yan ang ayuko sa ugali mo. You always avoiding the subject. When do you plan on getting us divorce? Sakal na sakal nako sa 'yo."
"Don't say that. Wala akong plano makipag hiwalay sa 'yo. Hi-Hindi ko kaya.."
Malakas nyang hinampas ang mesa. "Bullsh*t! Why? Because you love me?" Galit nitong tanong. "So what if you loved me? Ni minsan ba natanong mo sa sarili mo kung mahal ba kita?"
Parang tinusok-tusok ng karayom ang puso ko. Pinipiga rin ito sa sakit.
"I don't love you. I can't loving someone like you. And you will never experiencing the love that you still finding on me. Kahit lumuha kapa ng dugo."
Tila nalunok ko ang sariling laway. Ang sakit pa rin pala. Sa tuwing sinasabi nyang hindi nya ako mahal ay nararamdaman ko 'to. Tila sariwa pa rin sa pakiramdam.
"Just let me love you... Okay lang sa akin kahit mambabae ka Gino.." para akong sinasaksak sa sinasabi ko. If this is the way para manatili sya sa akin I'll let it even if it's hurts.
He exhaled a loud breath. "You really pathetic! Do you really see yourself as my wife? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Sino matinong babae ang magsasabi nyan? You're impossible!" He stand up then stormed out.
Doon lang ako nakahinga.. nagsimula mag angat baba ang dibdib ko. namalayan ko na lang na tumutulo na pala yung luha ko.
Napahawak ako sa ulo ko dahil para itong minamartilyo sa sakit.
That was the first time na sinabi ko na okay lang kahit mambabae sya.
Naisip ko rin kasi na baka kapag nakatagpo sya ng babaeng gusto nya ay magagawa kona syang pakawalan.
I smiled bitterly when an idea came up to me. Baka hindi talaga sya para sa 'kin. All these years ngayon lang sumagi sa isip ko yan.
Naiwan ako magisa sa hapag. The foods, and my efforts on this are go to waste. Palagi na lang nya ba akong itatrato ng ganto?
Napagisip-isip ko ngayon.. yung pag-asang pinanghahawakan ko sa amin ay unti-unti ko ng susubukang bitawan.
YOU ARE READING
Love You Still
RomanceHe hated this girl very much ever since. She doesn't know when to give up. She's good to act like nothing happened. He loathed her. She makes his blood boiled. He didn't want to cook for him. He hated everything about her. He used to ignore her gest...